Kabanata 54

8.1K 183 18
                                    

Kabanata 54
Morning Greetings

-------------

"Hindi ka totoo. Naeengkanto lang ako." ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Paulit-ulit kong sinambit na hindi totoo ang Code na nasa harap ko.

Nasa manila si Code. Busy siya. Imposibleng nandito siya.

Ngunit habang paulit-ulit kong kinukumbinse ang sarili ko na hindi totoo ang Code na nasa harap ko.

Narinig ko naman ang malakas na pagtawa nito.

"Anong akala mo sa'kin engkanto? Come on, Persis."

Nanginig ako ng maramdaman ko ang mga kamay ni Code sa magkabila kong pisngi. Ang init ng mga palad niya.

"Open your eyes. Look at me. I'm real, baby." namamaos niyang sambit.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at naramdaman ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko ng magtama ang paningin naming dalawa. Ang bigat ng paghinga ko. Sunod-sunod akong napalunok dahil sa panunuyot ng aking lalamunan.

Nangungusap ang mga mata ni Code habang nakatingin siya sa akin at puno iyon ng pagsusumamo.

"D-Diba hindi ka naman naniniwala sa akin? Diba sabi mo g-gusto mo kong mag laho sa bu-"

Namilog ang mga mata ko ng bigla akong hinalikan ni Code sa labi. Malalim ang iginawad niyang halik na di naglaon ay naging magaan.

Para akong naging bato sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla.

Hindi gumagalaw ang labi ni Code sa akin. Nakalapat lang ang mga labi namin sa isat-isa.

Ang init ng mga labi ni Code at para bang dumaloy sa buong katawan ko ang init mula doon.

Si Code din ang pumutol ng halik niya sa akin. Para ngang nararamdaman ko pa ang panginginig ng mga labi ko ng kumalas siya sa paghalik sa akin.

Muli niya akong pinakatitigan at bakas sa mga mata niya ang nangingilid niyang mga luha. Nag-iigting din ang kanyang mga panga.

"I'm sorry. Alam ko na hindi mo ko mapapatawad agad sa ginawa ko. Hinusgahan kita, sinaktan ko yung damdamin mo. I'm so sorry."

"Ano ba talagang ginagawa mo dito?"

Tila ayaw pang mag sync-in sa utak ko na nandito si Code ngayon sa Ashralka at kaharap ko.

"I told you. Gusto kong magsimula ulit kasama ka. Kaya sinisimulan ko na rin ayusin tayo." Kinuha ni Code ang magkabila kong kamay at pinisil niya ang mga ito.

"Sinabi na sa'kin ni Philip yung totoo pagdating ko rito kaninang madaling araw. Pagkatapos kong marinig ang totoo sa mga kasinungalingang ginawa niya noon. Na-realize ko na ang gago-gago ko na naniwala ako sa kanya at hindi kita pinaniwalaan, mas pinaniwalaan ko pa yung putanginang yon dahil sa selos ko. Nasaktan tuloy kita."

Niyakap ako ni Code ng mahigpit habang paulit-ulit siyang nag so-sorry sa akin.

Ang sarap sa pakiramdam na niyayakap niya ulit ako at naririnig ko sa kanya ang paulit-ulit niyang panghihingi ng tawad, pero hindi yata tama na sorry lang ay patatawarin ko na agad siya.

Hindi katumbas ng sorry ang sakit na naramdaman ko sa pambabalewala, pagsusungit at panghuhusga niya sa akin. Ilang taon akong mangulila sa kanya, at sa mga taong yon, binalot ng galit niya sa akin si Code. Galit niyang gawa ng kasinungalingan.

"Teka nga!" itinulak ko siya at ipinag krus ko ang mga braso ko, pinagtataasan ko rin siya ng kilay.

Hindi ako pwedeng bumigay agad sa kanya. Pinahirapan niya 'ko kaya pahihirapan ko din muna siya.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now