♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 07♛

66 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 07♛

Inaantay ko lang si Xeno ngayon. Ngayong umaga kasi ako aalis dito eh. Gusto ko sanang pumasok kaso hindi pwede at naiintindihan ko naman 'yun eh. Ito ang unang beses na nagkaroon ng absent, hindi ko talaga hilig umabsent. Pumapasok pa rin ako noon kahit may sakit ako, basta kaya ko ay papasok ako. Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok at bumukas ng kunti ito tapos may sumilip kaya tiningnan ko kung sino 'yun. Tinagilid ko pa ang ulo ko para makita siya. "Pwedeng pumasok?" Tanong niya at tumango lang naman ako. Pumasok naman siya at sinara niya ang pintuan bago lumapit sa'kin. "Ahmm.. magdi-discharge ka na?" Tanong niya.

"Mm. What are you doing here?" Walang emosyon na tanong ko.

"Gusto kong malaman kung ano ang lagay mo ngayon, mukhang okay ka naman kasi discharge ka na eh. 'Tsaka para may sasabihin na din ako sa mga teacher na'tin kapag tinanong nila ako." Sagot niya at tumango tango lang naman ako.

Hindi naman ako nagsalita. Siya naman ay panay ang iwas ng tingin sa'kin, ang awkward naman nito. Bakit naman kasi pumunta pa siya dito eh? Laking pasalamat ko ng dumating na si Xeno. Kumunot ang noo niya ng makita niya ang lalaking ito. Habang naglalakad siya papalapit dito sa gawi ko ay nakatingin siya rito simula ulo hanggang paa tapos mula paa hanggang ulo habang nakakunot ang noo niya. Nagtataka naman siyang tumingin sa'kin. "Who is he?" Tanong niya sa'kin habang turo 'yung lalaki at nagkibit balikat naman ako kaya mas lalong kumunot ang noo niya sa pagtataka.

"Aba malay ko, 'di ko rin yan kilala pero classmate ko siya." Sagot ko at tumingin naman siya 'dun sa lalaki. Hindi ko naman alam ang pangalan niyan basta alam ko classmate ko 'yan, siya 'yung lumayo sa'kin nun. Mabaho 'ata ako nung time na 'yun eh... 'di naman talaga, sadyang maarte lang sila 'noh!

"Who are you? What's your name?" Tanong ni Xeno dito. Tumingin pa muna sa'kin 'yung lalaki kaya nagtaka naman ako. Tiningnan din naman ako ni Xeno 'tsaka muling tumingin 'dun sa lalaki. "Why? Do you need her permission before you can say your name? She also doesn't know you even though you are her classmate." Seryosong sambit ni Xeno dito.

Ngumiwi naman ito. "Ako si Raiden. Ikaw? Sino ka?" Tanong niya kay Xeno.

"Ako si Xeno Kian Acapulco." Pakilala niya rito at nagulat naman si Raiden nga daw.

𝑨𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒈𝒖𝒍𝒂𝒕 '𝒅𝒖𝒏?

"I-Ikaw?" Utal niyang tanong kaya pareho kami ni Xeno na nagtaka sa kanya. Nagkatingan naman kami ni Xeno at sabay na tumingin dito. "Ikaw ang.." Lunok. "..ang anak ni Mr. Lin Qi, 'yung.. CEO ng YOOZO Games.." Di makapaniwalang sambit niya. Kami naman ni Xeno ay sabay na bumuntong hininga, akala mo naman ay kung ano na.

"For your information.. I'm not his child and maybe you're referring to something else." Seryosong usal ni Xeno, ayaw niyang pag-usapan ito.

"Pero posible na magkamali ako. Alam kong ikaw 'yun, 'wag mo ng itago 'di ko naman sasabihin sa iba eh, sige---"

"Can you just shut up!" Oh ayan na! Nagalit na tuloy.

Nagulat naman si Raiden sa biglang pagsigaw nito sa kanya. Daldal kasi nitong lalaki na ito eh, 'di ba niya alam ang salitang privacy!? Tiningnan ko naman si Raiden. "Hindi ka pa ba aalis? Anong oras na? Male-late ka na.. may kailangan ka pa ba?" Tanong ko sa kanya at naiilang siyang tumingin sa'kin at umiling. Tumango naman ako. "Geh, ingat ka." Sabi ko at tumango lang siya 'tsaka lumabas na ng kwarto ko. Tiningnan ko naman si Xeno na mukhang galit pa rin siya. "Oh relax ka lang..." Sabi ko naman sa kanya at ibinaba ang paa ko. "Tara na, gusto ko ng umuwi eh." Sabi ko at bumuntong hininga naman siya bago bumaling sa'kin.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora