Kabatana 6

10.4K 226 12
                                    

Kabanata 6
Hindi karapat dapat

-----------
"Isang taon nalang ang bubunuin natin, makakapagtapos narin tayo ng highschool. Saan niyo balak mag-college?" Tanong ni Robert sa amin habang nakaupo kaming magkakaibigan sa tuktok ng malalaking tipak ng bato at malayo ang mga tingin sa malawak at payapang karagatan ng Ashralka na nakakamangha sa ganda.

"Sa Ashralka Polytechnic College sana, kaya lang wala namang engineering kaya baka sa maynila ako mag-aral." ani Tyron.

"Ako nga, gusto kong mag HRM pero wala din sa APC kaya baka sa manila rin ako." Sabi naman ni Joe.

"Gara niyo, mang-iiwan pala kayo." ani Felix na biglang nagbato ng kung ano sa dagat.

"Ikaw ba, Felix. Anong kukunin mo sa college?" Tanong naman ni Tyron.

"Business Administration sana, pero gusto ko rin kumuha ng Information Technology. Bahala na, basta hindi ako aalis dito sa Ashralka."

"Ikaw, Robert. Saan mo balak mag-aral?" Tanong naman ni Felix kay Robert na nasa kaliwang gilid ko at malayo ang tingin.

"Dito rin. Business Administration din ang kukunin ko. How 'bout, Persis?" Kasunod ng paglingon niya sa akin.

"Hindi ko pa alam. Gusto ko kasing maging Architect."

"Wala namang Architect sa APC."

"Oo nga at kahit meron naman. Feeling ko, hindi naman namin kakayanin ang tuition doon kaya magtatrabaho nalang muna ako."

Ang APC o Ashralka Polytechnic College ang nag-iisang paaralang pangkolehiyo rito sa Ashralka na nakatayo sa bayan ng El Ciero, na mag-iisang oras yata ang byahe mula rito sa La Solimatra. Malaki ang eskwelahan na yon, pero kaunting bachelor courses lang ang naroon. Education, business Administration at Information Technology, karamihan sa mga naroon ay mga vocational courses.

"Ayaw mo bang kumuha nalang muna ng ibang course? Marami namang vocational courses sa APC." Suggestion ni Code.

"Pwede rin. Hindi ko alam kanila inay. Kung sasabihin nilang hindi nila ako kayang pag-aralin. Magtatrabaho nalang muna ako."

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Joe. "Mahirap pag nagtrabaho ka na ng hindi ka pa nakakapagtapos, minsan kasi kapag nakakasanayan mo ng magtrabaho, parang ayaw mo ng mag-aral." aniya.

"Dipende naman sa tao yan e. Ako kasi, pangarap ko na makatapos."

"Pero ganun din naman diba? Nag-aaral ka para makatapos at makahanap ng magandang trabaho. Trabaho din ang babagsakan mo, paano kung makahanap ka na ng magandang trabaho ng hindi ka pa nakakatapos mag-aral, ipagpapatuloy mo parin ba ang pag-aaral?"

Napaisip ako sa tanong na iyon ni Joe. May punto siya doon. Pero ang sabi ng utak ko, kahit anong mangyari, magtatapos ako sa kolehiyo.

"Ikaw, Code? ano bang plano mo pagkagraduate natin ng highschool?" Tanong ni Tyron sa kanina pa tahimik na si Code, nakaupo sa pagitan ng mga hita niya si Nakeisha na nakabalot ng puting tuwalya at nakasandal sa malapad na dibdib niya at natutulog.

"Mag-aaral at magtatrabaho. Gusto ko rin kumuha ng business administration at balak kong magtrabaho sa koprahan ng mga Bergancia. May nakapagsabi kasi sa akin na maganda raw magpa-sweldo ang mga Bergancia."

"Seryoso kayo, wala kayong balak iwan ang Ashralka? Ayaw niyo bang makipagsapalaran sa maynila? Diba gusto niyong umasenso sa buhay, lalo ka na Code. Pre, sa maynila. Mas mabilis ang asenso doon, kaysa rito." ani Tyron. Umiling naman sa kanya si Code.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now