Prologue

29.9K 445 82
                                    

Prologue

Nagsisimula ng magsibabaan mula sa kani-kanilang building ang mga kapwa ko estudyante dito sa La Solimatra national highschool ng Ashralka.

Pinapupunta kasi dito sa quadrangle ang lahat ng estudyante dahil sa magaganap na program. Imbes na makalabas na kami at makauwi na sa kanya-kanya naming tahanan ay hindi naman namin magawa, dahil sa ayaw at sa gusto namin ay kailangan naming makinig sa mahahabang talumpati ng principal at ng ilang bisitang naimbitahan para sa isang espesyal na pagdiriwang ngayon.

Ito ang ika-dalawangpu't isang taon ng pagkakatatag ng pampublikong paaralan na ito, na pinapasukan ng marami sa mga kabataang simpleng namumuhay dito sa La Solimatra, Ashralka.

Ang La Solimatra ang isa sa apat na bayan dito sa Ashralka at ito ang pinakamaunlad na bayan sa apat, ganoon pa man ay napapalibutan parin ito ng bulubundukin at malalawak na taniman. May ilang bahagi parin ng bayan namin ang hindi maabot ng kuryente, sa madaling salita ay hindi parin kami ganoon kasibilisado.

Pinasadahan ko ng tingin ang nagkakagulong mga kaeskwela ko, habang nakatayo sila at nagku-kwentuhan sa quadrangle. Tahimik lang akong nakasandal dito sa puting pader ng isa sa mga building dito. Humalukipkip ako at nilikot ang aking mga paningin.

Suot ang puti kong blouse na may itim na necktie, sa kaliwang bahagi naman ng blouse ko sa may bandang dibdib ay nakatahi ang badge na may pangalan ng eskwelahan namin, itim ang palda kong suot na hanggang tuhod, marami itong tupi. Black school shoes ang sapatos ko na may mahabang medyas. Nakalugay ang tuwid at mahaba kong buhok na may pagkakulay apoy. Natural ang kulay ng buhok ko dahil hindi naman talaga akong purong pinoy. Ang sabi ng inay ay british daw ang tatay ko, british na manloloko.

Maputi ako at ang sabi ng marami ay hazel daw ang pares ng mga mata ko. I also have a pointed nose and thin red lips. Ang sabi rin ng ilan kong kaibigang babae ay isa na raw yata ako sa pinakamagandang babaeng nag-aaral dito sa eskwelahan namin, kaya lang ay hindi ako umaaktong isang babae.

The way I move and the way I talk, hindi daw ako papasang tunay na babae. Madalas akong tinatawag na tibo kasi kahit pagsusuklay, kinatatamaran ko. 

Itinuon ko ang aking patingin sa stage. May malaking lettering na nakadikit sa puting pader.

'Happy 21st Foundation day, La Solimatra National Highschool' Kumikinang iyon sa glitters at may mga bulaklak pa ngang decoration na gawa sa crepe paper, may mga lobo rin na ibat-iba ang kulay.

Napansin ko rin ang drumset at keyboard piano na naroon sa sulok, siguradong gagamitin ang mga iyon mamaya ng Sacred Crown. Ang sikat na banda ng ilang estudyante rito sa school namin. Hindi lang sila sa school tumutogtog, madalas din silang tumugtog sa mga piesta.

"Girls, dapat sabay-sabay ang sigaw ng pangalan nila pag-akyat palang nila ng stage ha." Dinig kong sabi ni Nina, sa pagkakaalam ko ay siya ang president ng sacred crown fansclub at tinatawag nila ang kanilang fandom na crowners. Ang ganda sa pandinig diba?

Hindi ko itatanggi na isa ako sa mga crowners, pero hindi ako kasali sa fansclub nila na parating busy sa paggawa ng mga tarpaulin, confetti at kung anu-anong bagay na may kinalaman sa sacred crown.

Hindi naman kasi nasusukat doon kung gaano mo sila iniidolo, sapat na yung parati kang nandyan para sa kanila kahit hindi nila alam na nag-eexist ka.

That's the real fan.

Hindi parin ako umaalis sa pwesto ko. Nanatili lang ako rito habang nagtatalumpati ang principal namin, sa likod niya ay nakaupo ang ilan sa mga bisita tulad ng mga Bergancia.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon