Chapter 51

24 8 0
                                    

Chapter 51

Matapos naming mag-usap ni Killian ay bumaba na kami, dinner na. Samalamang nand'yan na ang leaders ko. Paniguradong sesermunan ako mga nun kasi tumakas lang ako. Wala naman akong ibang ginawa eh, nag-usap lang kami ni Killian. Medyo sumakit lang kanina kasi sumigaw ako eh. Tss.

"Where have you been?" Seryosong tanong sa'kin ni Shian.

Bumuntong hininga naman ako at umupo sa sofa. Kompleto na kami ngayon, lagi naman eh. "Chloe, ayos ka na?" Tanong sa'kin ni Lesh at tumango naman ako sa kanya ng nakangiti.

"Sorry Chloe." Sincere na sambit ni Xeno.

"Sorry." Ganun na din sila at kumunot naman ang noo ko, lahat sila ay nagso-sorry sa'kin at talagang totoo sila 'dun. Akalain mo 'yung mga tropa ni Stella nagso-sorry wow..

Sa inasta nila ay natawa ako. "HAHAHAHA bakit kayo nagso-sorry?" Natatawang tanong ko at padaing ako dahil sa pwersa 'agad naman silang nag-alala lalo na ang mga tauhan ko, sumenyas naman akong ayos lang ako. "'Wag niyo akong patawanin." Sambit ko.

"Hindi naman kami nagpapatawa." Sagot ni Raiden. "Totoo, Chloe. Sorry talaga.. napahamak ka dahil sa'min. Sorry."

"Agoy.. ayos lang 'yun. Babaguhin ko na ang plano, may ibang plano na kami. By the way, ayos lang ba kayo? Anong ginawa nila sainyo?" Seryosong tanong ko. Umiling naman silang lahat.

"Wala silang ginawa sa'min, wala nga kaming galos eh.. nagtataka din kami kung bakit." Sagot ni Kai..

Nagtaka naman ako at napa-isip. Bakit? Imposibleng wala silang gagawin sa mga ito maliban na lang kung... "Shian." Baling ko sa kanya. "Anong nakita niyo ron?" Tanong ko sa kanya.

"There's nothing weird, except for this paper that the staff saw that there was a man who left there who suddenly left and they didn't know where he was." Sagot niya at inabot sa'kin ang papel, aba maganda pa ang disenyo.

Effort.

Hello, Miss Chloe. Well, nagtataka ako kung sino ka nga ba talaga. Kasama mo ang mga tauhan ng isang Royal Family na kinaiinisan ko. Pinoprotektahan mo ang mga anak ng mga kaaway ng anak ng Lavigne Family at talagang kasama mo pa ang Limang Leaders. Ano kaya ang magiging reaksyon ng anak nilang babae kapag nalaman nilang ginagamit mo ang mga tauhan niya? Hindi ako makapaniwalang nagta-traydor ang mga tauhan ng Queen, hahahaha.. makikilala din kita Chloe Scarlett Dela Cruz. Sa tingin ko ay itigil mo na ang pangingialam mo, kung mahal mo pa ang buhay mo. 'Wag kang mangialam. Nga pala, warning 'yung kanina. Bantayan mo ng maigi lalo na ang sarili mo.. hahaha. Sana magkita tayo, Chloe ng personal.. 'yung buhay ka pa. See you soon, Chloe.

-Alvarez

Matunog naman akong ngumiti at hindi ko na mapagilan na matawa ng malakas. Tawa ako ng tawa, sobra. Sa pagtawa ko ay napapadaing ako sa sakit pero patuloy ako sa pagtawa. Parang mawawalan na ako ng hininga. 'Yung mga kaibigan ko ay todo pag-aalala, yung mga tauhan ko---unbothered. "Hahaha.. ah.. haha... ah ah. Aray ko." Reklamo ko na, ang sakit na kasi eh. Pinakalma ko naman ang sarili ko, bumalik na sa matino ang paghinga ko.

"Chloe, ayos ka lang? Bakit ka natatawa?" Nag-aalalang tanong ni Lesh.

Nginitian ko naman siya. "Ayos lang ako. Nakakatawa lang 'yung nakasulat." Sagot ko. Nilukot ko naman 'yung papel at ginawang bilog. "Daisen, buksan mo 'yung trash bin." Utos ko at ginawa naman niya. Para naman akong nagshoot ng bola sa ring ng ibato ko yung papel sa trash bin na pumasok naman. Wow.. "Shoot."

Rinig ko pang napasinghap ang mga kasama ko 'dun. "Basura siya kaya dapat na nasa baruhan, d'yan siya bagay." Seryosong usal ko habang nakatingin sa trash bin. "Kapag ako nagbigay ng warning sa kanya ay 'yun na ang huling oras niya sa mundo, 'wag niya akong pilitin na gawin 'yun dahil talagang gagawin ko." Seryosong usal ko na ngumisi ng nakakaloko ngunit 'agad na sumeryoso din, nakakabaliw. Paki ko..

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now