♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 24♛

40 10 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 24♛

Nandito kami ngayon sa TOP, kakarating lang namin. Wala naman dito sila Ms. Garnier, baka nandun sila sa rebolto ni Jose Rizal pero bago kami pumunta 'dun ay nilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Ms. Garnier, gusto kong makasiguro na nandun nga talaga sila kapag wala sila 'dun ay talagang.. hayst!

"Hello." Sagot na niya 'agad.

"Saan po kayo?" Seryosong tanong ko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na kinausap ni ZZ si Migo.

"Nandito sa Manila Ocean Park, sa may parkingan niya, nandito lang kami." Mabigat naman akong bumuntong. Letse, ang layo nun sa rebolto ni Jose Rizal!

"May problema?" Malumanay na tanong ni ZZ, hindi naman ako sumagot sa kanya.

"Bakit nand'yan kayo?" Letse nawalan ako ng respeto! Naiinis na ako ngayon!

"Pero sakop 'toh ng Luneta Park."

"'Di mo nasagot ang tanong ko, oo alam kong sakop 'yan ng Luneta Park. Ang tanong ko ay bakit nand'yan kayo at wala 'dun sa pinag-usapan na'tin? Wala nga kayo dito sa TOP tapos wala din kayo d'yan sa rebolto ni Jose Rizal? Ms. Garnier, intindihin mo ako ha, sorry po pero naiinis ako sainyo ngayon." Pagpapakatotoong sagot ko na seryoso. Lumapit naman sa'kin ni ZZ habang hawak niya sa kamay si Migo na kumakain ng ice cream ngayon.

"Sorry, Ms. Dela Cruz, dito kasi kami tinuro ng google map. Akala namin ay malapit lang dito 'yung rebolto ni Jose Rizal."

"Oo sa kabilang place pa, pwedeng dumeretso pa kayo o pwedeng nalagpasan niyo na. Pero kung nand'yan kaya ngayon sa Manila Ocean Park ay dederetso pa kayo. Naku naiistress ako sainyo!" 'Di ko na talaga maiwasan sorry naman!

"Ako na ang kakausap." Sabi ni ZZ at kinuha ng dahan dahan sa'kin 'yung cellphone, 'di siya 'gaya ng iba na bigla kuha na lang sa'yo 'yung cellphone. "Hello, si Zander 'toh. Ms. Garnier, nakita niyo ba 'yung Rizal Park Dancing Fountain kanina bago kayo makarating d'yan? Okay okay, dederetso pa kayo dahil wala pa d'yan 'yung rebolto ni Jose Rizal. Kasi yung rebolto ni Jose Rizal ay 'yun parang naging entrance ng Luneta Park pero d'yan na lang kayo, antayin niyo na lang kami d'yan para wala ng magulo dito at sabay sabay na tayong pumunta 'dun sa rebolto ni Jose Rizal. Okay lang, 'wag niyo ng intindihin 'yun, mag-usap na lang tayo d'yan mamaya." Binaba naman niya 'yung linya at binalik sa'kin 'yung cellphone ko. "Relax ka lang, tara na." Sabi niya. Binuksan niya ang pintuan sa likod para pasakayin na ulit si Migo 'dun at buksan din ang pinto sa passenger seat para pasakayin na ako ulit. "Chilaks ka lang." Nilagay naman niya ang kamay niya sa ulo ko habang pinapasakay ako sa loob.

𝑨𝒃𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒘𝒆𝒆𝒕 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏.. 𝒂𝒔𝒔𝒖𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂! 𝑷𝒂𝒇𝒂𝒍𝒍 𝒍𝒂𝒏𝒈 '𝒚𝒂𝒏! 𝑬𝒉 𝒆𝒏𝒈𝒐𝒕 𝒌𝒂 𝒑𝒂𝒍𝒂 𝒆𝒉 𝒃𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒎𝒐 𝒏𝒂𝒔𝒂𝒃𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒇𝒂𝒍𝒍?! 𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒃𝒂 𝒑𝒘𝒆𝒅𝒆𝒏𝒈 𝒈𝒆𝒏𝒕𝒍𝒆𝒎𝒂𝒏 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒚𝒂? 𝑨𝒔𝒔𝒖𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒌𝒐!

༺ ♡ ༻

"M-Mama, g-gusto ko po sanang makapunta 'dun." Sabi ni Migo habang nakaturo dun sa Manila Ocean Park ng makababa kami sa kotse.

Nagblink naman ako ng dalawang beses dahil pakiramdam ko ay may anak na ako na gustong puntahan 'yun! Nakakaloka! Napalunok naman ako. "Sige mamaya pero Migo, kapag tatawagin mo ako ay 'wag mama ha? Kapag tayo lang ang magkakasama ay pwede--"

"Mama ka nga niya 'di ba?" Pigil na tanong ni ZZ kaya naman ay tiningnan ko siya. "Kung mama ka niya ay anumang oras ay pwede ka niyang tawagin. Kung nahihiya ka na tawagin ka niyang mama sa public ay bakit ka pa pumayag kanina?" Seryosong tanong niya sa'kin.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now