♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 21♛

45 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 21♛

Ngayon ay pauwi na ako sa bahay, kasama ko sila Raiden ngayon. Inimbitahan kasi sila ni Lesh na pumunta sa bahay dahil may kunting handaan daw. Alam na din ni Lesh ang itsura ko, gulat na gulat nga eh. Tapos ayaw pang maniwala na ako ito pero buti na lang ay na explain ni Raiden sa kanya kaya ayun naniwala, muntik na akong naubusan ng pasensiya kanina eh--kapag nagkataon ay masasabi ko ang ginawa niya kay Xeno eh dahil kami lang naman kami ang nakakaalam nun. Hay buti na lang talaga..

Sila Brian ay hindi matigil sa pagpi-picture. Mahilig kasi magpost sa social media niya, ang gusto niya kasi ay maging vlogger. Habang nakahinto ang kotse ay may tumawag sa'kin. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa'kin.

◉~~Cᴀʟʟɪɴɢ Xᴀᴠɪᴇʟʟ~~◉

Kumunot naman ang noo ko dahil walang dahilan para tumawag ang taong ito! Sinagot ko na lang. "Bakit ka tumawag?" Malamig na tanong ko 'agad.

"Galit ba 'agad? Gusto lang kitang batiin.. Happy birthday."

"Okay thank you, bye." Binaba ko naman 'agad 'yung linya at wala pang segundo ay tumawag na siya. Ngumisi naman ako, na iimagine ko ang itsura niya ngayon.. haha. "Oh bakit na naman?" Kuwaring irita na tanong ko.

"Bakit mo binaba 'agad!?" Pikon niyang tanong.

"Ang sabi ml ay gusto mo lang akong batiin tapos binati mo na ako at sumagot ako kaya pinatay na ko na dahil hindi ko alam na may sasabihin ka pa pala. Sa susunod kasi ay ayusin mo ang sasabihin mo ha?"

"Anak ng.. aish! Ano pa bang aasahan ko sa'yo, hay. Nga pala, ang gagawin mo ngayon? May kasama ka ba ngayon para ipagdiwang ang birthday mo?" Bigla naman naging malambing ang boses niya, tch!

"Meron. Isang buong barangay ang kasama ko." Sagot ko.

"Huh? Barangay? Ahmm.. what's that?" Naging inosente naman bigla.

"Talo mo pa ang taga-bundok." Sarkatiskong pang-aasar ko sa kanya.

"Tsh! Pero ano ba 'yun? Tao?" Ngumiwi naman ako sa sinabi niya.

"Anong tao!? Barangay! Ang barangay ay parang isang street na sama sama kahit iba iba ang pangalan ng street, parang ganun! Barangay ay tao!? Siraulo!"

"Eh bakit wala bang tao sa barangay ha!? May tao din naman siguro sa barangay 'di ba!?"

"Malamang! Alangan naman na barangay ng mga hayop!? Ewan ko sa'yo, kausapin mo ang mga hayop at tanungin sila kung meron ba silang barangay! Letseng yawa ka!" Sigaw ko sa kanya at binaba ko naman ang linya at in-off ang cellphone ko para hindi na niya matawagan pa.

"Sino 'yun? At bakit gigil na gigil ka?" Takang tanong ni Steven.

"Wala 'yun, ay oo nga pala.. Raiden, baka sa may tabing kalsada mo na lang i-park 'tong kotse mo kasi baka wala kang mapag-pakingan 'dun sa loob eh. 'Tsaka baka mapagtripan." Baling ko kay Raiden.

"Pero kasya sa loob ang kotse ko?"

"Oo pero wala kang mapaparkingan 'dun dahil kapag pinasok mo pa ang kotse mo 'dun tapos 'dun mo ipa-park ay baka wala ng madaanan 'dun." Sagot ko naman.

"Si Lesh ang bahala 'dun, alam niyang naka-kotse tayo, at sinabi mo din na kasya pero ang tanong ko ay meron bang basketball court 'dun?"

"Meron kaso nasa pinakadulo pa, medyo malayo na 'yun sa bahay namin."

"'Dun sa dulo ay malaki ang space 'dun?"

"Oo, pwede na 'dun ka magparking kung wala 'dun 'yung mga tricycle 'dun, ngayon ay sigurado ako na nandun 'yung mga tricycle."

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon