Chapter 32

35 10 0
                                    

Chapter 32

Nandito kaming lima sa ilalim ng puno sa may field kaming dalawa ni Kai ay libro ang hawak namin habang 'yung tatlo ay cellphone. Dito na kami nagkita 'gaya ng sinabi ko kanina bago umalis sa Cafeteria, tinirhan naman nila ang pagkain eh.. kakatapos ko lang kumain. Medyo saglit lang naman ang pag-uusap namin ni Xeno at gusto kong kalimutan ang kalokohang 'yun, epal na babae.

Ang sakit na ng likod ko, nangangalay na. Kanina pa kasi ako nakayuko dito sa pagbabasa ko, ang sakit na ng likod at batok ko. Gusto kong sumandal kaso saan? Si Steven, Brian at Raiden ay nakasandal sa may puno eh.. walang space dahil sinakop nilang tatlo ay may kung ano ano pa sa tabi nila, bwiset!

May naglalaro ngayon ng soccer, may upuan naman, 'yung style niya ay pahagdan siya at bawat palapag ay malawak kaya 'dun umuupo ang mga tao kapag manonood ng soccer o pwedeng pagtambayan kaso ang init kaya, tirik na tirik ang araw kaya ayaw namin 'dun at dito na lang pumwesto sa ilalim ng puno dahil may lilim at hindi 'dun sa tirik ang araw, baka sa sobrang init ay maprito kami 'dun.

Nakita ko naman si Kai na gumapang na parang bata na hindi pa marunong magkalakad patungo kay Steven at ngumiwi naman ako.

Pagkalapit niya sa tapat ni Steven na busy sa pagscroll sa cellphone nito at sumandal si Kai sa kanya!

Kaya ito si Kai ay komportable na nakasandal sa kanya habang nagbabasa ng libro na parang nakasandal lang sa puno pero hindi, medyo nakahiga na nga siya eh kunti nalang talaga nakahiga na siya eh. Ginawa niyang sandalan si Steven at hindi naman nagreklamo si Steven, parang balewala nga lang kay Steven 'yung pagsandal ni Kai sa kanya eh, basta scroll lang siya sa cellphone niya.

Natigilan naman ng tumingin sa'kin ni Kai. "Oy, alam kong nangangalay ka na d'yan. Sandal ka d'yan kay Raiden oh, ayos lang 'yan sa kanya kaso ayos lang ba sa'yo? Baka hindi ka komportable." Sabi niya.

"Huh? Ganyan ba kayo?" Takang tanong ko.

"Yep," kaya pala walang reklamo si Steven dahil ganyan sila lagi. Sweet.

Ngumiti naman ako. "Para kayong magjowa hahaha sweet." Biro ko at natawa naman si Brian, si Steven at Raiden ay mahinang natawa na nagpipigil, si Kai naman ay ngumisi. "Bakit?" Takang tanong ko.

"'Yun ba ang tingin?" Nakangising tanong ni Kai.

"P-Pasensya na pero.. o-oo." Utal kong sagot. "S-Sorry na o-offend ka ba?" Kabadong tanong ko..

"Of course not! Hahaha, sanay na kami sa ganyan. Lagi na lang kaming nagpapakamalang couple." Natatawang sagot niya.

"Pa'no ba naman kasi.. 'yang kilos niyo."

"Ganyan talaga kapag komportable sa isa't isa, wala naman kaming pakialam kung anong isipin ng iba basta magkaibigan kami." Nakangiting sagot niya.

Wow, sana all 'di ba?

Ngumiti na lang din ako. "Sandal ka lang kay Raiden, alam kong ngalay na ngalay ka na at masakit na 'yang batok at likod mo." Sabi niya.

Eh?

"Hey, hindi ka komportable sa lalaki, tama?" Tanong ni Raiden.

"Y-Yeah.. k-kay Xeno lang at kay Wyatt tapos kay Migo at Lex." Totoong sagot ko, speaking of Migo, anong nangyari sa batang 'yun? Alam ko magkasama sila ni Xeno eh.

"Sabi na nga ba eh pero teka, sino si Wyatt at Migo?" Takang tanong niya at ganun na yung tatlo.

"Si Wyatt.. ahmm ahh f-friend ko. Tapos si M-Migo.. ahh.. s-siya.. 'yung----" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang may sumabat dahilan para magulat ako dahil 'yung sinabi! Lintik!

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now