♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 19♛

40 9 0
                                    

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 19♛

Bago niya pa ako masugod ay tumayo naman 'agad si Raiden para humarang. "Tumabi ka." Madiing utos niya dito pero hindi nakinig si Raiden sa kanya. "'Wag kang mangialam dito, Raiden." Gigil na gigil na dagdag pa niya.

"Tama na, pwede? Kakabalik lang ng mga 'yan tapos ito 'agad ang makikita nilang eksena? Wow ha..." Sarkatiskong sagot ni Raiden at sinamaan naman siya ng tingin ni Leah.

"Kung lumaban ka, magsalita ka at kung magtaray ay akala mo bagay sa'yo. For your information, hindi bagay sa'yo dahil ang pangit mo, kadiri ka. Mahiya ka naman, nandito ang mga Xaxion. Ano nagpapa-impress ka ba sa kanila? Yuck!" Pandidiring sabat ni Prixie kaya tiningnan ko naman siya.

"Kailangan kapag nagtaray ay dapat maganda? Tulad niyo? Tch, eh maganda lang naman kayo dahil sa make up niyo na sobrang kapal eh--mas makapal pa nga 'ata sa mga libro kung magmake up kayo eh. 'Gaya ngayon, nagpaganda kayo ng todo ngayon para sa Xaxion, ang tanong, na impress ba sila sainyo?" Seryosong tanong ko at sumama naman ang mukha niya, lagi namang masama ang mukha niya eh.

"Nakakahiya naman sa'yo!" Inis niyang sigaw.

"Hay, okay. Lilinawin ko, oo tanggap ko na pangit ako, nerd ako, basura nga ako dito, oo tanggap na tanggap ko 'yun--matagal na. Eh, kayo? Tanggap niyo din bang hindi kayo magugustuhan ng iba kung wala kayong make up? Walang pera? Na magiging tulad ko din kayo kung wala kayo niyan? Tanggap niyo?" Paghahamon ko sa kanila. Nakita ko naman na kinuyumos na niya ang mga kamao niya sa sobrang pagkapikon sa'kin. "'Wag kayong pikon, kayo ang nauna. Alam niyo, para kayong baliw? Mang-iinsulto kayo ng iba tapos kapag kayo ang ininsulto ay galit na galit kayo! Papalabasin niyong kayo ang kawawa.. ang galing niyo! Mga best actress!" Dagdag ko pa, nakakapikon na talaga 'tong mga 'toh!

"Wow, ang ganda ng eksena." Biglang pagsasalita ng isa sa mga Xaxion. Hindi ko naman sila tiningnan, ang tanging tumingin lang sa kanya ay 'yung mga ibang studyanteng nanonood dito. Kasi tong limang babae ay sa'kin lang nakatingin ganun na din 'yung ibang Xaxion.

"Tama na.. Chloe, tama na." Awat ni Raiden at parang gusto niya akong paupuin pero 'di ako nakinig sa kanya. Uupo lang ako kung uupo ang mga 'yan at titigil sila.

"Saan ka ba nakakuha ng lakas ng loob para banggain kami ngayon ha!?" Inis namang tanong ni Stella.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Maang-maangan na tanong ko. "Binangga? Binangga ko kayo? Pa'no? Eh, nakatayo lang naman ako dito kaya pa'no ko kayo binangga?" Inosenteng tanong ko kunwari, pinipikon ko lang. Narinig ko namang bungisngis ang mga ilan sa mga studyanteng dito na nagpipigil sa pagtawa. Pero 'yung isa sa mga Xaxion ay tumawa ng malakas, hindi 'ata napigilan. Siniko naman siya ni Rex kaya tumigil siya sa pagtawa niya. Anong nakakatawa 'dun?

"Talagang---!!" Susugod na siya dito pero bago pa siya makalapit at humarang si Raiden at itago ako sa likod niya. "Tumabi ka!" Galit na galit niyang sigaw dito. "Bakit mo ba kinakampihan 'yan ha!? Type mo ba 'yan!?"

"F*ck it! Mandiri ka nga sa sinabi mo, Stella! Baliw ka ba!?" Galit na tanong ni Raiden dito. "Tumigil na nga kayo! Kayo ang nauna tapos pikon kayo d'yan! Sa susunod kasi kung magsasalita kayo ay isipin niyo muna ha! Para hindi kayo napipiloso d'yan at mapahiya! Anak ng tokwa kayo! Tumigil na kayo!" Inis pa niyang sigaw sa mga 'toh! Kahit si Raiden ay napipikon na din.

"Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng ipahiya sa marami 'di ba? Nakakahiya 'di ba? Nakakainis 'di ba?" Taas kilay na tanong ko sa kanya at nilingon naman ako ni Raiden.

"Isa ka pa! Sabing tama na eh! Tumahimik ka na, Chloe! Ano ba!" Inis niyang sigaw sa'kin at hindi ko siya pinansin. Sumugod naman talaga si Stella at pilit siyang nilalayo ni Raiden sa'kin at nagulat naman ako ng biglang may humatak sa buhok ko at 'yun si Leah! Si Raiden ay 'agad na lumapit sa'kin para awatin 'tong si Leah pero si Stella naman ang sumugod sa'kin. "Tama na! Ano ba!" Galit na galit na awat ni Raiden. Hindi ako mabitawan ni Stella! Ang higpit ng pagkakasabunot niya sa'kin! Parang matatanggal ang buhok ko sa anit! Pinagtutulungan nila akong dalawa ni Leah at si Raiden lang ang umaawat!

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now