Chapter 26

34 9 0
                                    


Chapter 26

Paggising ko ay nagtaka ako dahil wala dito si ZZ sa kwarto ko. Nilibot ko ang buong paningin ko sa kwarto ko pero wala siya, tiningnan ko pa 'yung sahig kung saan siya dapat matutulog pero wala din siya. Bumangon naman ako at tiningnan ang oras sa cellphone ko habang binababa ang paa ko sa lapag at suotin ang pangbahay kong tsinelas. 6am pa lang ng umaga. Tumayo naman ako dala ang cellphone ko, humikab pa muna ako bago buksan ang pintuan ko.

Nasan kaya siya?

Paglabas ko ng kwarto ko ay bumukas din ang pintuan ng kwarto nila Lesh at Xeno, naniningkit ang mga mata ko habang tinitingnan sila, may trabaho nga pala tong dalawa habang si Xeno ay hindi ko alam kung saan pupunta---pati si Migo. Ako lang hindi nakaayos sa'min, 'di pa nga ako nagto-toothbrush eh. "Girl, mag-ayos ka nga. Ang gurang mo girl, you know? Baka kapag nakita ka ni Zander ay hindi ka na niyan magugustuhan." Ngiwing sabi ni Lesh at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Baliw, wala nga siya sa kwarto eh."

"Ha?" Sabay sabay nilang tanong. Hindi ko naman sila pinansin. Naglakad na lang ako patungo sa kusina para makapag-toothbrush na ako. Pagdating sa kusina ay napahinto ako ng makita ang lamesa na maayos, may pagkain na. Siya kaya ang may gawa nito? Marunong pala siyang magluto? Wow. Pumunta na lang ako sa lababo, mamaya ko na iintidihin 'yang pagkain na 'yan---toothbrush muna ako. Habang nagto-toothbrush ako ay tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko naman kung ano 'yun habang busy pa rin sa pagto-toothbrush ko.

ZZ
Hello, good morning. Umalis n...•Now

Inopen ko naman 'yung chat niya.

ZZ
Active now

6:15am

•Hello, good morning.
Umalis na ako ng 5am
d'yan, need kong umuwi
sa home ko dahil wala
naman akong gagamitin
na damit para pagpasok
ko eh.. but before ako
umalis ay nagcook muna
ako para sa breakfast niyo,
I hope na you like it.. kung
hindi masarap ang pagluto
ko, I'm sorry. Nagtry lang
naman ako eh.. sorry talaga.
I hope talaga na masarap
sa panlasa mo. Para 'di ka
masungit sa'kin:)

•But inform lang na marunong
talaga ako mag-luto kaso
slight lang.

•My yaya turo me how to
luto, 'yung masarap na food
na you will like it:)

Tinigil ko naman ang pagto-toothbrush ko pero nasa bibig ko 'yung toothbrush ko. Nagtype naman ako para replyan 'toh.

You:
Dami mong sinasabi. (-_-)

•Nag-explain lang eh.('>_<)

You:
Tch.. mukha naman
'atang masarap ang luto
mo, walang reklamo 'tong
mga 'toh eh, sarap ng kain
nila. Maya lang, nagto-
toothbrush ako eh, distorbo
ka eh.

•Opss.. bye, kita nalang
tayo mamaya sa Dean
Office..

You:
Bakit?

•Pupunta tayong Tagaytay
daw, tapos kasama 'yung
magiging translator nila
hanggang sa Palawan at
Boracay daw. So means tayo
parang magiging tour guide
nila 'dun, hindi ko naman alam
'yun.. nagse-search nga ako
ngayon eh. Hayyy...

Bumuntong hininga naman ako, nakakapagod kaya! 'Tsaka pwede namang 'wag muna sumama 'yung translator nila kasi nagkakaintindihan namin kami, marumong kami eh. Kung kasama siya ay pwedeng siya na lang, hindi na kami kasama o hindi na ako kasama. Imposibleng walang alam 'yung translator nila, siya ang makakasama sa Palawan at Boracay at sigurado ako na nagre-reseach 'dun 'yun ngayon about sa Tagaytay. Pero kelan kami pupunta 'dun?

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now