♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 09♛

52 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 09♛

Tahimik lang kami ni Lex dito sa labas habang inaantay si Xeno. Ang tagal nilang mag-usap eh. Ako ay ito 'di alam kung pano kakausapin si Xeno tungkol 'dun. 'Di ko alam kung pa'no sisimulan ang usapan namin tungkol 'dun pero ang iniisip ko ay pa'no ito malalaman ni Lesh? Siya ba ang magsasabi o ako ang magsasabi o kusang malalaman ni Lesh ang tungkol dito? Kung kusang malalaman ni Lesh ang tungkol dito ay panigurado na mas lalong magagalit 'yun, mas maganda siguro kung si Xeno mismo ang magsabi para kahit papano ay mabawasan ang maaaring galit at inis ni Lesh sa kanya pero sana kapag dumating na 'yung oras na 'yun ay sana ay wag silang maghiwalay dalawa dahil lang dito o mag-away ng matindi.

Dati at hinihiling kong sana ay maghiwalay sila o mag-away pero ito ako ngayon ay takot na mag-away silang dalawa o maghiwalay. Magulo talaga ang buhay ko eh, alam ko naman 'yun pero hindi pa rin ako sanay sa ganun kong ugali eh. 'Yung paiba iba nalang ang trip o desisyon o hindi mo na lang maintindihan ang ugali ko! Kahit ako ay naguguluhan na din sa ugali ko pero wala akong pakialam 'dun dahil ang pakialam ko ngayon ay 'yung nangyayari ngayon, bad luck ba ako ha? Puro negative ang mga nangyayari ngayong taon sa'min, nung nakaraang buwan at may problema din tapos ito naman ngayong buwan ay meron din! Anak ng.. Hayst!

Maya maya ay lumabas na din si Xeno, hindi ako kumibo. Si Lex ay nauna ng umalis kesa samin, sa ibang sasakyan siya syempre. Habang nasa byahe kami ay ang tahimik ng loob ng kotse dahil walang nagsasalita saming dalawa. Pareho kaming may iniisip eh. Alam ko na kung ano ang iniisip ni Xeno ngayon, tungkol 'dun sa napag-usapan nila nung doctor kanina--siguradong 'yun ang iniisip niya ngayon. Kung ako ang nasa sitwasyon niya ay ganyan din ako eh. Nakaka-depress. Habang nasa byahe ay nagring ang cellphone ni Xeno kaya naman ay napatingin ako 'dun, si Lesh tumatawag.

"Ako na ang sasagot." Sabi ko at tumango naman siya. Kinuha ko naman 'yung cellphone at sinagot 'yung tawag. "Si Chloe 'toh, nagmamaneho si Xeno eh." 'Agad na sabi ko.

"Ikaw talaga ang gusto kong makausap, bakit nga pala 'di kita matawagan? Naka-off ba ang phone mo?" Tanong niya.

"Mm.. bakit?" Tanong ko naman sa kanya at hindi siya sumagot. Kumunot ang noo ko ng marinig na umiiyak siya! Lumingon naman ako kay Xeno. "Itabi mo 'yung kotse bilis, ngayon na." Mabilis kong utos sa kanya kaya naman ay nagtaka siya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Basta." Bumuntong hininga lang siya at sinunod ang utos ko. Nang maitabi na niya sa gilid ay pinababa ko siya kaya mas lalo siyang nagtaka pero sumunod na lang siya. Ayaw ko kasing marinig niya ang sasabihin ko eh. "Lesh, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko.

"Chloe, si Xeno." Umiiyak na sambit niya kaya kumunot ang noo ko.

"Ano meron sa kanya?"

"M-May.. s-sakit si Xeno, Chloe." Nagulat naman ako 'dun at napalunok ako. Alam na niya! Pero pa'no niya nalaman 'yun? "M-Matagal na siyang may sakit.. ngayon ko lang nalaman. Bakit niya tinago? Anong gagawin ko, Chloe? Pa'no ko siya kakausapin.. tungkol dito?" Umiiyak na tanong niya.

"Hindi ko rin alam. Ang totoo niyan kanina ko lang din nalaman ang tungkol d'yan, narinig ko 'yung usapan nila nung doctor eh." Sagot ko naman.

"Dito na lang na'tin 'yan pag-usapan, umuwi na kayo." Malamig niyang sabi 'tsaka binaba ang linya. Bumungtong hininga naman ako binaba ang cellphone at nilapag 'dun sa harapan. Bumaling naman ako 'dun sa bintana at inabot 'yung pinundutan nung bintana at ibaba 'yun.

"Hoy, tara na." Sabi ko at tumango naman siya. Sumakay siya ulit. Ako naman ay tumingin sa labas ng bintana.

"Anong pinag-usapan niyo?" Tanong niya habang sinusuot ang seatbelt niya. Umiling naman ako.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon