Ending: Part 1

34 8 0
                                    

Ending: Part 1

Third Person's Pov

Lahat sila ay nakapalibot kay Suares na ang himbing pa rin ng tulog, inaantay nilang magising ito. Sinabi na ni Shian na siya ang kumuha kay Suares at siya ang nagligtas dito, galit na galit tuloy sa kanya si Chloe Levaillant. Parang pinaglalamayan nila si Suares. Si Thea ay lungkot na lungkot.

Maya maya pa ay gumising na si Suares, bulagta siyang bumangon ng makita ang mga tao sa paligid niya. "Sh*t, bakit nandito ako? Bakit nandito kayo? Wala ako sa impyerno?" Sunod sunod niyang tanong.

"Daddy," Parang batang lumapit si Thea rito at niyakap ito.

"Are you okay? Kamusta ang lagay mo? May masakit ba sa'yo?" Concern na tanong ni Wyatt.

Tumango naman si Suares ng nakangiti rito. "I'm okay." Sagot niya. "Thea, ayos ka lang ba? Anak, hindi ko kasalanan 'yung pagkidnap sainyo noon. I'm sorry." Totoong sagot nito.

"It's okay dad, but please dad.. umayos ka na please."

"Aba maayos naman ako ah. Kaya ko lang naman 'toh ginagawa ay dahil kay Zander, kung hindi ko 'toh gagawin ay mamamatay si Zander jusginoo." Sagot nito.

"So kami?"

"Syempre kasama kayo." Bumaling naman siya sa iba. "Alam ko, sige.. magtanong na kayo. Ano bang *cough* gusto niyong malaman?" Tanong niya sa mga ito, umubo muli siya.

May nilapag naman si Shian na gamot sa lamesa at tubig. "Ininumin mo 'yan." Utos nito.

Tiningnan niya ang gamot 'tsaka tumingin kay Shian. "Hindi ba lason 'yan?"

"Kung may balak akong patayin ka ay wala ka na ngayon." Masungit nitong sagot. "Every eight hours ay iinum ka ng gamot, kung gusto mo pang tumagal ay inumin mo 'yan. Matanda ka na, mahina na 'yang resistensya mo. 'Wag kang papa-stress. Kung gusto mo ng mamatay ay 'wag mong gawin ang mga sinabi ko." Dagdag pa nito, kahit masungit ay concern din naman.

Ininum naman niya 'yung gamot. "S-Salamat. Tungkol saan ba ang gusto niyong malaman?" Tanong na naman nito.

"Wala talaga akong tiwala sa'yong animal ka." Inis na usal ni Chloe.

"Sinabi ko bang magtiwala ka?" Umigting kaagad ang panga ni Chloe at umusok 'agad ang ilong at tainga sa galit at inis niya kay Suares. "Pasensya." Usal nito.

"Kailangan naming malaman ang tungkol kay Djelo Montre." Sagot ni Shian.

"Sa kanya? Okay. Djelo Montre, 27 years old, panganay sa kanilang tatlong magkapatid, parehong lalaki. Wala na ang kanilang magulang at hindi niya ngayon mahanap ang kapatid niya. Matalino siya, isa siyang CEO. Sikat ang kompanya niya kaso walang nakaalam na siya ang CEO. Ang nagpapatakbo ng kompanya niya ay 'yung Vice president ng kompanya niya. Hindi niya pinupubliko ang identity niya. Kanang kamay ni Alvarez de g*go. Hindi namin alam kung pa'no siya nasangkot sa ganitong sitwasyon eh napakayaman na niya at sikat ang kompanya, walang illegal na gawain. Ang sabi ng iba ay meron silang deal ni Alvarez de g*go, may gustong makuha si Djelo at mukhang ginagamit lang niya si g*go. Pwede na ba 'yun? Marami pa akong alam." Mahabang satsatan niya. Nagsasabi siya ng totoo, para 'toh sa mga anak niya.

"Bakit wala kaming makuhang info niya?" Tanong ni Lex.

"Deleted. Lahat lahat, wala talaga kayong malalaman tungkol sa kanya maliban na kung may magsabi sainyo ng tungkol sa kanya 'gaya ko." Sagot niya.

"Hindi mo alam kung anong deal nila?" Umiling naman si Suares kay Cyrus.

"Walang nakakaalam. Maliban siguro sa mga tauhan ni Djelo, nga pala. Si Djelo ay malupit, ganun din ang mga tauhan niya. Pagsamahin mo si Mark at Cyrus, katumbas ng galing nila ang galing at talino ni Djelo. Kung kay Shian, patas lang. Ang mga tauhan ni Shian ang kinaaatrasan niyo, ganun na din kay Djelo, tauhan ni Shian at Djelo at Shian at Djelo ang magtapat---patas na ang lahat. Ganun." Dagdag pa niya.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now