♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 13♛

52 10 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 13♛

Nandito kami ngayon sa bahay, si Xeno ay nandun sa trabaho niya, ayaw niyang umuwi. Ayaw kong makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na lang. Ngayon ko lang narealize na bakit nandun sa mall 'yung apat na 'yun eh monday ngayon? Umupo naman ako sa upuan at nag-isip. "Cutting ba ang mga 'yun?" Tanong ko sa sarili ko. Pwede naman nilang magawa 'yun dahil mayayaman sila eh at reyna ng school na 'yun. Iniba ko naman ang iniisip ko, siya nga ba talaga 'yun?

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number nun. Gusto ko ulit marinig ang boses nun, gusto kong ikompara 'dun sa boses nung classmate ko nga. Nung una ko kasing narinig ang boses nun ay pamilyar sakin pero 'di ko pinansin 'yun pero ngayon ay kailangan kong intindihin yun para malaman ko 'yung boses niya at malaman kung ito bang kausap ko dito at 'yung classmate ko ba ay iisa. "Bakit?" Agad niyang tanong. Inisip ko naman 'yung boses ng classmate. "Hoy, bakit ka tumawag?!" Ang ikli naman ng pasensiya nito! "Anak ng.. anong trip mo?! Hindi ka ba magsasalita ha?! Ibaba ko na ito kung ayaw mong magsalita d'yan--!!"

"Teka lang." Agad kong sagot. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Ngayon ay alam ko na ang sagot sa tanong ko. Iisa lang sila, ngayon ang tanong ko ay bakit niya ginagawa ito? "Do you like him?" Wala sa sariling usal ko kaya nagulat ako sa sarili ko! Napatakip naman ako ng bibig ko sa gulat.

𝑺𝒂𝒃𝒊𝒉𝒊𝒏 𝒏𝒊𝒚𝒐 𝒔𝒂'𝒌𝒊𝒏, 𝒃𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒌𝒐 𝒕𝒊𝒏𝒂𝒏𝒐𝒏𝒈 '𝒚𝒖𝒏?

"W-What..?" Utal niyang tanong, sigurado akong hindi siya makapaniwala sa biglaan kong tanong!

"Wala 'yun.. nawala lang ako sa sarili ko. Nga pala, bakit kayo nasa mall? May klase kayo 'di ba ngayon? Nag-cutting kayo?" Engot ka Chloe!

"What? The hell, what are you talking about?" Mataray niyang tanong.

"Wala wala.. iba 'yung nasa isip ko eh. Hindi ko na alam 'yung mga iniisip ko eh, pasensiya na." Palusot ko na lang.

"Ano bang iniisip mo ha? Mas stress ka pa kesa kay Xeno eh."

"Syempre kung stress siya stress din ako 'noh. Kaibigan ko 'yun.. pamilya ko." Nakangusong sagot.

"Tatanungin kita, gusto kong subukan ang mga nalalaman mo tungkol kay Xeno.. ano?" Paghahamon niya at kumunot naman ang noo ko.

𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒐 '𝒚𝒖𝒏 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒎𝒂𝒈𝒌𝒂𝒊𝒃𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒐𝒔𝒆𝒔 𝒏𝒊𝒍𝒂 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏, 𝒎𝒂𝒃𝒂𝒊𝒕 𝒊𝒕𝒐 '𝒅𝒊 '𝒈𝒂𝒚𝒂 𝒏𝒖𝒏𝒈 𝒄𝒍𝒂𝒔𝒔𝒎𝒂𝒕𝒆 𝒌𝒐.

Tumango na naman po ako! Aish! "Okay. Start." Sagot ko naman.

"Favorite color niya." Pag-uumpisa niya.

"Blue."

"And?"

"May and pa pala 'yun?" Gulat kong tanong.

"Meron! Dalawa ang favorite color niya!"

Kumunot ang noo ko. "'Yan siguro ang hindi ko alam, ano ba 'yung isa?" Tanong ko.

"Red."

"Oh? Okay, next."

"Favorite place."

"Ahmm.. amusement park."

"Okay. Blood type niya?"

"Pati ba naman 'yan? Syempre A."

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt