Chapter 56

27 10 0
                                    

Chapter 56

Naiilang na ako sa kanila. Kanina pa nila ako tinitingnan. Kumakain na kasi kami ngayon, si Kuya Azion ay walang tigil sa kakatanong kung ano pa ang gusto kong kainin.. ayaw ko ngang kumain kasi busog pa ako. Bago kasi ako magpunta dito ay kumain na ako eh.

"Kuya, tama na.. baka hindi ko maubos 'yan." Pigil ko sa kanya dahil lalagyan niya ng adobo ang plato ko.

"Paborito mo 'yan 'di ba?" Tanong niya.

"Oo nga po, kaso busog na ako. Bukas na 'yan."

"Sigurado ka? Wish ko na sana maabutan mo pa 'toh bukas." Sambit niya at sa plato na lang niya nilagay 'yung adobo. "'Akin na 'yung iba, baka nga hindi mo na maubos." At binawasan nga niya 'yung laman ng plato ko hanggang sa mangalahati na. "'Yan, ubusin mo na 'yan." Ngitian naman niya ako ngumuso naman ako.

"'Wag niyo akong tingnan." Naiilang na sambit ko sa mga kaibigan ko. Ang ilan ay umiwas ang ilan hindi, nakakailang.

"Chloe," sabay kaming lumingon ng kambal ko nang banggitin ni Kuya Zyler ang pangalan namin. "I mean.. Chloe Scarlett." Paglilinaw niya, ako 'yun.

"Ayusin mo kasi!" Asik ni Chloe sa kanya.

"Kahit 'wag niyo na akong tawaging Chloe kapag alam niyong magkasama kami o magkalapit, Scarlett o Dianne na lang itawag niyo sa'kin." Nakangiting sabi ko.

"Okie.. Scarlett, saan ka nakatira kapag nagpapalit na kayo ni Chloe?" Tanong niya.

"Korea. 'Dun ako lumaki, nung pinanganak kami ni Chloe ay dinala na nila ako sa Korea. 13 years old kami ni Chloe nung nakilala ko siya, nagpunta siya sa Korea nun. Madalas niya akong dalawin 'dun, kapag pinupuntahan niya ako na sakin buong oras at atensyon niya. 17years old ako nung sinabi niya sa'kin ang plano niya, 17years old ako ng mawala sila Daddy, Lola at Lolo na hindi man ako nakilalaat nakasama." Bigla naman akong nalungkot, kilala ko sila pero ako ay hindi nila kilala.. hindi nila alam na nag-exist ako sa mundong ito.

"Tapos 18 years old ako nung magpalit kaming dalawa sa palasyo then after 4months bumalik na ako sa Korea. Tapos 19 years old ako nung nagpalit na kami nung 2010, sa hospital din 'yun.. 'yung car accident. Tapos ako na 'yung nakasama niyo sa loob ng ilang taon, si Chloe ay  nasa Korea at Canada. Tapos nung sa hospital nga ay bago dumating si Ma'am Saguinsin ay nagpalit na kaming dalawa ulit, ako na ang maghahanap eh.. ako naman ang kikilos, sawa na siyang hanapin eh." Mahabang paliwanag ko naman sa kanila.

"Anak ng.. iba na pala kasama ko 'dun? Pero well, sakto 'yung name na binigay ko sa'yo." Nakangiting sambit ni Lex sakin.

"Yeah.. thanks." Sagot ko.

"Grabe.. nakakalito na." Sambit ni Brian habang nagpapalit palit ang tingin niya sa'min ni Chloe.

"Sino hinahanap niyo?" Tanong sa'kin ni Kuya Zyler.

Napatingin naman ako kay Chloe at tumango naman siya. "Ang dalawa pang----Kuya!" Biglang asik ko kay Kuya Azion ng lagyan niya ng dessert ang plato ko.

"Wae?" Tanong niya sa'kin.

"Hajima! Dangsin-ui pibu, hyeongje!" Nakabusangot na sambit ko sa kanya at natawa naman siya tapos si Ate Azriela din. "Usjima nal saljjige hal saeng-gag-iya?" Kunot noong tanong ko sa kanila.

"Ani. Ani. Ani. Joesonghabnida..." Natatawa pa ring sambit ni Kuya Azriela na iiling iling.

Bumaling naman ako kay Chloe na walang pakialam, basta kumakain siya. "Chloe, ikaw kumain nito." Sabi ko tsaka kinuha 'yung dessert at ilagay sa plato niya. Matalim niya akong tiningnan. Pinanlakihan ko naman siya ng mata at tinaasan ng kilay. "Aangal ka?" Maangas kong tanong. Gumalaw naman ang panga niya bago umiwas ng tingin, ngumisi naman ako.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon