Ending: Part 4

19 8 0
                                    

Ending: Part 4

Thirds Person's Pov

Habang busy sila sa pagpapatayan at sa kaguluhan ay pinapatay na nila Raiden ang mga magulang nila. "Si Mr. Zhang at Suares na lang." Sabi ni Steven matapos niyang barilin sa ulo ang isa sa tauhan ng parents ni Prixie.

"Mahihirapan tayo kay Mr. Zhang, kay Suares pa'no? Mukhang babawi 'yun kay Zander eh." Sabat ni Xanthus habang pinupunasan ang kamay niya. "Gosh, ang dumi ah." Reklamo niya.

Kinuha ni Raiden ang cellphone niya at may tinawagan. Tumingin siya sa loob ng stadium at napataas ang kilay niya ng makita niya kung pa'no hampasin ni Chloe ng baseball bat sa likod nung lalaki ng sobrang lakas kaya napabuga ng dugo, hindi siya sigurado kung si Scarlett ba 'yan o si Chantal pero ang brutal. "Pucha, baka tayo isunod niyan ha." Kinakabahan na sambit ni Steven.

Nagdasal na nga sila ni Xanthus.

Binatukan naman sila ni Raiden. "Mga siraulo." Asik niya. "Ang tagal mong sagutin ah." Asik niya ng sagutin 'yung tawag.

"Anong kailangan mo." Malamig nitong tanong.

"Permiso."

"Saan?"

"Pwede bang patayin si Suares o hindi?" Seryosong tanong niya at tumingin 'dun sa gawi nila Zander na mukhang natigilan sa tanong niya. Alam nila Raiden na maririnig ng iba 'yun dahil may suot siyang earpiece. Rinig nga niya ang sarili niyang tanong eh at boses. "Sagot."

"Bahala kayo."

"Wala kang paki kung mabuhay man siya o hindi?"

"May paki ako? Kelan?" Sarkatiskong tanong niya.

"Grabe talaga siya." Komento ni Steven. "Si Thea kaya tanungin mo 'wag 'yang bato na 'yan." Utos ni Steven kay Raiden.

"So Zander is being asked because maybe Zander doesn't want to, isn't he? He'll still know Suares well." Sagot naman ni Xanthus.

"Manahimik nga kayong dalawa." Suway ni Raiden sa kanila. "Zander, matik ang sagot mo. Bye, Suares." Sambit niya bago ibaba ang tawag at patayin, binulsa niya ulit ang cellphone niya. "Suares. Xanthus, gawin mo." Utos niya at tumango naman siya. Sumunod naman si Steven, back up. Siya naman ay nagtungo sa gawi nila Joaquin.

(^_^)

"Kuya!" Mangiyak ngiyak na tawag ni Thea kay Zander na seryoso lang. "Daddy," 'agad siyang lumapit kay Suares at niyakap ito. Ngumiti naman si Suares sa kanya at hinaplos haplos ang buhok ni Thea.

"Raiden," sambit ni Shian sa pangalan nito. "Make sure you do it well." Dagdag pa niya. Dun lang nila napansin na papalapit pala si Raiden sa gawi nila Joaquin. Kinausap niya 'yung isang tauhan ni Joaquin bago tuluyang makalapit kay Joaquin.

"Lalaking kumausap kay Djelo, mukhang narito na lahat ng tauhan niya." Report ni Avy.

Bahagyang natawa 'yung lalaki. "Okay okay.." Parang nagpipigil pa siyang matawa ng malakas. Siniko naman siya ng isang lalaki. Napailing iling na lang sila pareho.

"Avy, utusan mo ang mga tauhan mo na magpunta dito sa stadium at pumalibot, ganun na rin sayo Cyrus kung pwede lang." Utos nung pinaka-matangkad sa kanila.

"Nagawa ko na." Sagot ni Avy. "Kanina ko pa gets, kukulungin ang mga tauhan ko, duh hindi ko dala lahat ng tauhan ko. 'Di kasya sa mga bagahe." Biglang mataray niyang dagdag.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz