♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 23♛

48 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 23♛

Maaga naman akong gumising para maligo, mga ganitong oras ay tulog pa si Lesh at Wyatt. Dito na kasi nakatira si Wyatt eh 'tsaka lagi ng nandito si Lesh, parang hindi na bumabalik 'dun sa dorm niya--I mean parang hindi na siya 'dun natutulog ng ilang araw. Ibang iba talaga si Lesh kapag si Wyatt ang nasa tabi niya. 𝑰𝒕𝒐 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒂𝒌𝒐 𝒃𝒊𝒏𝒂𝒃𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒓𝒂𝒂𝒏, 𝒉𝒂𝒚𝒔𝒕! Pinagpatuloy ko na lang ang pagligo ko at matapos nun ay kinuha ko na ang damit ko na nakalapag sa kama ko, hinanda ko na kanina eh. Tutal Luneta Park ang pupunta namin ay pwedeng maglaro kami 'dun na parang bata at mahaba ang lalakarin kaya ang suot ko ay 'yung babagay.

Nakapantalon na black ako na hanggang pusod ko kaya tinack-in ko 'yung t-shirt kong puti na fit sa'kin kaya ang katawan ko ay shape, oh my gosh! Pero okay na 'yan, nagsapatos ako na kulay puti--gucci ang brand Gosh! Ang mamahal ng mga pinagbibili nila sa'kin! Ang buhok ko naman ay nakatali lahat at naiwan ay 'yung bangs ko nga, naka-slide syempre at medyo curly, ang buhok ko na tinali ko ay curly. Paalon-alon na ang buhok ko kaya ganyan na siya. Kinuha ko naman ang maliit kong backpack. Lumabas na ako ng kwarto at natigilan naman ako ng lumabas din si Wyatt sa kwarto niya na parang sabog! Ang gulo kasi ng buhok niya, 'yung iba ay nakatayo pa! Tapos nakapikit ang isang mata niya pero ang isa ay naniningkit--nasisilawan ata siya. Taka naman siyang tumingin sa'kin, ngumiwi lang naman ako.

"Where are you.. going? Are you.. going to school now? What time is it?" Talagang antok na antok pa siya!

"Pasabi na lang kay Lesh na umalis na ako, hindi ako papasok dahil may pupuntahan ako ngayon, pupunta akong Luneta kasama si ZZ tsaka teacher. Alam na ni Lesh 'yun, kaya tell her na lang. I'm leaving na dahil baka nand'yan na si ZZ sa outside, bye bye and good morning to you, you're so sleepy huh, go to your room and tulog ka ulit if you want. Babosh!" Mabilis na sabi ko at umalis na palabas ng bahay.

Paglabas ko naman ng bahay ay saktong kababa lang ni ZZ sa kotse niya, kakarating lang niya. Lalapit na sana ako sa kanya kaso may narealize ako! Tumingin ako sa kabuuan niya at sa sarili ko tapos tumingin ako ulit sa kanya tapos tingin ulit ako sa sarili ko! Pa'no naman kasi halos pareho kami ng suot ng lalaking ito! Kahit siya ay natigilan din, panay din ang tingin niya sa sarili niya tapos sakin. Ang suot niya ay t-shirt na puti tapos naka-jacket na puti. Nakapantalon na fit sa kanya at may butas sa may tuhod niya na dalawa sa kabila tapos isa sa kabila. Nakasapatos na puti na.. gucci din ang brand! So para kaming couple ngayon!

Bumuntong hininga naman siya. "There's no time to change your outfit." Seryosong sabi naman niya. "Baka nandun na sila sa School at inaantay tayo, tara na." Aya naman niya at binuksan niya 'yung pintuan ng kotse niya. Bumuntong na lang ako dahil wala na nga talagang time! Nakakainis naman oh! Kapag ako eh naitukso sa kanya ay aba halika't mag-usap tayo ng 'maayos'.

Sumakay na lang ako at ganun na din siya. Ang awkward tuloy, hay. Pinaandar na niya yung kotse at umalis na kami. Nilabas ko na ang cellphone ko at tiningnan ang Instagram ko. Nagbabakasaling mabawasan ang awkwardness namin dito. Nagtingin tingin naman ako ng mga post ng iba dito. Natigilan naman ako ng biglang may tumawag sa'kin at si Dean ito kaya naman sinagot na ang tawag. "Hello po." Sagot ko.

"Nasan ka? Kasama mo na ba si Zander ngayon?"

"Opo, papunta na po kami sa school."

"'Wag na, dumeretso na lang kayo sa Luneta Park at magkita na kayo 'dun sa TOP kung hindi 'dun ay 'dun sa rebolto ni Jose Rizal."

"Okay po." Binaba ko naman ang linya at bumaling kay ZZ. "Sa TOP ka na dumeretso, 'dun na lang daw magkita o 'dun sa rebolto ni Jose Rizal." Sabi ko at nilingon naman niya ako ng nakakunot ang noo pero 'agad ding tumingin sa kalsada.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now