♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 25♛

53 10 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 25♛

Nakaupo ako dito sa damuhan kasama ang ilan sa mga kasamahan namin. 'Yung iba kasi ay busy sa pagpapalipad ng ibang bagay na parang ipipitik sa ere at iikot 'dun ng may ilaw, halos ang nakikita namin ay puro ganun, pataasan pa 'ata ng pitik sa ere nun. Maganda naman tingnan, si ZZ ay binuhat pa niya si Migo sa balikat niya para mas mataas ang kay Migo. Ang ilan sa mga babaeng kasamahan namin ay nandun, nakapaligid sa kanila---kanina pa ang mga 'yan eh. Todo dikit sila kay ZZ eh, halata naman. Sobra.

Binaba ni ZZ si Migo at lumapit si Migo kay Ms. Garnier, hindi naman sila magkakaintidihan niyan eh pero mukhang kaya naman ni Migo na makipag-usap dito nang hindi nagsasalita eh. Sa ekspresyon ng mukha niya ay mababasa mo na. Si ZZ naman ay nakipag-usap 'dun sa mga babae na kanina pa nakaaligid sa kanya, nakangiti siyang nakikipag-usap sa mga ito kaya naman 'yung mga babae ay todo ngiti sila. Kinuha ko ang coke na nasa tabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa gawi nila ZZ. Playboy 'ata 'toh, Xaxion nga pala sila at siya ang leader kaya siguradong playboy siya.

Ilan na kaya ang naging girlfriend nitoh? Nasan na kaya ang mga ex niya? Ang dami siguro nila? Sigurado naman akong hindi marunong magseryoso ang lalaking ito, hindi siya marunong makuntento sa isa. 'Gaya ngayon, pa-fall. Siguro puro taga-ibang bansa ang ex nito? Bawat bansang napupuntahan niya ay may girlfriend siya at ex. Woowwwwww.

Tumayo ako at lalapit na sana sa kanila kaso biglang may tumawag sa'kin kaya hinanap ko kung sino ang tumawag sa'kin, talas ng pandinig ko 'di ba? Ang ingay ng paligid namin dahil ang daming tao dito pero narinig ko pa rin, pamilyar kasi sa'kin 'yung boses 'tsaka pangalan ko din eh. Nang tumingin ako sa may gawing kanan ko ay natigilan ako at nagulat ng makita kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon. Nakangiti siya habang nakatingin sa'kin, kasama niya ang kaibigan niya na umalis at naglakad sa kung saan, hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon---nakatayo sa harapan ko na ang ganda ng ngiti.

Nangilagid ang mga luha ko at mabilis na tumulo, wala ako sa sariling naglakad papalapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. Hindi ko na mapigilang umiyak. Ramdam ko naman ang pagyakap din niya sa'kin. "You miss me?" Tanong niya at tumango tango naman ako. Niyakap ko siya ng mahigpit, niyakap din niya ako ng mahigpit. "I miss you."

"I miss you too."

"Mama, sino po 'yang kayakap niyo?" Si Migo 'yun.

"May anak ka na 'agad? Wala pang dalawang buwan may anak ka na---ganyan na siya?" Kumalas naman ako sa pagkayayakap sa kanya at nakita ko ang reaksyon niya. Nakatingin siya kay Migo na talagang hindi makapaniwala. "Hi," Bati niya dito at umupo siya para mapantayan niya si Migo. "Ako ay Kuya ng Mama mo." Pakilala niya, hindi ko alam kung bakit tumingin ako kay ZZ. Saktong pagtingin sa kanya ay bigla siyang ngumiti na parang nakahinga siya ng maluwag, anyari?

"Ako po si Migo, mama lang po ang tawag ko sa kanya para may magulang po ako--hindi niya po ako anak."

"Ahh.. haha, akala ko talaga." Napakamot naman siya sa ulo niya. Ngumiti naman si Migo sa kanya. "Migo, ako si Xeno." Pakilala na niya.

"Hello po, Kuya Xeno.. alam niyo po.. ang gwapo niyo po, mas gwapo siguro kayo kung umaga ngayon."

"Hehehe, salamat. Ikaw din, gwapo at cute."

"Mana ako sa papa ko." Proud niyang sabi na tumingin pa kay ZZ, tiningnan naman siya ni Xeno na nagtataka. Tumayo naman si Xeno at harapin si ZZ. "Kuya Xeno, siya po ang Papa ko, 'gaya lang ng dahilan ko kay Mama." Dagdag pa niya.

"Hi, Xeno." Inabot niya ang kamay niya, tinanggap naman ni ZZ yun.

"Zander." Nagshake hands silang dalawa.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant