♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 03♛

75 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 03♛

Matapos kong sumagot at nakaupo lang ako dito habang ang mga kaklase ko ay nandun nakapila para kunin ang mga cellphone nila. Pakiramdam ko ay ang awkward. Ewan, 'di ko alam kung bakit 'yun ang pakiramdam ko eh. Sana ay 'di na ako sumagot dahil aawayin na naman nila ako dahil dito. "Chloe." Napalingon ako kay Ma'am ng tawagin niya ako. "I just have a question---"

"Ma'am naman..." Agad kong angal.

"My question is how do you know those?" Bumuntong hininga naman ako at nakahinga ng maluwag.

"Kanina po. Nangpunta po ako sa library, nagbasa basa po ako 'dun tapos yung mga tanong niyo po ay 'yun 'yung mga nabasa ko po." Pagpapaliwanag ko naman.

"Natandaan mo lahat 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong niya at nagkibit balikat naman ako.

"Siguro po. At least ay nasagot ko po ang mga tanong niyo kahit papa'no." Sagot ko naman at tatango tango siya.

"Good. You're smart." Nakangiting papuri niya sa'kin at ngumiti din naman ako.

"Salamat po."

"They should say that word." Baling niya sa mga kaklase ko. Tumungo naman ako. "You have to thank her because otherwise you won't be able to get your cellphone." Pagkausap niya sa mga ito. Bumuntong hininga naman ako. "Okay. Class dismissed. I don't want this incident to happen again, our lesson starts tomorrow. Goobye class." Paalam niya at umalis na siya.

Ito na, patay ka ngayon, Chloe.

Tumungo naman ako at umusog pa lalo dito sa gilid. Dikit na dikit na ako ngayon sa may pader at tungong-tungo ako. "Sorry." Sambit ko na 'agad. "'Di na talaga mauulit." Dagdag ko. Baka kasi bully-hin na naman nila ako eh. Ayaw ko ng gulo, gusto ko lang mag-aral dito. Gusto ko lang maging maayos ang grades ko. Gusto ko lang makapagtapos ng tahimik at maayos ang pag-aaral ko.

Ramdam ko naman na may lumapit sa'kin. "Ahmm.. Chloe, s-salamat." Talagang nautal pa siya. 'Di 'yun boses nung babaeng galit sa'kin dahil boses ng lalaki 'yung nagsalita. Ramdam ko naman na lumayo na siya pero hindi ko pa rin tiningnan kaya malay ko kung sino 'yun. Tumango lang ako.

"Hello, class." 'Dun na ako tumingin sa harapan agad ng marinig ko na ang boses ng isang teacher. Puro babae ba dapat ang teacher dito? Sa section namin kasi..

Nagturo lang siya at buti 'di siya nagpa-recite o nagtanong ng kung anu-ano about sa lesson dahil ko magagawang sumagot kasi 'di pa nakaka-recover ang utak ko kanina. Ang daming tanong ni Ma'am kanina eh, halos mawasak na ang utak ko dahil 'dun tapos 'di pa rin siya tumigil sa pagtatanong. Dineretso pa niya eh. Matapos niyang magturo ay dumating na si Sir. Ito, math na. Syempre may activity na pinagawa. Ang hirap ng computation dahil may show your solution. 'Yun ang ayaw ko sa math eh kaya minsan 'di mo magawang komopya. Hindi ako nangongopya, sinabi ko lang 'yun. Sinabi ko na ayaw ko ng may daya.

Pero itong tinutukoy ko na computation ay hindi numero, computer science. Computer Theory ang tawag dito sa ginawa namin ngayon, ang hirap nga eh. Tsaka kailangan mo ng iba't ibang color pen para makita talaga at maintindihan ng mabuti. Longtime Hierarchy and Arithmetic Hierarchy, gagawan mo siya ng computability and complexity. Tapos Theory about computability and complexity, pwedeng black lahat or ibahin ang kulay ng isa para magets ng maigi. Hirap explain...

Nang matapos na akong mag compute ay sumandal na ako at inantay na lang ang mga kaklase kong matapos na sila sa pagsagot. Tumingin naman si Sir sa'kin na parang tinanong ako. "Are you done?" Gulat niyang tanong at tumango naman ako. "Really?" Lumapit naman siya sa'kin at tiningnan ang papel ko. "Magaling. Okay, wait na lang na'tin ang mga classmate mong 'di pa tapos." Tumango lang naman ako. Bumalik naman siya 'dun sa table niya. 'Yung mga ibang kaklase ko ay napa-oh na lang sila sa gulat.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt