Ending: Part 2

29 8 0
                                    

Ending: Part 2

Third Person's Pov

Kanina pa hindi mapakali si Chloe dahil nag-aalala siya kay Blaise ng sobra. Kahit ang ugali niya ay nakakainis minsan ay marunong siyang magpahalaga sa mga taong nasa paligid niya at sa mga bagay. Lahat ng tauhan niya ay mahalaga sa kanya kaya ayaw niyang manapapahamak dahil sa gulo na kinasasangkutan ng pamilya niya. Hangga't sa kaya nilang protektahan ang mga sarili nila ay gawin nila basta wag lang mapahamak ng sobra, gaya ng nangyari kay Blaise ngayon.

Kakalma lang siya kapag alam niyang maayos na ang lagay ni Blaise o kapag may malay na si Blaise o kapag talagang okay na si Blaise. Bago pa nga gamutin ni Shian si Blaise ay nagalit pa siya eh, nakita niya kasi 'yung sugat nung tatlong babae. Lagot tuloy sila Raiden, lalo na si Raiden.

"Chloe, nahihilo na ako sa'yo ah. Malapit ng mag-ala-sais girl.. maya maya nandito na ang mga parents ng mga ito." Usal ni Avy. "Look. 'Yung red dot ay nandyan si Alvarez, success ang ginawa namin, 'tsaka nakasunod naman si Eunica sa kanya eh." Dagdag pa niya.

"Chloe, sa loob ng ten minutes nandito na ang parents ko." Sabi ni Mia.

"Aga naman nila."

"Gusto nila akong makita."

"Ikaw ba talaga o ako?" Seryosong tanong niya. "Sigurado akong alam na nila kung sino talaga ako, alam na ni Djelo kaya malamang alam na nila. Magkakaroon sila ng interes lahat sa'kin. Alam nilang kasama niyo ako, kasama nila si Djelo eh." Ngiwing dagdag niya. "Shete naman, hindi pa rin ba tapos 'yun." Pagtukoy niya kanila Shian.

"Mia, may kapatid ka tama? Si Kai?" Tanong ni Hazel at tumango naman ito. "I see.. si Mr. Tianco at Mrs. Tianco ay sila ang nag-aasikaso sa mga ka-transaction ni Alvarez, sila yung nagpa-process kung saan magkikita, magkano ba, ilang kilo ba, sila din ang unang makikipag-usap sa mga ito bago magkaroon ng transaction sa taong 'yun---ilegal 'yun."

"Si Mr. Mendez, siya naman ang may hawak sa ibang bansa. Meron silang mga taga-ibang bansa na ka-transaction nila. Mas marami sa France at Europe. Kasama niya minsan sa pag-aasikaso ay si Mr. Ramos at Mrs. Ramos." Sabad naman ni Cott, parents 'yun nila Leah at Ghilnash ba o ni Steven.

"Parents ko o parents ni Steven?" Tanong ni Ghilnash.

"Parents mo. Ang parents mo ay kasama ng parents ni Rex at Prixie. Sila ang may hawak sa mga Chinese customer nila o co-partner. Si Mrs. Eleutrio, mommy ni Lesh ay siya naman ang nag-aasikaso sa mga ibibigay sa mga ka-transaction nila at kung anong dapat gawin kapag nagkita na sila sa meeting place."

"Kasama niya 'dun ay 'yung daddy ni Xeno." Dugtong ni Rhett kay Cott.

"Ang parents nila Raiden, Steven at Xanthus ay sila ang kumukuha ng info. Kapag may nakausap na ang mag-asawang Tianco o may nahanap sila ay sila ang umaalam ng info ng mga ito." Hazel.

"Eh si Daddy?" Tanong ni Thea.

Suminghal naman siya. "Bat 'di siya tanungin mo?"

"Ako lahat ang nagrereport kay Alvarez, nirereport ko sa kanya lahat ng mga ginagawa ng mga parents nila. Ako rin ang nag-aasikaso sa pagawaan ng mga drugo at marijuana, at sa kung sila ilalagay para sa transaction. Ako talaga pinakataas samin at ako talaga ang pinaka-maraming ginagawa pero ngayon hindi na.. si Mr. Zhang ang pumalit sakin, parents ni Rex." Sagot niya sa anak niya.

"Nagta-traydoran na sila pero sinasadya 'yun ni Alvarez. Ganito ang ginagawa niya. Halimbawa, kakausapin niya si Mrs. Tianco at Mr. Tianco, sasabihin niya sa mga ito na kapag hindi nila napatay ang anak nina Mr. Ramos at Mrs. Ramos ay mamamatay ang anak nila so kailangan nilang patayin si Ghilnash dahil kung hindi mamamatay si Mia. Tapos kakausapin niya sila Mr. Ramos at Mrs. Ramos na patayin ang anak ni Mr. Zhang, kapag hindi anak nila mamamatay. Ganun tapos kakasaupin ni si Mr. Zhang kung sino ang dapat patayin. Ganun.. pinaiikot ni Alvarez ang lahat, pag-aawayin sila---magpapatayan. 'Yung akala nila safe na ang anak nila pero hindi kasi may papatay din sa kanila. 'Yan ang ginagawa ni Alvarez kaya alam na alam mong nagta-traydoran na sila." Mahabang paliwanag ni Suares. "Ako nga inutusan niyang patayin ko si Xeno eh.. kapag hindi ko mapatay si Xeno, mamatay sila Thea, Wyatt at Zander. Tapos kapag napatay ko na si Xeno ay papatayin ni Mr. Zhang ang mga anak ko. Si Mr. Zhang ang papatay sa mga anak ko." Dagdag pa niya. "Kapag namatay si Xeno, papatayin naman ako ni Mr. Acapulco." Dagdag pa niya.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now