♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 18♛

38 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 18♛

Nandito ako sa library ngayon, nagbabasa at nagre-review na din. May quiz kasi kami mamaya eh. Kanina pa ako nandito, dapat nga ay 'dun ako sa rooftop magre-review kasi 'dun naman talaga ako madalas kaso ayaw ko na 'dun. Pakiramdam ko ay dito ako safe kahit papano. Walang mang-aaway sa'kin kapag nandito ako sa library eh. Ang dami kasing may galit sa'kin at may ayaw sa'kin.. 'di ko alam kung ano ba ang problema nila sa'kin, siguro ay dahil nerd ako. Hindi ako bagay dito. Basura ako dito sa school nila. Walang kwentang studyante dito, baka 'yun ang dahilan nila kaya ganun sila sakin. Alam ko naman 'yun kaya hindi na nila kailangan ipagmukha sa'kin araw araw. Kung ayaw nila sa'kin ay sabihin nila, aalis ako sa school na ito kaso 'yung mga teacher ay ayaw akong paalisin dito dahil matalino daw ako.

𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒑𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒍𝒊𝒏𝒐 𝒌𝒐 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒚 𝒂𝒌𝒐 𝒅𝒊𝒕𝒐 𝒆𝒉..

Matapos ang ilang oras kong pananatili dito ay lumabas na ako dahil pupunta na ako sa room ko, ilang minuto na lang kasi ay nandun na ang teacher namin pero hindi pa ako nakakalayo sa library ay nakasalubong ko na ang grupo ni Stella. Itong mga 'toh ay talagang malaki ang galit sa'kin eh at reyna sila dito sa campus maya maraming takot sa kanila at hindi lang dahil 'dun dahil sa mayaman sila at malakas sa may ari ng school na ito--isa na ako 'dun sa mga takot sa kanila kaya sinunod ko ang mga utos nila sa'kin.

"Hey nerd, saan ka galing ha? Nagtago ka ba?" Mataray niyang tanong. Agad naman akong umiling.

"Hindi. Nasa library lang ako, nagreview ako..."  Malumanay na sagot ko.

"Bakit mah quiz na naman kayo?"

"Oo."

"Psh. Pumunta ka mamayang 2pm sa music room, dalhan mo kami ng pagkain 'dun. Naiintindihan mo?" Utos niya sa'kin at tumango naman ako. "Good." Nilagpasan naman nila ako. Lalagpasan na nga lang ako ay kailangan pa akong bungguin, sumusunod na nga ako eh.

Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Muntik pa akong malate dahil 'dun. Saktong pagdating ko ay dumating na rin ang teacher namin. About computer ang quiz namin, parts, definition and purpose. IT at Computer Science kasi ang kinuha kong course eh, pinagsabay ko na. Kaya tuloy nahihirapan ako ng kunti ngayon, kunti na lang naman kasi naayos ko na ang schedule ko 'di 'gaya dati kaya hirap na hirap ako dati at hindi ko alam ang una kong gagawin.

Matapos ang pagtuturo ni Sir ay dumating na si Maam. Sa kanya kami may quiz eh. Binigay na sa'min ni Maam ang quiz paper at nagsimula ng magsagot. Baka ako ang mahuli dito dahil dalawang quiz paper ang sasagutan ko, copy. Na truama na kasi akl noon eh, 'yung test paper ko nun ay nawala dahil may kumuha. Muntik na akong bumagsak nun dahil 'dun buti na lang ay binigyan ako ni Sir ng isa pang test paper, buti na lang talaga ay binigyan niya ako ng chance dahil kung hindi ay babagsak talaga ako sa kanya. At 'yun ang kauna unahang beses na babagsak ako kapag nagkataon.

𝑯𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒚 '𝒅𝒊 𝒌𝒐 𝒑𝒂 𝒓𝒊𝒏 𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒖𝒏 𝒆𝒉.

Iniisip kong sila Stella 'yun at iniisip ko rin na sa'kin galing ang mga sagot nila kaya sila ang may mataas na grade na nakuha nun at halos mapantayan na ako pero dahil nagtake ako ulit ay nagawa kong palitan ang ilan kong mga sagot 'dun kaya na perfect ko kaya ako pa rin ang nanguna sa list. Kahit anong pangdadaya ang gawin nila ay hindi ako papayag na manguna sila dahil sa pandadaya nila, payag akong manguna sila ng hindi nangdaya. Ayos lang sa'kin ang mga ginagawa nila pero pagdating sa mga grades at performance ay hindi na okay sa'kin 'yun dahil 'yun ang ayaw ko lahat. Ang dinadaya at kinokopya lang ang sagot nila para hangaan ng iba.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang