Chapter 49

19 8 0
                                    

Chapter 49

Nandito ako ngayon sa rooftop, nakatanaw sa kalangitan, maraming bituwin. Napakaganda ng kalangitan ngayon, ang liwanag ng buwan.

Simula kaninang umaga pa ako mag-isa. Simula ng makabalik kami dito. Nahihiya ako eh.

Pinanonood ko na lang ang mga kaibigan ko na nagsasaya kanina sa dagat, kahit may problema ay nagsasaya pa rin. Nasa ressort naman kami eh. At saka sinuguro nilang walang ibang nakapasok sa ressort, mga tauhan na ni Shian ang nagbabantay ngayon hindi ang mga tauhan ni Cyrus at Mark.

Napansin ko rin kanina na wala si Zander at Shian. Hindi ko alam kung nasan sila at nakabalik na ba sila. Mag-isa lang kasi talaga ako dito sa rooftop. Wala namang pumupunta dito. Malalim naman akong bumuntong hininga. Mukhang naiinis sila sa'kin, hindi.. talagang naiinis sila sa'kin.

"T*nga ka kasi eh..." Sambit ko sa sarili ko.

Oo, concern ako kay Rex. Alam ko na sa una ay naiintindihan pa nila ako pero 'dun sa mga sumunod na ay alam kong mali na ako pero hindi ko mapigilan ang sarili ko eh.. pakiramdam ko hindi na tungkol kay Rex ang dahilan kung bakit naiinis ako kay Chloe.

Naiinis ako kay Chloe kasi nagpanggap lang siya sa feelings niya, pinaniwala niya si Rex na mahal niya na kahit hindi naman talaga totoo 'yun. Pero ang sabi niya ay aamin na sana siya kaso umalis na si Rex, at siya ang nasaktan. Hindi niya nagawang saktan ang feelings ni Rex sa paraan niya, siya ang sinaktan ni Rex. Naiintindihan ko na 'yun kaso hindi ko alam kung bakit bigla 'yun lumabas sa bibig ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Pakiramdam ko ay mas lalo akong nainis at nagalit ng sabi niyang nagustuhan na niya si Rex at minahal na sa huli.. hindi ko alam kung bakit. Gusto kong patayin ang sarili ko dahil 'dun eh.

"Kahit kelan talaga g*go ka, Killian." Inis kong asik sa sarili ko. Galit silang lahat sakin ngayon, iniisip nilang hindi ko naiintindihan si Chloe.

Naiintindihan ko si Chloe, kaso itong p*nyetang bibig ko eh may sariling buhay.

Tapos nagawa ko pang mainis kanina kasi iniisip kong nagsinungaling na naman siya, hindi ko sadya 'yun. Nagalit tuloy sa'kin ang mga kaibigan ko. Nakakainis talaga ako! Hindi ko naman sinadya na sabihin 'yun eh.. talon na kaya ako dito ng matapos na? Para mabawasan kahit papa'no ang problema nila.

Masama ang lagay ni Chloe ngayon. Pero buti na lang ay may alam si Shian sa pagdo-doctor.. hindi pala.. doctor pala talaga siya. Kaso hindi siya sa hospital nagta-trabaho kun'di sa Royal Family siya nagta-trabaho.

Astig.. tss.

Nasan na kaya ang girlfriend ko?

Nyemas 'yan, Killian!

Pa'no ka napunta d'yan? Ang layo sa topic ah!

Pero teka..

Taragis, ngayon ko na lang ulit naisip ang tungkol 'dun. Ang tagal na.. hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung ano na ang mukha ng girlfriend ko ngayon, ako pa rin kaya ang boyfriend niya?

May girlfriend kasi ako noon hanggang ngayon, bata pa kami nung naging kami. Syempre hindi kami lumagpas sa limit namin. 14years old palang kami noon, ang bata pa namin 'di ba? Nangako kami sa isa't isa hanggang dulo kami. Papakasalan namin ang isa't isa. Kaso biglang naisip ng pamilya ko na tumira sa America habang siya ay sa ibang bansa din, simula nun ay nawalan na kami ng koneksyon sa isa't isa.

Wala na akong balita tungkol sa kanya. Kaya nga hindi ako naggi-girlfriend dahil meron akong girlfriend at siya 'yun, tinutupad ko ang pinangako ko. Kung may boyfriend na siya ngayon at bibigyan na niya ako pahintulot na kalimutan siya at maghanap na rin ay 'dun lang ako maggi-girlfriend.

Kaso wala pang bibigay na senlayes sa'kin ang taas na kailangan ko ng maghanap dahil wala na ang girlfriend ko.. so always no sa mga babae.

"Kumain ka na?"

'Agad akong napalingon 'dun. Nakatakot ako 'dun ah.. gabi na kaya.

Nagulat naman ako ng makita ko siya. "A-Ah.. h-hindi pa. Mamaya na lang siguro, anong ginagawa mo dito? Hindi ba't dapat nasa kwarto ka lang ngayon at nagpapahinga? Baka mapano---"

"Shut up." Seryosong pigil niya sa'kin kaya 'agad kong tinikom ang bibig ko. Siya naman ay naglakad patungo sa pasimano. "Ang daldal mo talaga." Dagdag pa niya habang nakatingin na sa kalangitan. Ako namam ay bumaling ulit sa pasimano at pinatong ang dalawa kong siko dun at pinag-kislot ang mga daliri ko at tumanaw na rin sa kalangitan.

"Madaldal ako. Sagutin mo ang mga tanong ko." Sagot ko.

"Gusto kong magpahangin, tinakasan ko lang sila. Nabuburyo ako sa kwarto, pakiramdam ko ay mas lalo akong nanghihina at pakiramdam ko ang hina hina ko eh. Tss." Seryosong sagot niya na parang may bahid ng inis. Ibang ibang ang attitude niya sa nakilala naming Chloe. "Ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong niya sa'kin na tiningnan pa niya ako saglit tsaka muling tumingin sa kung saan.

"Ayaw ko munang makasama sila---"

"Ikaw pa talaga ang may ganang layuan sila?" Sarkatiskong tanong nito na nakangisi ng maangas pero bigla namang sumeryoso.

"----kasi alam kong ayaw nila akong makasama dahil galit sila sa'kin dahil sa inasta ko, ang masamang ugaling pinakita ko sa'yo at masasamang salita." Pagpapatuloy ko sa sinabi. Hindi kasi ako pinatatapos eh.

Matuto kasing patapusin magsalita ang nagsasalita, hindi 'yung sabat ng sabat para hindi mapahiya.

Pero itong babaeng 'toh ay parang walang hiya.

Hmp!

"They're not mad at you, they're just annoyed with you because you seem to be overreacting. You don't seem to understand everything so it's that easy for you to say that but you have to ask, is it really just about Rex that you are angry with me and you are annoyed or do you have other reasons that you just don't want to say so that's what you're saying?" Hinarap naman niya ako ng maayos at bumuntong hininga naman ako..

Pucha, biglang umenglish.

"Tagalog tayo par." Sambit ko.

"'Wag mo akong pinagloloko! Sagutin mo 'yung tanong! Ah." Biglang daing niya na napahawak pa sa tagiliran niya, 'agad naman akong nabahala 'dun.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko na ang dalawang kamay ko ay nakaabang na para alalayan.

"Ayos lang, sagutin mo na. Ano?" Biglang iritang tanong niya, 'yung kamay ko ay parang nahulog sa malalim na bangin. Psh..

"Hay.. hindi ko din alam. Alam ko din sa sarili ko 'yun na mali na kaso.. hindi ko mapigilan ang sarili ko eh. Hindi ko na alam kung bakit basta naiinis at nagagalit pa rin ako. Oo nainis ako sa'yo at nagalit nun sa una pero habang tumatagal ay naiintindihan na kita kaso ayaw tumigil ng bibig ko, mababaliw na ako eh." Sincere na sagot ko.

Seryoso lang niya akong tiningnan. Tumingin lang siya 'dun sa kung saan, humawak sa pasimano. Kumunot naman ang noo ko ng makitang ngumisi siya, tingin siya ng tingin sa kung saan saan pero hindi dito banda sa'kin, mukhang may tinatago siyang ekspresyon.

Baliw ba 'toh?

Kanina seryoso siya tapos ngayon ngingisi-ngisi siya?

"Hoy, anong tinitingnan mo---"

"Isn't it because you're jealous that you're angry?" Nakangising tanong niya at nalaglag ang panga ko 'dun!

"WHAT THE FVCK?!" Gulantang tanong ko sa kanya at natawa naman siya. "And why should I be jealous?! Who would I be jealous of?! Kay Rex?! I'm not fvcking gay! Sa'yo?! Why what are you?! Hindi naman kita girlfriend! Why should I be jealous?!" Sunod sunod na tanong ko at bigla naman siyang tumigil sa pagtawa niya. Biglang sumeryoso! "PUCHA! MABABALIW NA AKO SA'YO EH! AKO BA 'YUNG BALIW O IKAW?!" Kunot-noong tanong ko sa kanya at ngumisi naman siya.

P*NYETA!

Umiwas naman siya ng tingin. Kumunot naman ang noo ko ng mapansin na may sinasabi siya na hindi ko marinig. "Hoy, anong binubulong-bulong mo d'yan?" Tanong ko.

"Wala." So ayun nga, wala daw.. may sinusumpa siya kaya 'wag ng distorbohin.






☕︎✍︎

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt