Chapter 43

27 9 0
                                    

Chapter 43

Lahat kami ay focus na focus sa laptop, hindi ko alam kung sino ang ka-video call niya at sino ang tinawagan niya para malaman namin ito. Pa'no nila maibaba si Chloe dyan?

"Queen!" Biglang sabay na usal nung dalawang lalaki ng gumalaw si Chloe, may malay na siya.

Queen..

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil may malay na siya pero nag-aalala pa rin ako. Hindi pa rin siya nakakaalis d'yan. "Queen pala ang tawag sa kanya, wow.." Usal ni Brian.

"Their Queen is Chloe." Usal ni Raiden.

"Aigo! Here's how to do it, connect the rope, it's too long until it reaches the floor and then untie it slowly and of course you have to support the rope because I might go straight to the floor, I'm dead. While the others are waiting for me at the bottom, if there's a problem. That's the only way so don't yell, I know there's no certainty if it will be a success or not and at least we tried because I'm just here, do it!" Dahil sa malakas ang boses niya ay nag-eco ito at narinig din namin. Napangiti naman ako dahil nakaisip siya ng paraan pero delikado naman. "Mga hinayupak sila, kapag nakita sila ay mararanasan nilang lumipad. Mga bwiset!" Sigaw pa niya.

"Queen! 'Wag kang maingay! Madilim na! Baka may multo dito! Shhh ka lang!" Suway nung isang lalaking nasa baba.

"Manahimik ka! Ikaw kaya dito! Tingnan na'tin kung hindi ka manggilati sa galit! Ano?! Palit tayo!" Iritang sigaw naman nito, bahagya akong natawa.

"Anak ng tokwa, akalain mo 'yan? Nasa delikadong sitwasyon na nga nagawa pang maghamon. Totoo nga ang sinabi ni Lex, siya ang nag-uumpisa ng away." Nakangiting usal ko.

"Shusss.. baka mainlove ka lalo niyan?" Nanunukso ni Killian at ganun na si Rex, 'agad na nawala ang ngiti ko at sinamaan ko siya ng tingin. Nagpeace sign naman siya.

"Queen, 'wag kang malikot, ano ba!" Asik ni Lex sa kanya.

"'Wag mo akong sigawan!"

"'Wag ka ding sumigaw! Umaalingaw-ngaw ang boses mo!"

"Sa'yo din naman ah!"

"Tumahimik ka nga muna! 'Wag kang malikot! Baka mahulog ka, ano ba!"

"Sabing 'wag---!"

"Shut up you two or I'll drop you both?!" Pagbabanta nung kasama ni Lex at pareho silang tumahimik, bakit? Tiklop? Sino ba siya?

Kahit si Chloe ay nagawa niyang patahimikin. Si Chloe ay isang Queen at nagawang patahimikin at nagagawang sigawan ni Lex o sino man kanila? 'Di nga?

"Siya siguro si Shian." Usal ni Rex.

"Siya?"

"Siguro, pero ang sabi ni Lex ay si Shian ang pinakamataas sa lahat ng tauhan nito ay may binigay na mataas na permiso, si Shian lang ang kayang sumuway sa utos ni Chloe at si Shian lang ang kayang pasunudin si Chloe, si Shian ang bestfriend ni Chloe so baka siya si Shian kasi nagawa niyang patahimikin si Chloe ng ganyan kabilis at hindi umangal si Chloe. Chloe is a freaking Queen, guys." Paliwanag niya at tama nga siya. Siya nga siguro si Shian, ang Leader ng mga leader.

Kahit madilim na at malayo ay alam kong gwapo siya pero mas gwapo ako, tch.

Wala ako sa sariling umirap, kainis. "Cheezzz selos siya."

"Alam mo iniiwasan kong magmura kaya manahimik kang hinayupak ka!" Inis kong asik kay Killian at natawa naman siya ganun na din ang iba. Sinamaan silang lahat ng tingin, letse. Si Lex may kasalanan dito eh!

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now