♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 15♛

45 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 15♛

Ngayon ay lunch kaya nandito ako sa Cafeteria. Syempre ako na naman ang mag-isang kumakain. Pupunta pa ako sa room ni Stella mamaya dahil ihahatid ko 'yung bwiset niyang gamit---pwede naman kasi na 'yung mga kaibigan niya ang magdala tutal pupunta din sila 'dun! Ginawa pa nila akong delivery girl nila! Malalim naman akong bumuntong hininga. 'Yung mga gamit pa naman ay niya ay ang dami. 'Yung gitara nung babaeng 'yun na nakalagay sa lagayan nun tapos ang apat na libro na grabe ang kapal--kapal--kasing kapal ng pagmumukha nilang lahat! Tch!

Matapos kong kumain ay umalis na ako sa Cafeteria at pumunta na 'dun sa building nung babaeng 'yun! Habang naglalakad ako ay nagring ang cellphone ko, nilapag ko ang gitara dito sa may baba ko at kinuha ang cellphone ko tsaka sagutin 'yun ng hindi tinitingnan ang cellphone ko kaya hindi ko alam kung sino ang tumawag sa'kin. "Hello?" Sagot ko na lang.

"Scarlett," Kumunot naman ang noo ko. Ano na naman ba ang nakain nito at tinawag ako sa second name ko?

"Ano?" Tanong ko.

"Naiwan mo ang activity paper mo." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ha!? Hala po! Oy, padala naman dito.. need ko 'yan eh." Pakiusap mo naman at nanonomblema na ako ngayon, may work 'toh ngayon eh.

"Tss, pa'no? Si Lex wala dahil nasa Airport 'yun ngayon, susunduin ang kapatid ko. Ako naman ay may meeting ngayon. Kaya pa'no?" Kumunot naman ang noo ko.

"Ang kapatid mo uuwi ngayon?"

"Oo, biglaan nga eh.. letse. Intindihin mo ngayon ay pa'no mo makukuha 'toh?"

"Pa'no nga ba?" Napaisip naman at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Gawan ko na lang paraan, kelan mo ba kailangan 'toh?" Tanong niya.

"Mamaya na."

"Okay okay.. bye." Napaatras naman ang ulo ko ng tingnan ko ang cellphone ko. Bigla ba naman niyang binaba ng hindi sinasabi sa'kin kung pano niya maibibigay sa'kin ang activity paper ko. Ang hirap pa naman nun tapos need na mapasa mamaya, lintik talaga ako kapag hindi naibigay ni Xeno sa'kin 'yung bago magtime ni Ma'am mamaya.

Nilagay ko ulit sa bulsa ko ang cellphone ko tsaka kinuha ang lagayan ng gitara ni Stella tsaka naglakad na ulit, magagalit na naman sa'kin 'yun dahil ang tagal kong dumating 'dun! Pagdating ko sa floor nila ay nakita ko na agad si Stella na ang taray ng tingin niya sa'kin--sobrang sama! Naiilang akong lumapit sa kanya. "Bakit ang tagal mo!?" Inis niyang tanong sakin at napalunok naman ako. Nakakatakot naman ang babaeng 'toh!

"S-Sorry.. m-may kinausap pa kasi.. mahalaga kasi 'yun eh." Naiilang na sagot ko.

"Wala akong pakialam dahil pakialam ko ay ang gamit ko!" Sigaw naman niya at napakislot naman ako sa gulat. Ang lakas ng boses nito!

"Sorry... Ito na ang gamit mo." Inabot ko naman sa kanya pero imbis na siya ang kumuha ay 'yung isang lalaki ang kumuha at siya ang naglagay 'dun sa desk nitong si Stella, ay wow.

"Sa susunod kapag late ka ay malilintikan ka na talaga sa'kin. 'Wag mo akong hamunin, letse ka." Galit niyang pagbabanta sa'kin 'tsaka niya ako talikuran. 𝑷𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒉𝒊𝒏𝒂𝒕𝒊𝒅 𝒌𝒐 𝒑𝒂 𝒓𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒎𝒊𝒕 𝒏𝒊𝒚𝒂! 𝑳𝒆𝒕𝒔𝒆 𝒌𝒂 𝒓𝒊𝒏! 𝑩𝒘𝒊𝒔𝒆𝒕 𝒏𝒂 '𝒚𝒖𝒏! Hindi ko naman pinahalata ang pagiging pikon ko sa kanya dahil baka mapasabak ako sa gera! Naglakad na lang ako pabalik sa room ko syempre dahil wala naman akong ibang pupuntahan.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now