♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 14♛

44 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 14♛

Matapos nilang mag-usap ay hinatid ni Lex si Lesh. Si Xeno naman ay pumasok na sa loob ng bahay, akala ko ay kakain siya pero dumeretso na siya 'agad sa kwarto niya. Ako naman ay nakasimangot na nagpunta sa kusina para kumain ng almusal. Sa loob ng ilang araw ay paulit ulit lang ang ginagawa ni Xeno at ganun din ako. Si Xeno ay maaga siyang umaalis, 'di ko nga naabutan eh. Pagkatapos ay anong oras na siya kung umuwi. Tapos hindi ko rin nakikita sa gabi dahil tulog na ako kung umuwi siya. Ako naman ay ito, nag-aaral pa rin. Tapos kain, higa, gadgets, magbasa at kung anu-ano pa. Ang bilis lumipas ng araw, dahil sa monday ay papasok na ako sa school. Saturday ngayon at si Xeno ay nandun sa office niya at nagta-trabaho kahit na day off niya, may sarili kasing opisina dito sa bahay nila eh.

Nga pala, about 'dun sa parents niya ay wala dito dahil nasa Canada at France 'yun, ang Daddy niya nasa Canada tapos ang Mommy niya ang nasa France. Ang kapatid niyang babae ay kasama ng Mommy niya sa France. Siya lang nandito sa Pilipinas, siya ang nag-aasikaso sa kompanya nila dito. About naman kay Lesh ay wala akong balita, hindi niya ako mami-message o mako-kontak dahil iba na ang number ko at account ko. Hindi naman 'yun nagpupunta dito. Hindi ko alam kung nag-uusap pa sila ni Xeno. Dahil boring ako ay pumunta ako sa office ni Xeno, gusto kong malaman kung anong ginagawa niya ngayon. Pagdating ko 'dun ay nakita ko siyang natutulog habang nadadaganan niya ang mga papel na naka-kalat sa lamesa niya.  Bumuntong hininga naman ako at lumapit sa kanya.

Tiningnan ko 'yung computer niya. Rating Chart ang nakikita ko at kung anu-anong mga nakatype 'dun. Pero may naintindihan ako, isang report ito about sa kompanya nila. Tiningnan ko naman ang mga papel na naka-kalat dito sa lamesa niya. Chineck ko yung mga folder at natigilan ako ng makita ang laman ng isang folder niya, kumunot ang noo ko dahil dito. Ang laman kasi ng folder niya 'yung mga requirements na kailangan kapag.. magpapakasal kayo. Gulat kong tiningnan si Xeno na ang himbing ng tulog ngayon at muli kong tiningnan yung mga papel. "May balak siyang.. magprose kay Lesh?" Wala sa sariling tanong ko na halos bulong na lang dahil hindi ako makapaniwala dito! Napalunok naman ako at wala ako sa sariling binuksan ang drawer niya.

Nagbabakasaling makita 'yung singsing! Hanep 'toh! Wala man lang akong clue dito! At kapag nagkataon na kay Xeno nga ito at may balak nga siyang magprose kay Lesh ay sobrang sakit toh kay Xeno! Syempre magpo-prose na siya sa babaeng mahal niya tapos ganito ang nangyari! 𝑨𝒏𝒐 𝒏𝒈𝒂 𝒃𝒂 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒊 𝒏𝒊 𝑿𝒆𝒏𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊 𝒊𝒕𝒐 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂? Sinubukan ko talagang hanapin 'yun, kahit sa kabilang side ng lamesa niya ay tiningnan ko din ang drawer. Pero bigo ako, tumayo ako ng tuwid at mabigat na bumuntong hininga. Nilibot ko ang paningin ko sa office niya hanggang sa may makita akong malaking box na nakalagay sa stante ng mga libro niya. Agad akong lumapit 'dun at kinuha yung box.

Nilapag ko 'yung box sa lamesa niya at 'dun buksan. Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil ang laman nung box ay may iba't ibang size ng box 'dun na kulay pula at may ribbon. Chineck ko 'yung pahaba na box at ang laman nun ay isang necklace na silver, pero mahal 'toh! Sobrang kinang! Sinara ko naman 'yun at chineck 'yung malaking box at napanganga naman ako sa laman nito! Hindi ko alam kung anong tawag dito pero isang diamond silver necklace! Million ang presyo nito, seryoso---walang halong biro! Napalunok naman ako at 'agad kong sinara 'yun at chineck ang 'yung pinakamaliit na kahon, siguradong ito na 'yung singsing, please!!! Dahan dahan kong binuksan 'yun at napangiti naman ako 'agad ng makita ko 'yung singsing, hahaha!! Ang ganda nung singsing, ang laki ng diamond putik! Sayang.. Lesh.

Tiningnan ko naman si Xeno, pero napawi ang ngiti ko ng marealize na hindi na niya ito magagawa. Hindi na niya maibibigay sa taong mahal niya. Malalim naman akong bumuntong hininga, binalik ko ulit yung box sa kung saan ko ito nakuha. Naisipan ko na din na ayusin ang mga gamit niya sa lamesa. Nilagay ko kay Xeno ang jacket niya na nakasabit lang dito. Pagkatapos nun ay lumabas na ako at pumunta sa kwarto ko. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nalaman ko ngayon. Ayaw ko ng mag-isip ng kung anu-ano, sumasakit lang ang ulo ko eh! Matutulog na lang ako...

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now