Chapter 46

23 8 0
                                    

Chapter 46

Third Person Pov

Nagkakagulo ngayon sa buong resort dahil sa paghahanap nila sa mga kaibigan nga ni Chloe. Kahit labag na labag sa kalooban ni Shian na hanapin ang mga ito dahil kung tutuusin ay wala na silang pakialam 'dun dahil nasa plano nilang saktan ang mga 'yun pero ito sila ngayon, hinahanap ang mga 'yun. Pinahahanap ni Shian kasi wala ang mga ito sa mga kwarto nila ng tingnan niya ito kaninang umaga. Hindi pa alam ni Chloe kasi tulog pa rin hanggang ngayon.

"Boss, they're really not here. Shall we still look?" Tanong ni Mark. Si Cyrus ay nakabusangot dahil nagugutom na siya, wala pa silang almusal-almusal.

4am sila nagstart na hanapin ang mga ito, binulabog sila ni Shian dahil hahanapin nga nila ang mga ito. Lahat sila ay antok na antok pa at gutom na pero walang pakialam si Shian 'dun, kahit din naman siya. Lahat naman sila ngunit wala pa ring nagrereklamo dahil kailangan nilang mahanap ang mga 'yun.

"Lex, Blaise. Go to the places where they can go." Utos nito sa dalawa.

"Boss, can we tell Queen?" Tanong ni Cyrus at umiling naman si Shian.

"Don't do that. She'll just wake up." Sagot niya. Bumuntong hininga naman sila.

"Boss, bakit nga ba hinahanap pa natin ang mga 'yun? Malay niyo kakampi na sila sa parents nila? Sinabi na ni Queen na kung kakampi sila sa mga 'yun ay go, hindi sila pipigilan ni Queen kaya bakit pa?" Nakangusong tanong niya.

"You know, it’s totally against my will to do this but we’ll still do it when the Queen wakes up and finds out. She will order us to look for those, I preceded her." Seryosong sagot nito.

"Wala ba 'tong balak magtagalog?" Bulong na tanong ni Cyrus sa sarili niya kaya kumunot ang noo ni Shian.

"What? Are you saying something?" Taas kilay na tanong nito.

"Nothing! Boss, what are you hearing? I'm not saying anything---"

"Shut up." Seryosong pigip nito dahil alam na nitong hahaba pa ang sasabihin nito.

Tss.






"Good morning guys!" Masayang bungad ni Chloe sa mga tauhan niya na parang binagsakan ng langit at lupa dahil hindi nila ito nahanap. Pinuntahan na nila Lex ang maaaring puntahan ng mga ito kaso wala eh.

Nganga..

"Anong nangyari sainyo?" Tanong ni Chloe sa mga ito.

"Queen, wala sila." Alam na kung sino ang tinutukoy niya.

"Okay." Tanging sagot nito at nagtaka naman sila lahat. "Tara almusal na tayo, nag-almusal na ba kayo?" Tanong nito na parang wala ngang pakialam sa mga 'yun.

What the fvck, Queen?

"Anong okay, Queen?" Tanong ni Cyrus. "Queen, nagkakanda-kanda gulo na kami para mahanap lang sila tapos okay lang ang isasagot mo? Kami ba ay ginag*go mo Queen---ARAY KO NAMAN!!" Biglang reklamo niya ng malakas siyang batukan ni Mark na parang matatanggal na ang ulo niya.

"Are you crazy or are you really crazy?! Queen is the one you're talking to, you punk!" Inis na asik nito at ngumuso naman si Cyrus..

"Stop it." Suway ni Shian sa kanila. Bumaling naman siya kay Queen. "You don't really care?"

"No. What do I care? I told them if they side with their parents they will go, I won't stop them. If they leave I don't care. They won't be the reason to ruin the plan. I will do anything what I told them." Malamig na sagot nito, walang ka emosyon-emosyon. Talagang pinararamdam niya na wala nga talaga siyang pakialam.

Balik na naman sa dati.. Chantal..

"Besides, we plan to torture and hurt them, don't we? Not only emotionally but also physically. So I don't care about them anymore, they choose whatever they want. It's their decision and it's their right, nothing I have the right to stop them."

"Something will change in the plan, just wait until I tell you. I'm not done thinking yet. We need to change the plan because I can no longer use them against those and I have no intention of using them. It's over I'm with them." Dagdag pa niya. Wala namang umimik ni isa sa kanila. "Hindi pa ba kayo nag-aalmusal? Kung hindi pa ay tara na.. almusal na tayo. May pupuntahan pa tayo. Shian, Mark, Cyrus, bring your ten men with you to make sure everyone is safe." Nagtaka naman 'yung tatlo.

"Why? Where are we going? Bakit kailangan ng maraming tauhan?" Tanong ni Mark.

"Basta." Hindi na sila nangulit pa kasi wala talaga silang makukuhang sagot. Basta lang.



Alexander's Pov

"You're thinking deeply." Usal niya. "What are you thinking again?" Hindi naman ako kumibo. Focus lang ako sa pagmamaneho ko. "Lex." Pagtawag niya sa'kin.

"Shut up." Seryosong usal ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Hey.. the person is just concerned about you. Don't leave your problem alone, tell me---"

"I told you to shut up!"

Natahimik naman siya sa biglang pagsigaw ko sa kanya. Bullsh*t! Stress na ako ngayon dahil sa hindi ko makita ang mga kaibigan ko at walang pakialam si Chloe 'dun! Pucha!

Alam kong hindi sila umalis ng kusa kasi kung aalis sila ng kusa ay wala silang maiiwan na gamit. Ang babaeng 'yun ay sila 'yung tipo ng babae na kahit saan magpunta ay dala ang make up nila.

Masama talaga ang kutob ko.. may hindi magandang nangyayari ngayon. May mali. Gusto ko sanang hanapin pa sila kaso may pupuntahan kami ngayon ay kailangan kong intindihin ay sila Chloe, Queen siya.. mas mahalaga kasi sa mga kaibigan ko na mahalaga din naman sa'kin. Lintik na 'yan! Bakit naman kasi may paganun ganun pa si Killian? Patayin ko 'yun eh.. bwiset!

Nagtaka naman kami lahat dahil nandito ulit kami sa lumang gusali. Kung saan dinala si Chloe nung nakaraang araw, dito siya ginawang pangbingwit ng isda pa nga.

"Chloe, bakit tayo nandito? Hindi ka pa ba na trauma?" Kunot noong tanong ko.

"Tss. Tara." Aya niya at siya ang nangunang maglakad habang kami ay nakasunod lang.

"Tapang talaga nito eh 'noh?" Mahinang tanong ni Cyrus na napapailing na lang.

"Nakita niyo ba ito nung naghahanap kayo?" Tanong niya sa'min habang nakaturo 'dun sa malayong pintuan. "Pinuntahan niyo ba 'yan?" Umiling naman kami at ngumiwi naman siya. "Nung hinahanap niyo ako nun ay nandyan lang sila, may underground d'yan." Nanlaki naman ang mga mata namin.

"Pa'no mo nalaman ha?! May powers ka ba?" Gulat na tanong ko at binatukan naman niya ako.

"Dahil nakita ko ang isa lang kanila na lumabas d'yan bago tayo umalis nun." Sarkatiskong sagot niya at muling naglakad papalapit 'dun.

"Papasok tayo d'yan?" Tanong ni Shian at lahat kami napalingon sa kanya.

"Wow!!" Halos ilan sa'min ang nagsalita nun at kasama si Chloe 'dun.

"What?!" Asik niya sa'min.

"Nagtagalog ka boss! Himala! Dahil d'yan, magpapa-fiesta ako!" Malakas na sigaw ni Cyrus na tuwang tuwa at natawa naman ang iba.

"Abangan namin 'yan Leader!" Sagot ni Kenneth.

"Patay gutom ka talaga! Mukha kang pagkain!" Kumamot naman sa batok si Kenneth habang nakanguso. Tss, siya rin naman.. kung makapagsalita eh akala mo ay hindi din matakaw.

"Tama na 'yan. Tara na. Siguradong inaantay na tayo." Sabi ni Chloe at tumango naman kami.

Maglalakad na din sana ako kaso bigla akong napatingin kay Blaise. Tahimik lang siya, walang ka emosyon-emosyon. Kanina pa walang imik. Anong nangyari sa kanya? Tss, pakialam ko ba.







☕︎✍︎

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now