Chapter 47

35 9 0
                                    

Chapter 47

Brian's Pov

Minulat ko naman ang mga mata ko at nagtaka naman ako dahil nasa ibang lugar ako! Hindi lang ako! Kaming lahat! Lahat sila ay walang malay, tanging ako lang ang malay ngayon. Nakalati kami sa upuan. Pucha, nasan kami!

"Raiden, Kai, Steven, woy! Gising!" Sigaw ko sa kanila. "Hoy, gumising kayo! Nasa ibang planeta na tayo!" Sigaw ko sa kanila. Pilit akong pumipiglas dito kaso ang higpit ng pagkakatali kaya ang sakit. "Hoy! May tao ba d'yan?! Kung sino mang impakto ang nandyan ay aba! Ialis niyo kami rito! Mga impakto!" Sigaw ko pa habang nakatingin sa pintuan. Pero no response. Aba, aba, mga impakto talaga! "'Wag kang feeling famous! Ialis niyo kami dito!"

"Ang ingay mo Brian ano bang---putakte, ano 'toh?!" Bulangtang tanong niya ng marealize niya.

"Kinidnap lang naman tayo!"

"Oh my god! Ang init! Wala ba silang aircon dito?! Hoy, bakit ang init dito?!" Maarteng sigaw ni Prixie.

"Ang baho naman dito! Ang dilim pa! Aba hindi kami aswang! Buksan niyo ang bintana o ilaw aba!" Leah.

"Hoy, ang init talaga! Pinging electric pan man lang d'yan! Hoy!" Mia.

"Oh my gosh! What is this?! Anong ginagawa ko rito?! Kelan pa naging kama ang upuan?! Tanggalin niyo nga 'tong tali! Ang higpit!" Stella.

"Mga letchugas kayong mga babae kayo! 'Wag kayong magreklamo eh pare-pareho lang tayong nasa iisang sitwasyon!" Iritang sigaw ni Lesh sa kanila. Inirapan lang naman siya ng mga ito.

"Tss, akala ko ba safe 'dun?! Eh bakit nandito tayo?! Sinungaling talaga." Inis na usal ni Killian at lahat kami ay masama ang tingin sa kanya.

"G*go!" Sa hindi inaasahan ay sabay sabay naming nasabi 'yun.

"Alam mo! Ikaw lang naman ang may galit sa kanya eh! Dapat ikaw lang nandito pero pati kami nadamay!" Inis na sigaw ko sa kanya at sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Ano ba talaga ang problema mo, Killian?! Hindi ka namin maintindihan! Kung idadahilan mo naman ay dahil sa nagpanggap lang si Chloe na may nararamdaman kay Rex ay tarantado! Isang walang kwentang dahilan! Kasi dapat si Rex ang magkaganyan hindi ikaw, t*nga! Wala na ngang pakialam 'dun si Rex tapos ikaw sobra naapektuhan, bakit ikaw ba 'yung niloko nung mga oras na 'yun?! 'Tsaka hindi naman nasaktan si Rex ng sobra dahil ang nasaktan ng sobra ay si Chloe, b*bo! Ikaw pa ba 'yan, Killian?! Pucha, ibang iba ka na! Hindi ikaw 'yan, g*go!" Galit na galit na sigaw ni Ghilnash dito kaya hindi nakasagot si Killian.

"Killian, tumigil ka na pwede?! Sinira ng pamilya na'tin ang buhay ni Chloe! Sinira ng pamilya na'tin ang pamilya niya! Kung tutuusin ay hindi na'tin masisisi si Chloe kung ano man ang ginagawa niya dahil ang pamilya na'tin ang nagtulak sa kanya para magkaganun siya. Naghihiganti siya! May gusto siyang makuha at hindi natin alam 'yun! Kelan ka nakakita ng naghihiganti ng walang nasasaktan ng emotionally o physically?! Ha?! Sagutin mo! May nakita ka na?! Sino?!" Paghahamon na tanong ni Zander naman dito.

"Killian, tumigil ka na. Hindi na tama 'yang mga sinasabi mo at pinakikita mo eh. Ikaw na ang may mali dito. Kung magpipilit ka ay pucha, papatayin na talaga kita eh. Letse." Iritang asik naman ni Xanthus.

"Ano ba! 'Wag niyo ngang pagtulungan! Concern lang siya! 'Tsaka expected na ni Chloe na may magagalit, sinabi niyang ayos lang sa kanya 'yun. Tama na! Pwedeng 'wag na tayong mag-aaway away dito?! Kailangan na'ting makaisip kung pano makakaalis sa lugar na ito. Baka isipin na ni Chloe na kumampi tayo sa parents na'tin, sh*t." Usal naman ni Rex kaya tumigil na 'yung tatlo, si Killian ay tahimik lang nakatingin lang sa kung saan.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now