♕ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 04♕

78 10 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 04♛

Matapos kong kainin itong mga pagkain ko ay lumabas na ako para itapon ang mga lagayan. Ayaw kong itapon dito sa basurahan ko dahil baka langgamin dahil matatamis ang mga ito. Paglabas ko naman ay natigilan ako ng makita 'yung tatlo na tulog na! 'Yung si Wyatt ay natangay at nakasandal sa upuan, mukhang tulog na tulog na. 'Yung magjowa naman ay nandun sa mahabang sofa. Nakahiga si Lesh sa binti ni Xeno at si Xeno ay parang nakatagilid ang higa. Ang kalat ng lamesa at nakabukas pa ang TV! Hanep 'tong mga 'toh. Ah bahala sila d'yan..

Naglakad ako patungo 'dun sa kusina at pumunta sa basurahan at itapon ang kalat ko. Bumalik naman ako 'dun sa sala. May pasok sa school bukas si Lesh eh! Sira talaga 'tong babae na ito! Talagang mahahawaan na ang kaibigan ko sa pagiging demonyo ng boyfriend niya eh! Bullsh*t. Lumapit naman ako sa kanya at ginising siya. "Hoy, may pasok ka pa bukas baliw." Sambit ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at gumising. Bumangon naman siya at umayos ng upo.

"G*ga, 'di ako lasing. Hindi ako uminom 'noh." Tumaas naman ang dalawang kilay ko sa sinabi niya.

"Eh? 'Di nga?"

"Oo nga. Ayaw akong panumin ng kupal na ito eh, inaantok na kasi ako kaya nakatulog na din ako." Pagpapaliwanag niya at tumango tango naman ako. Tumayo naman ako at naglakad pero pinigilan naman niya ako. "Girl, tulungan mo naman ako dito." Pagpapaawa niya.

"Ah bahala ka d'yan, kailangan ko ng matulog. Maaga pa ako bukas."

"'Di ka pa makakatulog agad dahil kakatapos mo lang kumain. Please, tulungan mo na ako." Nagpa-cute naman si g*ga. Aish!

"Okay fine. We'll just put away their clutter there and then take care of the two of them there.. they'll just sleep there, they're really comfortable there." Sabi ko naman at lumapit na 'dun sa lamesa.

"G*gang 'toh, nag-english na." Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Talagang ganyan ka kapag hindi mo gusto ang isang bagay? Nag-e-english ka lagi?" Takang tanong niya at tinulungan niya na akong magligpit dito. Tumalikod naman ako sa kanya at pumunta 'dun sa kusina para ilagay sa lababo ang mga baso at plato.

"Yes, do you have a problem there?" Mataray kong tanong at bumalik ulit 'dun at siya naman ang pumunta sa kusina.

"Alam mo, nerd ka pero nagagawa mong magtaray ng ganyan pero bagay sa'yo ah. Astig, alam mo para kang ewan. Parang duality ang ugali mo eh..." Napapaisip na sabi niya at hindi naman ako sumagot. "Alam mo girl, minsan naiisip ko may kakaiba sayo." Dagdag pa niya kaya mas lalong hindi ako sumagot. "May tinatago ka ba sa'min, girl?" Natigilan naman ako sa tanong niyang 'yun.

"Tch, ano naman ang itatago ko?" Kunwaring tanong ko, kalmado pero sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na ako dahil nagsisimula na siyang maghinala sa'kin.

"Example.. mahal mo pa rin ang ex mo." Wala akong iniinom o kinakain pero para akong nabulunan sa sinabi niya! Natawa naman siya! "Mukhang tama ako! Haha, you still love him huh?" Nakangising tanong niya, nanunukso.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Putain, what are you saying there!?" Inis kong tanong.

Tʀᴀɴsʟᴀᴛᴇ - Pᴜᴛᴀɪɴ (Pʏᴏᴛᴀ) = F*ᴄᴋ ɪᴛ.

"Joke lang ito naman, galit 'agad eh." Nakangusong sabi niya at sinamaan ko pa rin siya ng tingin. "Hoy, bakit galit ka d'yan ha? Biro lang 'yun, uy." Panunuyo niya.

"Magligpit ka na lang." Walang emosyon na sagot ko. Nakasimangot naman siyang nagligpit.

Inayos niya ng higa si Xeno. Ako naman ay kinumutan si Wyatt at nilagyan ng unan. Medyo inayos ko na ang posisyon niya para 'di siya gaanong mahirapan. Matapos nun ay pumasok na ako sa kwarto ko at humiga na. Si Lesh naman ay mukhang guilty na guilty siya 'dun. Panigurado akong kukulutin ako nun, hindi titigil sa paghingi ng sorry 'yun hangga't iniisip niyang galit ako sa kanya. Pangit kasi ng biro niya eh.. ang tagal tagal na nun tapos bigla niyang minention ulit sa'kin. Lintik 'yan.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now