Chapter 52

20 9 0
                                    

Chapter 52

Ilang araw na ang nakakalipas pero ayaw pa rin ni Chloe na lumabas sa kanyang kwarto. Sa ilang araw ng lumipas ay wala namang ginagawa ang mga kalaban niya, tahimik lang. Wala pa silang nababalitaan na may ginagawa ang mga ito. Mas lalo silang naging alerto dahil tahimik ang mga kalaban, hindi maganda 'yun.

Dahil 'dun ay mas lalong hinigpitan ni Shian ang pagbabantay sa buong ressort. Ang mga kaibigan ni Chloe ay hindi na din lumalabas, natatakot na sila. Kasi hindi sila mapapagtanggol ng parents nila kapag nagkagipitan. Si Chloe ay puno ng galit ngayon, paghihinagpis, hindi niya matanggap ang nangyari kay Xaviell. Pinatay nila si Xaviell.

"Boss," tawag ni Cyrus dito na busy sa kakatingin sa laptop nito, may libro din sa tabi. Mukhang may pinag-aaralan siya. Hindi tungkol sa kalaban kundi tungkol sa pagiging doctor. Pagkatapos kasi ng lahat ay magta-trabaho na siya bilang doctor pero magta-trabaho pa rin siya sa Royal Family.

Sipag niya eh.

"What?" Tanong nito ng hindi inaalis ang tingin sa laptop niya.

"Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi ni Hendery o hindi. Kasi boss, nakita daw niya si Queen sa---"

"Where?" 'Agad na tanong ni Shian na naging interesado.

"Sa bar na pagma-may-ari ng Alvarez. Nandun siya, may ibang kasama. Pinagbubugbog nila ang mga tauhan ni Alvarez 'dun at maraming sinirang gamit. Pinagbabasag ni Queen ang lahat. Galit na galit siya, ayaw kong maniwala kasi nandito si Queen. Ayaw ngang lumabas ng kwarto eh. Ang pinsan ni Alvarez ang nagpapatakbo sa bar na 'yun." Paliwanag niya na naguguluhan siya. "Namalik-mata lang siguro si Hendery." Dagdag pa nito.

Umiwas naman ng tingin si Shian, napapaisip. "Satingin ko hindi siya na malik-mata." Usal ni Shian at natigilan naman si Cyrus.

"Boss, anong ibig mong sabihin?" Tanong nito na parang kinakabahan.

"Nag-uumpisa na si Queen."

Nagulat naman si Cyrus, wala pa siyang sinasabi ay 'agad siyang tumakbo palabas ng silid at nagtungo sa kwarto ni Chloe. Nagtataka naman sila dahil sa pagtakbo ni Cyrus na akala mo eh may sunog.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Zander dahil sumunod din pala si Shian kay Cyrus.

Dahil sa pagtataka nina Mark, Lex, Blaise at Kim ay sumunod sila 'dun sa dalawa kaya mas lalong nagtaka sila Zander. Sinabihan sila ni Lex na 'wag sumunod at nakinig naman sila, wow himala.

Parang padamog na binuksan ni Cyrus ang kwarto ni Chloe, hingal na hingal siya. "Queen.. Queen.." Mahinang sambit niya habang hinahanap ito sa buong kwarto. "Queen!"

At dumating na ang iba sa kwarto. "Nasan si Queen?" Tanong ni Mark, napamura siya ng hindi nila nakita si Chloe sa kwarto.

"Saan siya nagpunta---Cyrus!" Biglang tawag ni Kim dito dahil 'agad na tumakbo si Cyrus palabas ng kwarto.

Sabay na nagmura si Mark at Shian bago sumunod 'dun sa iba na sumunod 'agad kay Cyrus. "Teka, anong nangyayari?!" Tanong ni Xeno sa kanila ng makita nilang tumatakbo si Cyrus na kasunod nila Blaise at Kim.

"Dito lang kayo. Jacob, Daisen bantayan niyo sila ng maigi." Mabilis na utos ni Shian kanila na 'agad ding sumunod sa mga tauhan.

"Yes Boss! Boss, update ah!" Sigaw ni Jacob.

"Ano bang nangyayari sa kanila?! P*nyeta." Naguguluhan na sambit ni Killian.

"Wala si Queen sa kwarto niya." Sagot ni Daisen at lahat sila ay nagulat.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now