Chapter 42

25 9 0
                                    

Chapter 42

Nandito kami ngayon sa abondonadong gusali. Dito kasi kami tinuro nung tracking device kung na saan si Chloe ngayon. Walang tao dito kaya nagtataka kami at mas naging maingat. Baka kasi isang trap 'toh, lintik kaming lahat.

Pero kailangan naming makita ngayon si Chloe. Maggagabi na. 5:55pm na.

"Queen!! Nasan ka?! Si Bestfriend 'toh! Nasan ka?!" Sigaw na nito habang lilinga linga. Pakalat kalat na nga ang tauhan namin dahil malaki ang gusaling ito.

"Boss, wala dito!"

"Wala rin dito!"

"Boss, kahit sa likod wala!"

Sunod sunod na usal ng mga tauhan, mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pag-aalala. Wala siya dito? Imposible..

"Takte, kung trap ito ay yemas! Hoy! Saan niyo dinala ang Queen namin!!" Inis na sigaw ni Cyrus.

Lahat kami ay hindi na mapakali. Kung wala siya dito ay hindi na namin alam kung saan pa namin siya hahanapin. Kung aalisin nila kay Chloe ang relo ay wala na.. baka mahirapan na kami talaga 'yan, ito ang unang beses na nangyari toh. Kahanga hanga.

Akalain mo 'yun, tumatalino na sila.. pero mga duwag pa rin.

Habang naghahanap ay wala ako sa sariling tumingin sa taas hanggang sa may makita ako sa taas na nakalambitin at parang walang malay at nanlaki ang mga mata ko at napangapanga ng magpagtanto kung sino ito. Kaya pala hindi namin mahanap dito kasi nasa taas siya---nakalambitin na parang pinapain sa isda! Sh*t!!

"CHLOE!!" Malakas na sigaw ko sa pangalan niya at ng tumingala sila ay 'agad akong tumakbo patungo sa loob at hanapin ang hagdan.

Ramdam ko naman ang pagsunod nila. Dali dali akong umakyat sa pinakataas. Grabe, mataas ang gusaling ito at nasa rooftop siya! 'Agad akong lumapit sa gawi niya. Malayo siya kasi may isang mahabang bakal 'dun, matibay na matibay kaya kayang kaya si Chloe kaso 'yung tali! Sa dulo ba naman siya itali eh.

Nagulat naman ako ng biglang tutuluyan si Boss patungo kay Chloe, hindi man lang nag-alinlangan. "Boss, wala kang tali! Baka mahulog ka!" Nag-aalang sambit ni Cyrus.

"Boss! Boss, you're not a superhero---you're just an ordinary person. When you fall there we don't have a boss, then when Queen falls we don't have a Queen.. boss come back here, put on a leash." Si Mark naman. Hindi naman sila pinakinggan ni Shian.

Ako naman ay kumuha ng tali at tinali sa bewang ko at kumuha pa ng isang tali para itali mamaya kay Boss. "Woy, aalayan niyo 'yung tali." Utos ko sa kanila at tumawid na din 'dun sa bakal.

"Hoy, please.. buhay kayong tatlo na babalik sa'min." Usal ni Cyrus at hindi ko siya pinakinggan.

Malapit na si Boss kay Chloe kaya dali dali akonf lumapit, may balanse pa rin syempre. "Queen wake up, this is your bestfriend. Wake up, please." Pakiusap nito. Nang makalapit ako kay Boss ay 'agad kong tinali sa bewang niya 'yung dala kong tali para sure na, hindi naman siya umangal dahil busy siya sa paggising kay Chloe na walang malay. "Let's lift her." Sabi nito sa'kin at puwesto sa kabila.

Tumango naman ako. Parehas kaming dumapa at hinawakan ang tali at binuhos ang buong pwersa para maiangat siya ngunit hindi namin magawa dahil nahihirapan kami sa posisyon namin. Kulang ang espasyo para maiangat namin siya.

"How can we lift her? She is unconscious.." Usal ko.

"Queen, please.. wake up." Pakiusap niya rito. Bumaling naman siya sa kung saan saan. Hindi namin alam kung pano namin maiaangat si Chloe. Pa'no nila nailagay si Chloe dito? Ano basta lang binitawan? Aba, masakit 'yun ah! Mga walang hiya sila!

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now