Chapter 36

31 10 0
                                    

Chapter 36

Lahat kami ay nakaupo ngayon ito sa ilalim ng puno habang si ZZ at Migo ay naglalaro ng bola kasama ng ibang soccer player. Habang tinitingnan ko sila ay kumunot ang noo ko ng biglang manlabo ang mga mata ko at sumakit ang ulo ko, what the hell! What's wrong with me?!

Lagi na lang pero wala akong pakialam.

Pumikit pikit na lang ako ng bilis, bumaling naman ako kay Xeno. "So nasan kayo ni Migo ng kausap kita kanina?" Tanong ko.

"Mall. Bumili kami ng school supply at kung ano pang mga kailangan niya sa school, nang ma-enroll ko na siya ay dumeretso kami sa Mall tapos habang namimili kami ay tumawag ka, 'yun. Then pumunta ako dito para kausapin ni Dean.." Sagot niya at sininghalan ko lang siya, gosh!!

Ano bang nangyayari sa'kin?! That's not my attitude! What the heck, nag-e-english na ako! Pansin ko na nag-iba iba na ang ugali ko.

Simula nung dumating ang Xaxion dito, alam ko sa sarili ko na iba ang ugali ko. Sarili ko 'toh kaya alam ko kung anong nangyayari sa'kin.. nagiging iba na ang pag-uugali ko.

Nagiging masungit na ako, medyo seryoso na din no.. seryoso na nga. Kulang na lang ay maging cold person ako pero mukhang 'dun na ako tutungo kapag nagpatuloy akong ganito. Anong nangyari sa'kin? Bakit nag-iba ako bigla?

Hindi na ako 'yung dati.. yes, Chloe. Hindi na nga ikaw ang Chloe na nakilala ko.. hindi na ito ang dating ako. What's going on? What's on earth is happening to me now? I'm changing na.. and I don't want this. Gusto ko 'yung ako dati, na mabait, mahinhin, hindi seryoso, laging nakangiti, mahaba ang pasensya, hindi palaban, ang goal lang sa life ay makapagtapos sa pag-aaral. That's it.

May mali..

"Mamatay na ba ako kaya ako ganito...?"

"WHAT?!"

Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw nilang lahat. "B-Bakit?" Takang tanong ko. Si Xeno, Xanthus, Raiden, Rex ay nakakunot ang noo nila na mukhang galit pa pero may halong pagtataka at yung natira ay confused na confused talaga sila.

"What did you say?" Madiing tanong ni Xeno ng nakakunot ang noo.

"Ano bang sinabi ko?" Kunot-noong tanong ko din.

"What the fvck, ikaw ang nagsabi tapos 'di mo alam?" Sarkatiskong tanong niya.

"Satingin mo magtatanong ako kung hindi ako alam ha?" Sarkatiskong ding tanong ko ng may bahid ng inis..

Sabi sainyo eh.. may sumapi ba sa'kin ng hindi ko alam? 'Yung bad version ng Chloe?

"Chloe, anong sinasabi mong mamatay ka na kaya ka ganyan ha?!" Inis niyang tanong.

Opss.. lumabas sa bibig ko? Sa isip ko lang dapat 'yun eh.

Daldal mo kasi, 'yan.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Rex sa'kin.. ito ang pangalawang beses na narinig ko siyang magtagalog, una 'yung nasa Cafeteria kami.

Sasagot na sana ako kaso epal si ZZ eh, sumulpot bigla at letse.. susulpot na lang at magsasalita ay 'yung nakakairita pa at nakaka-walang hininga. "HER NAME IS CHLOE, NOT BITCH! REMEMBER THAT, BITCH!" Sa lakas ng boses niya na galit na galit ay narinig namin kaya napatingin kami 'dun. May kaharap siyang isang babae, hindi pala limang babae. Kausap niya 'yung isa na mukhang naiinis na ngayon at nagagalit kay ZZ.

"Anong nangyari d'yan?" Tanong ni Ghilnash. Tumayo naman ako at naglakad papalapit 'dun, tumingin naman ako sa gilid ko ng napansin na patungo sa gawi namin ang grupo nila Stella. Makiki-tsismis?

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now