Ending: Part 5

23 8 0
                                    

Ending: Part 5

Scarlett's Pov

(^_^)

Ilang buwan na ang nakakalipas nang matapos ang gulong 'yun, ngayon ay pupunta kaming magkakapatid sa France, ngayon ang Flight namin. May papalayasin lang kami sa palasyo namin pero bago kami pumunta sa airport ay pupunta muna kami sa graduation ng mga kaibigan namin. Lahat sila ay nakagraduate syempre. "Congrats!" Bati ko sa kanila ng makalapit sa kanila.

"Salamat." Sagot nila.

"Ahmm.. pa'no ba.. ahmm.. goodbye?" Parang hindi ko alam ang sasabihin ko. Kumunot naman ang noo nila sa pagtataka.

"Goodbye? Why?" Tanong ni ZZ.

"Aalis na kayo?" Tanong ni Rex na may halo ng lungkot.

Ngumiti naman ako sa kanila at tumango. "Babalik na kaming France, tapos na kami sa mga Alvarez. Magkikita pa naman siguro tayo lahat eh. Sa next life siguro hahaha, joke---pero 'yun na nga.. ngayon ang flight namin, 5pm." Unti unti namang nawala ang ngiti ko.

"Beshie ko..." At 'yan na nga si Lesh, umiiyak na agad habang lumalapit sa'kin. Niyakap naman niya at hindi ko na mapigilan na hindi umiyak. "Wala na 'yung nerd kong kaibigan tapos 'yung maganda ko pang kaibigan ay mawawala na rin.. my gosh, ang mata ko.. mugto na naman huhuhu." Umiiyak na sambit niya.

"Mami-miss ko kag*gahan mo." Nakangiting biro ko na naiiyak.

"Loka!" Medyo pinalo niya at balikat ko, napangiti naman ako. "Pero beshie.." humiwalay siya ng yakap sa kanya. "..regalo ha? Pagnagkita tayo ulit." Loka loka talaga siya.

"Alam mo, sarap mong itapon." Nakangiting sabi ngunit sarkatisko. Bumaling naman ako sa ibang kaibigan ko. "Magkikita pa tayo lahat syempre! Happy happy lang kayo, graduation niyo today at success kayong lahat dun. Congrats ulit sainyo." Nakangiting usal ko sa kanila.

"Kahit wala pa kaming good memories sa'yo ay thank you, thank you at nakilala ka namin.. my god mamimiss ka namin. Wala na kaming mabully, gusto ka sana naming maging friend kaso baka ayaw mo." Ngiwing sambit ni Stella. Naglakad naman ako papalapit sa kany at walang anu-ano ay niyakap ko siya. Ramdam ko naman ang pagkayap niya rin sa'kin. "Huhu, make up ko.. pinaiyak mo ako.. takte.. huhuhuhu!!" Humagulgol na siya ng malakas.

Kumalas naman ako agad at natawa. "Ingay mo! OA mo talaga eh. Pwede niyo ako maging friend, duh.. friendly kaya ako." Mataray kong sambit na parang ginaya ang katarayan ng boses ni Prixie.

"Oh my gosh!" Hiyaw ni Prixie. "So you know how to being mataray, Scarlett?!" Gulat niyang tanong na nakahawak pa sa dibdib niya. Isa pang OA 'toh eh.

"Pfft.. of course, duh! Mas mataray pa kesa sa'yo, you wanna try me?" Nakangising tanong ko.

"There is a time na gusto ko but there is a time na 'wag na lang.. thanks na lang." Nakangiting sagot niya na may halo ng pagkailang. Nginiwian ko naman siya.

"Chantal, Scarlett." Tawag sa'min ni Shian at Brixter. "We have to leave, the traffic might catch up with us." Sabi ni Shian.

"So bye na nga.. nagmamadali sila. Group hug." Naggroup hug namin kaming lahat, mabilis talaga akong umiyak. Napakaiyakin ko. Matapos naming magyakap lahat ay umalis na kami, sa huli na nagpaalam si Chloe sa kanila. Hindi din ako makapagpaalam kay ZZ, mas lalo lang akong malulungkot. Buti sila Ate Azriela at Kuya Azion ay maiiwan dito sa Pilipinas, nandito kasi si Mama eh. Umuwi sa probinsya nila at pupuntahan naman nila Ate.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz