Chapter 55

26 9 0
                                    

Chapter 55

Hindi talaga maalis ang tingin ko sa dalawang ito simula ng dumating sila. Curious lang naman ako sa kanila dahil nabanggit ni Mommy ng mga pangalan nila pero hindi ko alam ang itsura nila at ngayon ko lang nalaman.

"Tinatamad akong mag-english, kayo mag-adjust." Seryosong sambit ko.

"Marunong sila." Sagot ni Zyler.

"Ikaw din?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Proud siya. Inirapan ko naman siya.

"So, kayo si Azriela at Azion?" Tanong ko 'dun sa dalawa at tumango naman sila.

"Si Prinsesa Azriela Jane At Prinsipe Azion Skyler." Paglilinaw ni Zyler.

"Oh? Saang palasyo?" Taas kilay na tanong ko.

Matagal pa muna bago siya makasagot. Bumuntong hininga pa siya eh. "Sa Chateau de Champord." Kumunot naman noo ko.

"Ano? Sa pagkakatanda ko ay wala akong kilalang Prinsesa at Prinsipe sa Chateau de Champord." Matigas kong sambit.

"Moulin din sila."

"Ano? Pinagloloko mo ba ako?" Madiing tanong ko. Nagpipigil akong magalit at mainis.

"Anak sila ni Daddy---"

"Anong anak sila ni Daddy?! Sinasabi mong bang may ibang babae si Daddy?!" Galit na tanong ko.

"Kumalma ka muna---"

"Pa'no ako kakalma ngayon?! Ngayong alam kong may anak si Daddy sa labas, p*nyeta!" Galit na galit na sigaw ko at napatayo na ako sa sobrang pagkainis ko. "Tapos 'yang kambal na 'yan ang anak niya sa ibang babae?!" Turo ko pa 'dun sa dalawa.

"Chloe, hindi naman nila kasalanan ang nangyari. Kapatid na---"

"No!" 'Agad kong pigil sa kanila. "Hinding hindi ko matatanggap ang mga 'yan bilang kapatid ko! P*ta, sana pala hindi na curious. Letse!" Nagsisisi na ako.

"Chloe! Matagal mo ng alam ang tungkol sa kanila! Lagi mo silang binibisita sa Singapore, ikaw ang tumutulong sa kanila! Ano ba 'toh?! Nang ti-trip ka ba?!" Inis na tanong sakin ni Zyler.

"Anong pinagsasabi mo?! Kaya ko nga sila pinahahanap sa'yo dahil hindi ko alam kung sino sila at bakit sila kilala ni Mommy tapos sasabihin mo sa'kin?! Nagg*gaguhan ba tayo dito?!" Galit na galit na tanong ko.

"Itigil mo nga 'yang pagmumura mo! Akala ko ba nagbago ka na ha?! Akala ko ba ay tinigil mo na nag pagmumura mo?! Ano bang nangyayari sa'yo?!"

"Wala kang pakialam!"

"Hindi siya si Chloe." Biglang sabat ni Azion nga habang nakatingin sa'kin ng seryoso, si Azriela naman ay inosente nakatingin sa'kin na nag-aalala at naguguluhan.

"Ako? Hindi si Chloe? G*go ka ba?"

"Chloe!" Suway 'agad sa'kin ni Zyler na talagang frustrated na sa'kin. "Ano bang nangyayari sa'yo, Chloe?! Sumusobra ka na!"

"Anak sila labas ni Daddy! Anak sila sa ibang babae! Kahiya hiya 'yun sa pamilya na'tin! Tang'na, kabilang tayo sa Royal Family! Malaking issue 'toh kapag malaman ng ibang tao lalo na kapag media ang makaalam!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi naman nila malalaman kung walang magsasabi!"

"Anong isasagot mo kapag tinanong nila kung bakit biglang sumulpot sa pamilya na'tin ang mga 'yan?! Ano?! Isasagot mong kagaya ko lang din?! Na tinago?! Taguan ng anak ba ang pamilya na'tin?! Ang hilig kasing magtago ng mga anak eh." Sarkatiskong tanong ko na may galit. "Ngayon, galit na galit ako kay Daddy! Pucha ginagawa ko lahat makuha ang hustiya para sa kanila tapos malalaman ko 'toh?! Para nawalan na ako ng dahilan para makuha ang hustiya para sa kaniya! Kasi ngayon sinasabi ko sa sarili ko na deserve niyang mamatay! Dammit!" Pinipigilan ko naman ang sarili ko na 'wag tumulo ang nagbabadyang luha ko.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now