Chapter 50

18 8 0
                                    

Chapter 50

"Tama na 'yan. Tara na. Siguradong inaantay na tayo." Aya ni Chloe sa mga tauhan niya.

Naglakad sila papasok sa underground hide out ng mga taong kumuha sa mga kasama niya. Yes, alam niyang kukunin ito ng mga animal. Kaya nga wala siyang pakialam nung marinig niya ang balita at kaya nga hindi siya maagang gumising.

Well.. alam niyang may mga traydor siyang tauhan na kasama. Kabilang ang mga 'yun sa tauhan ni Kim. "'Yun! Nandito na ang mga bisita!" Masayang bungad ng isang lalaki na mukhang adik.

Kumunot naman naman ang mga noo ng mga tauhan ni Chloe na mga matataas ang posisyon. Kaya pala pinagdadala ng mga tauhan eh. "Nasan sila?" Simpleng tanong ni Chloe at mas lalong nagtaka ang mga tauhan niya at naguluhan.

"Queen.. alam mo?" Mahinang tanong ni Lex sa kanya ngunit hindi siya sinagot ni Chloe.

"Ano ba 'yan, sila 'agad? Hindi pwedeng kami muna?" Nakangising tanong nito na nakakaloko.

Ngumisi naman si Chloe. "Pasensya ka na. Hindi naman kasi ako veterinarian." Talagang nakangiti pa siya ng sobrang tamis.

Sumama naman ang mukha ng lalaki. Matagal ng masama ang mukha niya.

"Wala akong oras para sainyo, nasan sila?" Malumanay nitong tanong. Kampante lang siya.

"Masyado kang kampante, magiging kampante ka pa kaya kapag nalaman mo kung anong nangyari sa kanila?" Nakangising tanong nito, hindi naman bagay sa kanya. Hindi siya cool.

"Hoy, sabihin mo lang eh! Dami mo pang dada!" Ubos na pasensyang sabad ni Lex.

"Well.. ang mga kaibigan niyo ay kaninang gabi pa patay---"

BANG!

"FVCK!!" Malakas na mura ng ilan sa tauhan ni Chloe ng hindi nila nalamayan ang mabilis nitong pagbunot ng baril at pagkasa at iputok sa noo nung lalaki kaya ayun, bumulagtad bigla sa sahig, medyo nangisay pa at tuluyan ng hindi gumalaw.

Sa biglang pagbaril ni Chloe ay nagpaputok na rin ang ibang tauhan ng lalaki at nagpaputok na din ang mga tauhan ni Chloe. 'Agad nilang hinila si Chloe para itago at protektahan, kanya kanyang tago ang lahat habang patuloy sa pagbabarilan nila.

"Why did you fvcking do that?! We will be damned for what you fvcking did! Bullsh*t! That man is just fvcking teasing you, dimwit you're fvcking serious!" Panenermon ni Shian sa kanya.

"Shut the fvck up! Tigil tigilan mo sa kaka-fvcking mo, animal!" Inis na asik ni Chloe sa kanya. "Fvck you!" Natigilan naman siya sa sinabi ni Chloe pero 'agad na nagsalubong ang mga kilay niya.

"Your mouth!" Suway nito.

"Your mouth mo, mukha mo! Ikaw 'tong puro fvcking eh sinermonan ba kita, animal ka ah!" Iritang panunumbat ni Chloe sa kanya.

Well, habang nag-aaway silang dalawa ay 'yung iba ay busy sa pakikipagbarilan. Silang dalawa ay walang pakialam kung may nagbabarilan basta nag-aaway sila.

Lagi naman silang ganyan eh, laging nag-aaway at nagsisigawan, 'yung talagang sa kalagitnaan pa ng gulo.

'Gaya na lang ngayon.

Galing.

Sisigawan na sana ulit ni Shian si Chloe ng may napansin siya. 'Agad na namunga ang pag-aalala sa mukha niya. "There's blood." Mahinang usal nito habang nakatingin sa sahig kung saan nakapwesto si Chloe at unti unti niyang tiningnan ang kabuuan ni Chloe at nanlaki ang mga mata niya. "Y-You were shot..." Utal nitong sambit.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon