♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 17♛

38 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 17♛

Nung pumasok ako sa school ay para akong may sakit dahil matamlay ako. Nakakainis pa nga eh dahil 'yung si Leah ay inuutusan pa rin ako ng sobra at sobrang taray pa sa'kin, ang kapal din ng mukha ni Prixie dahil nagagawa pa rin nila akong tarayan at sungitan at utusan kahit na kinampihan ko sila at sila ang dahilan kung galit sakin si Xeno. Tama nga si Xeno, binigyan ko lang talaga sila ng dahilan para mas lalo nilang ipagpatuloy toh at totoo nga dahil nangyayari na ngayon pero wala na akong choice dahil nangyari na eh. Ito na ang napili ko, letseng yawa! Pero kahit ganun ay wala na akong pakialam. Basta sinusunod ko lang ang mga 'yun kahit anong utos nila sa'kin at binabalewala na lang ang pagtataray nila sa'kin.

Pero hindi buong maghapon ay nauutusan nila ako dahil pumunta ako sa rooftop o sa library, minsan na lang ako sa rooftop dahil alam na 'yun ni Prixie kaya madalas nasa library ako dahil alam kong hindi ako mauutusan 'dun at hindi nila ako masisigawan. Araw araw ay lagi nila akong inuutusan, inaasar at pinagti-tripan. Kapag ginagawa nila ay nakikita ko sa kanilang natutuwa talaga sila sa pinaggagawa nila sa'kin. Minsan nga ay inutusan nila akong linisin ang tatlong room na ako lang ang maglilinis habang sila ay pahayayay sa labas. Ang school kasi ay nagkaroon ng general cleaning at nagkataon naman na section namin ang naka-assign dito sa third floor na walang gumagamit pero pinalinis dahil nga magkakaroon ng mga bagong student dito.

Malas talaga ako nun dahil si Raiden ay wala 'dun dahil sa court siya na assign, ang mga lalaki ay nandun habang ang mga babae ay dito at ang mga kasama ko pa ay bully ko kaya ako lang talaga ang naglinis. Kapag nandyan ang teacher ay ayun, kunwaring naglilinis pero kapag wala na ay mandidiri na sila! Hay.. buong maghapon akong naglinis at hindi kumain ng tanghalian dahil ang dami pang lilinisin, baka hindi ko matapos malinis 'toh kung hihinto ako. Ayaw kong ipagpabukas 'toh dahil bukas ay hindi ako papasok dahil may part time job ako. Kung hindi ko man matapos 'toh ay okay basta kunti na lang ang nililinisin nila bukas.

Naghanap ako ng part time job ko. Sa Cafe ako nagta-trabaho, ako 'yung customer service nila. Kailangan kong may work ulit 'gaya ng dati pero sana ay tumagal ako sa trabaho ko ngayon. Dati kasi ay limang buwan lang ang tinatagal ko dahil kay Xeno. Nalalaman kasi niya eh, ayaw kasi niyang nagta-trabaho ako dahil nand'yan naman daw siya tch! Balak pa akong i-spoil eh, lagi talaga akong nakikipag-away sa kanya nun dahil 'dun pero natatalo siya kaya wala siyang choice kundi ang hayaan na lang ako pero hanep.. gumagawa ng paraan para matanggal ako sa trabaho! Langya 'yun!

Pero ngayon ay wala na akong makakaaway dahil 'dun dahil wala ng pakialam sa'kin si Xeno ngayon. Wala ng pipigil sa mga bagay na gusto kong mangyari, wala akong maririnig na pang-aasar at wala ng pipikon sakin. Wala si Xeno eh, galit na nga ay ayaw pa niya akong makita. Matapos ang araw ko ngayon ay pagod na pagod ako, hindi pa muna ako 'agad umuwi dahil ililigpit ko lang 'tong mga gamit na basta lang iniwan ng mga 'yun. Pagod na pagod ako ngayon.. ang sakit ng kamay ko, likod ko, paa ko--buong katawan ko. Parang gusto ko ng mahiga at matulog para makapagpahinga ako. Matapos nun ay umuwi na din ako, pagdating sa bahay ay 'agad akong pumunta sa kwarto ko humiga 'agad at natulog.

Mamaya na lang ako magpapalit pero sa ngayon ay gusto ko munang matulog at magpahinga. Ginising na lang ako ni Lesh nung oras na ng hapunan, pagod na pagod talaga ako at gutom na gutom kaya ang dami kong kinain at natigilan naman silang dalawa dahil sa'kin pero wala akong pakialam basta gusto kong kumain lang ngayon dahil gutom na gutom talaga ako! Matapos nun ay si Wyatt na lang ang naghugas, nagpresinta siya at thank you lord makakapagpahinga na ako ulit. Pumunta na ako sa kwarto ko at naghilamos na ako. Matapos nun ay ginawa ko ang homework ko. Matapos nun ay nakatulog agad ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil papasok pa ako sa trabaho ko. Ilang araw na akong pagod at halos hindi na makapagpahinga ng maayos, anong oras na din ako kung umuwi. Ginagabi na talaga ako sa pag-uwi lalo na kapag may trabaho ako. Matapos ang araw ko sa pagta-trabaho ay pawis na pawis ako dahil ang dami kong ginawa. Nagwalis ako sa Cafe, nag-mop, pinunasan ang mga lamesa at gamit 'dun. Inaayos ang mga gamit. Nagtapon ng basura. Oh my lord.. kaya ko naman ito eh. Pagod na pagod talaga ako, pag-uwi ko ay hindi na ako nakakain ng hapunan dahil anong oras na 'tsaka antok na antok na ako. Bukas may pasok na naman ako... hay buhay ko, parang hindi ako ganito dati, nanibago ata ako ngayon.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon