Chapter 28

33 9 0
                                    

Chapter 28

Pagdating sa room ay nandun na ang teacher namin pero di naman nagalit sa'min kasi alam niyang excuse talaga kami ni ZZ kung tutuusin eh. Pumunta na lang ako sa upuan ko na saktong nagmessage si Xeno.

Message Receive from Xeno:
Classmate mo si RJ?
Seen 9:48am

Kumunot naman ang noo ko. Hanep na message 'yan, magme-message na lang ay 'yan pa talaga ang itatanong niya.

Reply:
Klaseng tanong 'yan? Oo, bakit ba?
Seen 9:48am

Message Receive from Xeno:
Wala akong contact number niya, so if you can just tell him to come to my house later at 6pm, we'll just talk about the contract business, alam ko ay alam na niya 'yun kasi nakausap na siya ni Daddy about 'dun pero may ilang parts lang akong lilinawin sa kanya 'dun about sa contract.
Seen 9:48am

Ang haba ng sinabi, kung may contract naman pala sila about business ay malalaman niya ang contact number niya kasi business 'toh, siraulo 'ata 'tong si Xeno eh.. imposible naman na walang binigay si Rex na contact number sa kanila.

Reply to Xeno:
Ikaw na magsabi, contract business 'yan.. I'm not a fool to believe you that you don't know his number.(-_-)
Seen 9:49am

Message Receive from Xeno:
I'm serious, Chloe Scarlett. I don't know his contact number because it's Daddy and I told you that Daddy is the one he's talking to and that's why I'm sending him home because I have something to clarify. We can only meet at my house, we can't meet anywhere and talk there. May nakamasid sa'kin, importante ang sasabihin ko sa kanya. Kaya please lang naman oh...
Seen 9:50am

Reply to Xeno:
K.
Seen 9:50am

Message Receive from Xeno:
And si Raiden nga pala pero na message ko na si Raiden, i-ni-inform lang kita.. bye thank you.
Seen 9:50am

Pati si Raiden?

Tumingin naman ako kay Raiden ng may pagtataka habang siya ay busy sa pakikinig. Kinalabit ko naman siya kaya lumingon sa'kin at bahagya pang lumapit sa'kin. "Bakit?" Mahinang tanong niya.

"Pinapupunta ka ni Xeno sa bahay niya mamaya?" Mahina ding tanong ko.

"Mmm.. bakit?"

"Bakit daw? Bakit ka pinapupunta?"

"Secret." Ngumisi naman siya at bumalik na sa pakikinig 'dun sa teacher namin. Bwiset na 'yan, may pa secret-secret pang nalalaman.

Pero pa'no ko sasabihin mamaya? Nakakailang pa naman 'yun.

~~~~~~~~

Matapos ang pagtuturo ng mga teacher namin ay lunch break na. 'Yung mga kaklase namin ay 'yun, parang mga nakawala sa hawla kung magsitakbuhan at magsiksikan palabas ng room ay grabe, bagong laya.

Bumuntong hininga naman ako at naglakad papalapit kay Rex. Yeah, kaya ko naman.. usap lang naman. "Ehem.. a-ahh R-Rex." Pucha, pwedeng umayos ka, Chloe?! Hindi ko naiwasang 'wag mautal! 'Agad namang tumingin sa'kin si Rex at ngumiti. Ang gwapo.. aish!!! Ano ba! Wala akong sinabi.

"Yes? May kailangan ka?" Nakangiting tanong niya. 'Yung mga kaibigan din niya ay nakatingin sa'min, mas lalong nakakailang. Sabi pa naman ni ZZ ay may alam sila about nga 'dun.. tch.

Ramdam ko naman ang paglapit ni Raiden sa'kin. "Nagmessage sa'kin si Xeno, wala siyang contact number mo. Ang sabi niya ay mamayang 6pm ay pumunta ka daw sa bahay niya mamaya, 'dun lang daw kasi kayo pwedeng magkita. May importante daw siyang sasabihin, about 'dun sa contract business. 'Yun lang naman." Seryosong sagot ko. Yes! Walang utal! Deretso!

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now