Chapter 38

25 10 0
                                    

Chapter 38

"Simulan mo." Seryosong utos ko kay Lex. Kakarating lang niya ngayon, hindi ko alam kung saan ito nagpunta eh, simula nung ihatid niya kami sa bahay nila Chloe galing sa Luneta Park ay hindi ko na siya nakita o nakausap, ngayon lang. Wala akong pakialam 'dun, ang pakialam ko ngayon ay itong nangyayari ngayon.

Bumuntong hininga naman siya. "Kaya niyong mangako? Kaya niyong hindi ipagsabi ito kahit kanino? Kailangan niyong ipangako na hindi niya ipagsasabi itong malalaman niyo dahil matinding kaparusahan ang matanggap ng pamilya niyo kapag ipagsasabi niyo sa kahit kanino at mapapahamak din ang pinagsabihan niyo, hindi niyo ito maaaring pag-usapan na alam niyong may ibang tao--kung gusto niyong pag-usapan ang bagay na ito ay 'yung kayo kayo lang. So, kaya niyo ba?" Seryoso ding tanong niya samin. Kumunot naman ang noo ko, ano bang pinagsasabi ng kupal na ito?

Nga pala, nandito kami sa bahay nila Lesh. Nandito sila Wyatt at Lesh syempre, ang buong Xaxion, ang mga kaibigan ni Raiden, at 'yung mga babaeng kaaway ni Chloe, di ko alam kung bakit nandito ang mga babaeng 'toh. Mapapagkatiwalaan ba itong mga ito? Maliban sa isa, dahil kilala ko ang isa sa kanila, shemay.

Kaya pala sinabi sa'kin noon 'yun ni Chloe eh.. bwiset.

Pero tsaka na 'yan, importante ngayon si Chloe. May nagbabantay naman kay Chloe 'dun sa hospital, si Ma'am Saguinsin.

"Sagot." Madiing usal ni Lex at seryoso.

"Pucha, sige sige na.. so pa'no nga?" Iritang tanong ko.

Bumuntong hininga naman siya. "Lavigne." Simpeng usal niya at natigilan naman kami.

"Sh*t, 'wag mong sabihin na may koneksyon siya sa mga Lavigne?" Umaasang tanong ni Ghilnash.

"Kamag-anak siya ng Lavigne? Sa mother side o father side?" Tanong naman ni Kai.

"Pucha, pagnagkataon na may koneksyon siya sa Lavigne o kamag-anak ay mapaparusahan ba ang mga bully niya simula nung nag-college siya? Lahat ng mga 'yun?" Tanong ni Brian, parang kinabahan naman 'yung mga babae. Syempre, binully din naman nila si Chloe eh.. tss.

"Hoy sagot." Ghilnash.

"Well.. both side." Sagot niya. Nagtaka naman kami.

"Anong both side? Pwede bang ipaliwanag mo na lang simula't sapul! Hindi 'yung pinahuhula mo pa sa'min!" Iritableng utos ko sa kanya, nakakairita siya! Sobra!

"Kaibigan kita simula highschool pero bago mo ako nakilala ay kilala ko na si Chloe." Natigilan naman ako sa sinagot niya, pucha. Nauna pala siya? "Una kong tinuring na kaibigan si Chloe bago ikaw. Para sa'kin kaibigan ko siya pero hindi ko alam kung kaibigan niya ako, dahil ang kilala kong Chloe ay walang kaibigan. Hindi siya nakikipagkaibigan. Sa madaling salita, wala siyang pakialam sa lahat. Ang Chloe na nakilala niyo ay kabaliktaran ng totoong Chloe. Minsan hinihiling ko na sana ay 'wag ng bumalik ang totoong alaala niya, mas gusto ko ang Chloe ngayon. Pero hindi maaaring hindi bumalik ang alaala niya." Seryosong pag-uumpisa niya sa paliwanag niya.

"Ano ba talaga ang ugali ni Chloe?"

"Mas bitch pa sa bitch."

Kumunot naman ang noo ko. 'Yan ang sinabi ni Chloe 'dun sa Lexi na kaaway niya kanina sa school. "Ano?! Seryoso ba talaga 'yun? Akala ko kunwari lang 'yun!" Gulat na usal ni Killian.

"Badass ang babaeng 'yun, siya ang madalas---no siya talaga ang laging namumuno pagdating sa gulo at ang dahilan ng gulo ay siya ang nag-umpisa, laging ganyan. Cold siya, napaka-seryosong babae, walang pakialam sa paligid, dumapo lang ang tingin mo sa mga mata niya ay akala mo ay 'yun na huling oras mo sa mundo.. ang totoo niyan.." Matunog naman siyang ngumisi ngunit parang hindi siya makapaniwala sa ngayon, ewan. "..ang Chloe ngayon ay 'yan talaga ang totoong siya ngunit ngayon binago niya ang sarili niya para makalimutan niya ang nakaraan niya at maningil. At hindi Chloe ang tawag sa kanya, tawagin mo siya sa kung ano basta 'wag mo lang siyang tawaging Chloe dahil kapag ginawa mo 'yun ay kumukulo na ang dugo niya." Nakangising usal niya.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now