♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 16♛

42 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 16♛

Wala akong kabuhay-buhay ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hawak ko lang ang cellphone ko at nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba siya o hindi--sinasabi ng kamay ko na 'wag dahil hindi niya sasagutin. 𝑮𝒂𝒍𝒊𝒕 𝒔𝒊 𝑿𝒆𝒏𝒐 𝒔𝒂'𝒌𝒊𝒏... 'Yan ang hindi mawala sa isip ko ngayon. Dahil 'dun ay nagalit si Xeno sa'kin at ayaw na niya akong makita kahit kelan. Nangilagid naman ang luha ko at mabilis itong tumulo. Tumungo naman ako at umiyak na lang. Ito ang unang beses na magalit ng sobra sa'kin si Xeno at mas malala pa dahil ayaw na niya akong makita! So kailangan kong umalis sa bahay nila.

"Sorry..." Mahinang sambit ko at inopen ko ang cellphone at tinawagan si.. Lesh. Kailangan ko siya ngayon, wala na akong kasama. "Lesh..." Umiiyak na sabi ko 'agad ng sagutin niya.

"Ahmm.. who's this?" Takang tanong niya.

"Anong gagawin ko, Lesh? Galit si Xeno sa'kin..." Umiiyak na sabi ko..

"Chloe? Ikaw ba 'yan? Oh thank god at tumawag ka rin.. by the way, what are you talking about? Galit si Xeno sayo? Bakit?"

"Dahil iniisip niyang kinakampihan ko 'yung mga bully ko kesa sa kanya.." Pinunasan ko naman ang luha ko.

"Hay.. ikwento mo sa'kin 'yan mamaya para matulungan kita d'yan, umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong niya at ito ako si engot tumango na naman!

"O-Oo.. k-kasi ayaw na niya akong makita." Umiiyak na sagot ko.

"Ano!?" Gulat niyang sambit. "What the--sobra naman 'yun!? Imposible 'yan! 'Wag ka munang mag-isip ng kung anu-ano d'yan, okay? Lalo na kapag negative."

"Saan na ako pupunta ngayon? Hindi na ako pwede 'dun sa bahay niya." Ngumuso naman ako.

"Kung talagang ayaw ka na nga talagang makita at hindi ka na pwede 'dun ay dito ka nalang umuwi sa bahay na'tin.. kaso.. nandito din si Wyatt." Biglang naiilang na sabi niya.

"Hindi na madidistorbo ko pa kayo, ang kapal na ng mukha ko kung d'yan ako.. maghahanap na lang ako ng apartment---"

"Ano ka ba! 'Wag na! Dito ka na!" Asik niya sa'kin.

"'Dun na lang ako sa dorm, Lesh para hindi awkward para sa kanya." Rinig ko sa kabilang linya, nakaramdam naman ako ng hiya!

"Ahh 'wag na! D'yan na lang siya! Okay okay.. d'yan na ako, Lesh. Nakakahiya na talaga kung aalis siya d'yan, pasensiya na talaga." Sincere kong pagsagot. Syempre dahil sa'kin lilipat si Wyatt! Ano ako special!? Tch!

"'Yun! Sunduin kita mamaya.. pero 'yung gamit mo?" Nga pala!

"Tawagan ko na lang si Ate Kate mamaya."

"Okay, kita na lang tayo mamayang uwian."

"Mm.. thank you."

"Kaibigan kita at kaibigan mo ako so don't worry, okay? Hindi magagalit si Xeno sayo ng sobrang tagal."

"Mm.. bye."

"Bye." Binaba ko naman ang linya at mabigat naman akong bumuntong hininga at kinontak ko na si Ate Kate.

"Oh bakit napatawag ang madam ko?" Agad niyang tanong.

Bumuntong hininga naman ako ulit. "Ate Kate pwedeng paki-impake lahat ng gamit ko d'yan tapos mamayang hapon ay daanan ko sa labas ng gate." Nahihiyang utos ko.

"Hala bakit!?" Gulat niyang tanong. "Alam ba ni sir Xeno ito?"

"Mm.."

"At okay lang sa kanya!? Saan ka ba pupunta!?"

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now