Chapter 27

35 10 0
                                    

Chapter 27

Simula ng dumating ako dito sa school ay hindi na maalis ang tingin nila sa'kin! Hanggang ngayon ay pasimple silang tumitingin kahit ang mga Xaxion at 'yung mga kaibigan ni Stella. Baka dahil sa style ko ngayong araw, astig ba naman ang datingan ko. Sinong hindi makakatingin sa kaastigan ko? Ang yabang lang. Break time muna, saglit lang naman. Nilabas ko ang cellphone ko at nagtingin tingin muna sa facebook. Pag-open ko ng account ko ay kumunot ang noo ko dahil ang daming notification ang pumasok sa'kin, ang daming nagtag sa'kin!

Tiningnan ko naman kung ano 'yun at bakit ako 'yung tinatag nila at pagtingin ko ay pucha!

@Brian#03
3hours ago

This girl is our girl.. a beautiful and cool girl❤️😊

 a beautiful and cool girl❤️😊

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

100k          10.1k                8.9k
Likes       Comment        Share

Napanganga na lang ako dahil dito. "Yow, Chloe!" 'Agad naman akong tumingin 'dun ng marinig ko na ang boses ni Brian. Ang lawak lawak ng ngiti niya sa'kin. "Ano? Nakita mo na?"

"Ba..bakit mo.. bakit mo ako pinicturan at pinost mo pa?" Hindi ko naman alam ang itatanong ko, nagkada-utal pa ako, letse.

"Why? Wala namang masama 'dun eh.. 'tsaka ang cool mo kaya!" Na-i-stress po ako sa kanya, paki-layo po sa'kin ang batang ito.. please lang.

Magsasalita na sana ako kaso biglang lumapit si ZZ sa'min kaya napatingin kami sa kanya, nagtataka. "Let's go." Aya niya sa'kin.

"Oui? Où?" Tanong ko

•Translate: Oui? Où? (Kwi? Uh?) = Yes? Saan?•

"Sa dean office, tara na." Sagot niya at tinalikuran na kami at naglakad na palabas ng room. Mang-iiwan.

Bumaling naman ako kanila Brian na takang takang pa rin sila. "Punta lang muna kami sa D.O." Paalam ko sa kanila at tumayo na sa kinauupuan ko at sumunod kay ZZ. Nag-ayang pumunta 'dun tapos 'di ako inaantay, loko. "Hoi!" Sigaw ko sa kanya kaya napatingin 'yung ibang studyante sa'min, pake ko.

Huminto naman siya sa paglalakad at tumingin sa'kin. "What?" Masungit niyang tanong.

"Anong what? Wat-watin kita d'yan eh.. hindi ka ba marunong mag-antay ha?!" Inis kong tanong sa kanya.

"Bakit pa kita aantayin eh alam mo naman papunta 'dun."

"Ikaw 'yung nag-aya eh, so dapat marunong kang mag-antay, siraulo."

"What? Ya, I'm not siraulo." Pikon. Inirapan ko lang siya at naglakad na. Binangga ko pa siya sa braso bago siya lagpasan. "Ya.. Ya.. Ya!!!" Napatakbo naman ako, hanep 'yan.. pikon siya!

Natatawa ako sa reaksyon niya, habang tumatakbo ako ay tumingin ako sa likod ko at medyo nagulat naman ako ng hinahabol niya ako! Aish!! Para kaming ewan dito na naghahabulan! Napakapikon naman niya kasi!

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora