Ending: Part 3

29 8 0
                                    

Ending: Part 3

Third Person's Pov

Kinuha ni Alvarez ang isang mic bago siya magsalita. "Chloe! Kapag magawa mong matalo ang fifty na tauhan ko ay maaari mong makuha ang mga bata. Ano deal?" Nakangising tanong ni Alvarez 'dun.

Agad na umangal si Shian. "Hindi! Ako na lang o kahit sino 'wag lang si Queen! Baliw ka ba?! Fifty laban sa isang babae?! Kapag ako talaga mapuno sa'yong animal ka ay talagang mamamatay ka na ngayon! 'Wag mo akong hamonin!" Galit na galit niyang sigaw rito, rinig na rin sa mic ang boses niya.

Humakbang siya palapit kay Alvarez ngunit 'agad na hinirang ni Chloe ang kaliwang kamay niya kaya napahinto si Shian at tiningnan siya. "Back off." Utos ni Chloe sa kanya habang nakatingin kay Alvarez at tiningnan na rin siya pagkatapos niyang sabihin 'yun.

"Queen, jeoldae andwae." Seryosong sagot ni Shian.

"Jenjang mulleoseolago haessjanh-a, meongcheong-a!" Biglang iritang sigaw niya kay Shian.

•Translate: Damn I told you to back off, you idiot!•

"I'm not fvcking idiot, maybe you are. Fifty of them then just you?! You are not a superhero! You're just human too! You can't handle those. Don't be a hero for these people!" Inis na sigaw na sagot sa kanya ni Shian na tinuro pa ang side kung nasan 'yung mga ibang tao.

"Are you stupid? It's because of me that they're here! It's because of our family they're here now! Because of us they were touched! Can you please stop interfering, Shian?!" Galit na si Chloe sa kanya. "Hu Yi Shian! As Queen obey my command! Step back. 'Wag kang mangialam." Nakakataas na nitong utos kay Shian. Nagsalubong naman ang kilay ni Shian at hindi niya matanggap ang utos nito.

Umiigting ang panga niya ngayon, nagpipigil na magalit kay Chloe. Matalim niyang tinitingnan si Chloe. Tinalikuran naman siya ni Chloe at bumaling kay Alvarez, naglakad si Chloe papalapit sa ilang tauhan ni Alvarez at tiningnan ang mga ito. Pasimple niyang in-off ang earpiece niya. "Boss, si Queen." Sambit ni Cyrus, nag-aalala na.

"Magche-cheat si Alvarez. Ilan sa mga tauhan ni Alvarez na lalaban kay Chloe ay may mga nakatagong kutsilyo o anumang maaaring makasakit kay Chloe at ikakapahamak niya, Shian gumawa ka ng paraan." Hazel.

Kinuyumos ni Shian ang dalawa niyang kamao. "Hayaan niyo siya. Ito ang gusto niya." Malamig niyang sagot.

"Boss!" Pasigaw na bulong ng mga mataas na tauhan nila. "Shian!" Pasigaw rin na bulong ng mga kaibigan nila.

(^_^)

Pabalik na si Lex sa ressort. Galing siya sa stadium, may inaayos lang roon pala sa plano nila at pagkatapos ay agad siyang bumalik para mabantayan na si Blaise.

Nagmamadali siyang bumalik dahil baka gising na si Blaise. Pero pagpasok niya ay nagtaka siya dahil walang nagbabantay malapit sa pinto, bago siya umalis ay merong bantay roon at nagbilin pa siya. Puno siya ng pagtataka habang naglalakad papasok.

Nang makarating na siya sa loob ay nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mga tauhan nila na wala ng buhay, nakahandusay na sa sahig. Ang daming dugo. Nilapitan niya ang isa at hinawakan ang pulsuhan, inaalam pa kung buhay pa kaso hindi na. Lumapit pa siya sa iba at wala na talaga silang buhay.

"L-Leader Lex," 'agad siyang lumingon 'dun sa lalaking nagsalita na nanghihina na. 'Agad niyang nilapitan iyon.

"Anong nangyari? Bullsh*t, sandali lang.. tatawag ako ng ambulansya.. please. Saglit." Natatarantang kinuha ni Lex ang cellphone niya at nanginginig pa ang kamay habang nagpipindot, pinipigilan niyang wag umiyak. "Sandali.. sandali lang." Usal niya.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now