♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 12♛

50 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 12♛

Wala akong ganang kumakain ngayon dahil parang hindi ako nakatulog kagabi dahil ang dami kong iniisip. Para akong tulala ngayon dito. Bumuntong hininga naman ako ulit, kanina pa ako bumu-buntong hininga, hindi ko na mabilang eh. "Chloe, ayos ka lang?" Parang pinaglalaruan ko lang yung pagkain na nasa harapan ko eh. "Chloe? Hey, Chloe?" Napalingon naman ako kay Xeno ng tawagin niya ako.

"Ah, bakit?" Nahihiyang tanong ko.

"Are you okay? Tulala ka kasi at parang wala kang gana, may sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong niya at umiling naman ako.

"Ayos lang ako, anong oras na ba?" Pag-iiba ko sa usapan at tinaas naman niya ang isang kilay niya.

"Talagang wala ka nga sa sarili dahil nakalimutan mong ikaw ang sumagot sa'kin niyan nung tanungin kita kanina." Seryosong sagot niya at nagtaka naman ako.

"Oh? Talaga? Kelan?"

"Hay, kanina. Tinanong kita kung anong oras na dahil hindi ko napansin kanina paglabas ko sa kwarto ko tapos 'yung relo ko ay 'di ko mahanap." Kunot-noong sagot niya at napaawang naman ang bibig ko tsaka tumango tango kahit 'di ko pa rin maaalala 'yung oras na 'yun. Malay ko ba, hindi nga ako nakatulog eh dahil sa sobrang isipin ko. "Alam mo talo mo pa ako kung magpuyat ka at mawala sa sarili mo at mag-isip ng kung anu-ano eh. Ikaw ba ang broken hearted sa'ting dalawa?" Sarkatiskong tanong niya at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bakit kailangan ba lagi na kapag magpupuyat ka, mawawala ka sa sarili mo, walang gana at mag-iisip ng kung anu-ano ay kailangan dapat ay broken hearted ka?" Sarkatiskong tanong ko din sa kanya at inirapan naman niya ako. Pikon ang putik! "Kumain ka na lang d'yan at umalis ka na, pikon ka masyado eh." Ingit ko naman at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Pero.. magkikita kayo mamaya." Naalala ko naman bigla 'yun at 'dun na mas lalong sumama ang aura niya.

"Nasa harapan tayo ng pagkain please Chloe." Seryosong sabi niya at nagkibit balikat naman ako.

"Okay fine, naalala ko lang naman eh 'tsaka 'di mo pa naman siya nakakausap about 'dun 'di ba?" Kailangan ko talaga siyang tanungin dahil curious ako! Hindi ko alam kung nakausap na ba niya 'yun kahapon bago niya ako sunduin o hindi pa. Malay ko ba..

Mabigat naman siyang bumuntong hininga. "Hindi pa, mamaya ko siya kakausapin." Malamig niyang sagot.

"Okay. Goodluck..." Sagot ko na lang at kumain na lang kami. Matapos kumain ay umalis na siya, papasok na siya sa trabaho niya. Ako naman ay ito, nandito sa pool area nakababad ang paa ko sa tubig. Habang ang laptop ko ay nakapatong sa binti ko kaya maling kilos ko lang ay mala-laglag ang laptop ko sa tubig kapag nagkataon. Ngayon kasi ay naisipan kong i-search ang about 'dun sa mga Xaxion. Apat na lalaki sila pero ang sabi ay limang lalaki daw sila. Hindi ko alam ang mga pangalan nila dahil iba iba ang mga lumalabas dito. Siguro ito ang mga tawag sa kanila. Parang iisa lang ang mga mukha nila, hirap nilang kilalanin kaya naman ay tinigil ko na lang ang pagsesearch ko about sa kanila.

𝑫𝒂𝒓𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒅𝒊𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒐 '𝒚𝒖𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒎𝒆 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒍𝒂𝒍𝒂 𝒌𝒐 𝒅𝒊𝒏 𝒔𝒊𝒍𝒂 𝒆𝒉.. 𝒘𝒂𝒊𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒌𝒆𝒍𝒂𝒏 '𝒚𝒖𝒏.

Kinuha ko ang cellphone ko at kinontak si Dean para ipaalam sa kanya ang bago kong number. Matapos nun ay umalis na ako dun sa pool bago pa mahulog ang laptop ko. Umupo ako dito sa Wicker Lounger. Imbis na magsearch ng kung anu-ano ay nanonood ko na lang ako ng balita ngayon, live. Kumunot ang noo ko dahil ang balita ngayon ay ang tungkol sa mga Lavigne. Baka next month daw pupunta ang mga 'yun dito, ni-move nila ang araw? Akala ko ngayong month pero naging next month. Bumuntong hininga lang ako at nanonood pa rin ng balita. "Lavigne Family..." Mahinang sambit ko. Nagdesisyon naman akong i-search ang tungkol sa pamilya nila.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora