Kabanata 31

8.2K 175 18
                                    

Kabanata 31
At the party without you

-----------
Mapusyaw na lila ang kulay ng bistidang isinuot ko, may manggas ito at hanggang tuhod ang haba. Kabibili lang ni inay nito ng sabihin ko sa kanyang pupunta ako sa birthday ni donya Alena. Inimbitahan rin sila ni Philip pero nahiya naman ang mga magulang ko na pumunta, hindi rin kasi sila mahilig magpunta sa mga party kaya ako nalang ang pinapupunta nila.

Sa totoo lang, nawalan na ako ng gana na pumunta sa party ng sabihin ni Code na hindi siya pinayagan ng nanay niya.


"Ayos-ayusin mo ang kilos mo roon, Persis. Siguradong maraming magpupuntang mayayaman doon, dapat maging mahinhin ka." bilin ni inay habang nakaharap ako sa salamin at tinitirintas niya ang gilid na bahagi ng buhok ko, habang ang iba ay hinayaan niyang nakalugay lang.


"Iwas-iwasan mong makipagharutan sa mga kaibigan mo, Persis. Napakaisip bata niyo pa naman ng mga kaibigan mo. Tandaan mo, dalaga ka na at binata na sila, hindi na kayo mga bata."

Naipaikot ko nalang ang mga mata ko sa mga bilin ni inay.


Tapos na akong tirintasan ni inay ng marinig ko ang dalawang beses na busina ng sasakyan sa labas.

Sigurado akong sa sasakyan ni Robert galing iyon.


Nagmamadali kong isinuot ang flat shoes kong kulay lila rin at saka ko kinuha ang kakanin na nakakahon. Ipinabibigay ni inay iyon sa donya dahil nakakahiya naman daw kung pupunta ako doon ng walang bitbit, para sa donya.


"Persis Neshamah!" mula sa labas ng bahay namin ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Felix.


"Inay, itay. Alis na po ako." Paalam ko naman sa mga magulang ko.


"Persis, wag masyadong magpapagabi." bilin ni itay Noel.

"Opo, itay."

Kumaripas ako ng takbo papunta sa pintuan namin.

"Persis! Ano ka'ba? Wag ka ngang tumakbo. Kakasabi ko lang na maging mahinhin ka naman sa kilos mo, tapos ngayon, para kang batang tumatakbo ng wala namang humahabol. Diyo ko ka talagang bata ka! Labas sa isang tenga ang mga binibilin ko sayo!"

Inay talaga, aalis nalang ako may baon pang sermon.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at marahan akong lumabas ng pintuan namin.



Paglabas ko ng bahay naman at pagsara ko ng pinto ay muli akong napabuntong-hininga. Pakiramdam ko ay nakaligtas ako sa isang mahirap na pagsubok. Sa bakuran nila Code ay nakita ko sina Felix, Joe at Tyron na nagtatawanan.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga suot nila. Lahat sila ay naka-longsleeve, nakapantalon at naka leather shoes.


"Pormang-porma kayo, huh?" Pukaw ko sa kanila.


Tumigil sila sa pagtatawanan at sabay-sabay silang napatingin sa akin.


"Wow! Ang ganda mo dyan, pogs!" puri sa akin ni Joe. "Babaeng-babae ka na talaga."


Lumapit ako sa kanila at sa pag-ihip ng hangin, tinangay non ang matatapang nilang pabango na hindi naman masakit sa ilong, masyado lang mahalimuyak, lalaking-lalaki pa nga ang amoy 'non.

"At ang babango niyo pa." sabi ko pa sa kanila.

"Syempre, baka mamaya may makilala kaming magaganda 'ron, kaya dapat mabango." ani Felix na inayos pa ang kanyang buhok na naka-spike.


Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now