Chapter 57

23 8 0
                                    

Chapter 57

Chloe's Pov

Tumaas naman ang isang kilay ko ng makita si Leah na nakayakap kay Killian sa gilid nito, ano 'yan, naglakad sila ng magkayakap? Eh?

Suminghal naman ako. Umirap na rin ako, ang laswa. Ki aga aga eh.

"Oy, babae bakit ka nakayakap sa kanya?" Inosenteng tanong ni Scarlett sa kanya.

Ngumuso naman siya. Sarap tampalin. "Puso ko, beh." Parang iiyak naman siya 'agad, mukhang kagagaling lang sa pag-iyak.

"O e anong konek nun sa pagkayakap mo sa kanya?" Ngiwing tanong ng kambal ko.

"Safe ako."

"Saan?"

"Sa multo," rinig ko naman ang pagbuga ng tubig ni Brian na uubo ubo ngayon, humagalpak na kakatawa habang uubo ubo pa rin siya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Killian kaya 'agad itong tumigil.

"Pfft, multo? Ki aga aga babae ha." Iritableng usal ko. Umupo na ako.

"Wala ka naman kasing alam, wala kayong alam." Malungkot niyang usal. "Thanks," pilit siyang ngumiti kay Killian bago umupo na din. Magkatapat pa kaming dalawa, katabi niya si Killian at Prixie.

"Anong nangyari?" Tanong ni Thea.

"Basta."

"Hala!" Biglang gulat na usal ni Scarlett kaya napatingin kami sa kanya. "Steven!" Baling niya rito kaya napakislot sa gulat si Steven. "Saturday ngayon 'di ba? March 19?" Dahan dahan namang tumango ito.. "March 12, hala ka.. Steven sorry.. Sobrang late." Malungkot nitong usal kaya nagtaka kami lalo.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Kunot-noong tanong ko.

"Steven, super duper late na.. sorry talaga. Happy birthday, belated nga lang. Huhu sorry." Lahat kami ay natigilan, pak shet.

"Hala! Dude, sorry din! Nakalimutan ko! Sorry happy birthday." Brian.

"Dude, sorie happy birthday." Kai.

"Ops, happy birthday." Raiden at binati na nga naming lahat si Steven kahit late na super. Natawa naman siya sa'min.

"Cuz, kaya ka ba nag-aaya sa'min nun kahit icecelebrate sana na'tin ang birthday mo?" Tanong ni Ghilnash.

Tumango naman siya. "Oo, kaso di natuloy kaya pinacancel ko na lang 'yung booking." Nakangiting sagot niya, halatang guilty sila. Wala naman akong alam d'yan. "Buti nga naalala mo kahit papa'no, Scarlett. Salamat." Nakangiting usal niya sa kambal ko na sincere.

"Pasensya na.. naalala ko naman talaga na birthday mo, balak ko sanang supresahin ka kaso nagkaroon ng problema.. need na naming gawin 'yung plano kaya hindi ko na nagawa at ending nakalimutan ko na pasensya na talaga." Sincere na paliwanag niya rito.

"Ayos lang, ayos lang. Madami naman kasi talagang problema ngayon."

"Salamat." Nagring naman ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay nilapag ko sa lamesa ang cellphone ko at niloud speaker ko 'yun bago sagutin.

"Gabriel Alvarez's brother, he's dead."

Para naman silang kinalibutan sa balita ng kaibigan ko, yeah kaibigan ko.

"Gabriel killed him, Gabriel preceded us. He knew his brother would meet his enemies." Dugtong pa ni Hazel.

"Chloe, Gabriel knows who his opponents are, Gabriel is smart now. He opposes all our plans, he knows all our plans. If this continues, we may be killed." Sa tono niya ay seryoso na siya. Tahimik lang naman kaming nakikinig.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now