Chapter 58

33 9 0
                                    

Chapter 58

Leah's Pov

"Woy guys!" Tawag ko sa mga kaibigan ko, nakaupo sila sa sala eh kumakain, ulit. Umupo naman ako sa sofa wala akong katabi. "Anong music 'yan?" Tanong ko.

"Tapos na." Sagot ni Mia sabay kain ng pancake.

"Ay gusto niyo kantahin ko 'yung paborito akong kanta? Na mukhang mangyayari sa real life ko, paborito ko kasi." Excited na sabi ko.

"Sige sige, hindi ko na matandaan 'yung huling beses na narinig ko ang boses mo sa pagkanta," excited sagot ni Thea.

"Sige sige, teka." Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap yung music na paborito ko. Walang kakanta 'dun, tanging background music lang.. ewan. Nang makita ko ay ready na akong kumanta kaso nakita ko si Killian. "Killian, hoy!" Tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako, sinenyasan ko naman siyang lumapit sa'kin.

Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko. "Bakit?" Takang tanong niya.

"Kantahin na'tin 'yung paborito kong kanta." Nakangiting sabi ko.

"Alam din niya?" Tanong ni Stella at tumango naman ako.

"Zander, dalawang Chloe dito, kakanta si Killian at Leah!" Malakas na aya ni Prixie sa mga ito kaya narinig din ng iba.

"Hoy!" Asik ko sa kanya. Shet. Nakaramdam ako ng hiya ngayon.

Wow, ngayon ko lang nalaman na may hiya pala ako hahahaha.

"Start na 'wag na kayong mahiya." Tudyo ni Thea.

"Pa'no ba? Ikaw ba magsisimula? 'Yung dati ba?" Sunod sunod na tanong sakin ni Killian at tumango naman ako. "Okie." At nagstart na ngayon yung music background. 'Yung puso ko, mga mamshieee.. Epal kasi 'tong si Prixie eh..

"♪♪..Mahal na kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam...♪♪" Pag-uumpisa ko, proud ako sa boses ko gosh..

Sana nandito ka Shian.. Shet lam mo bang perfect 'tong kantang 'toh sa sitwasyon na'tin ngayon---sa sitwasyon ko.

"♪♪..Mahal na kita, kaso nga lang hindi mo 'yon alam..♪♪" Pagkanta naman si Killian..

"♪♪..Gusto kong iparamdam sa 'yo.
All night, baby, hold tight, don't be scared
Baby, it's alright 'cause I'm in love with you..♪♪" Sabay naming pagkanta habang nakatingin kami sa isa't isa at nakangiti.

"♪♪..Lately ko lang napatunayan na mahal na kita.. Simula nagkatinginan ng mata sa mata
'Di ko maipaliwanag ang nadarama sa 'yo
Pa'no na 'to, ano ba 'to, pusong matigas pinalambot mo. Bakit gan'to, nagtatanong kung ako rin ba ang laman ng iniisip mo..♪♪" Pagkanta ko.

Malamang 'di ako laman ng isip niya, puro plano ang laman ng isip niya eh. Psh!

"♪♪..Pa'no kung kumatok ako sa pintuan niyo?
Pagbubuksan mo ba kaya ang tulad ko?♪♪" Pagkanta ni Killian..

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now