Kabanata 47

7.1K 170 27
                                    

Kabanata 47
Downtown

-------------
Abala ako sa pagtitinda ng isda dito sa palengke, kasama si inay. Si itay Noel naman ay nasa coconut plantation ng mga Bergancia at siguradong abala na sa pagkokopra.

Isang buwan narin ng magsimulang magtrabaho sa mga Bergancia si itay Noel. Tumigil na siya sa pangingisda ng magka-diabetes siya at ilang araw na ma-confine sa ospital, lakas loob na humingi ng tulong si inay sa mga Bergancia at hindi naman siya tinanggihan ng mga ito. Nagbigay si don Leonardo ng pera para sa mga gamot ni itay, lalo na yung pang insulin niya.

Ilang linggo lang na nagpahinga si itay at dahil hindi sanay ang katawan nito na hindi nababanat, naisip niyang sumabak na naman sa pagtatrabaho at bilang kabayaran sa tulong ng mga Bergancia, nagtrabaho bilang taga-kopra si itay ng mga Bergancia. Ang plano ni itay ay ang wag magpabayad sa mga ito, pero hindi pumayag si don Leonardo.

Kung tinulungan man daw nila kami, hindi naman daw sila humihingi ng kapalit. Lahat ng mga taong magbibigay ng serbisyo sa kanila ay may tamang kabayaran na manggagaling sa kanila.


"Magkano ang kilo niyo ng galunggong?"

Abala ako sa pag-aayos ng mga isdang binibenta namin. Hinahati ko ang mga ito dipende sa presyo, kaya si inay ang sumagot sa tanong na'yon ng bumibili.

"Pabili nga ng dalawang kilo. Ang bangus niyo, magkano?"

Muling sumagot si inay sa mamimili namin. Maganda ang boses nito, tunog sosyal kaya na-curious ako sa mukha nito. Pag-angat ko ng tingin sa babaeng bumibili sa amin ay napaawang ang bibig ko ng makilala ko ito.


"Ma'am Leticia?"

Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit pa ilang taon narin ang lumipas at isang beses ko lang siyang na-meet, tandang-tanda ko ang magandang tita ni Philip na sa pagkakatanda ko ay Leticia nga ang pangalan.

Sa likod niya ay may dalawa siyang kasamang babae. Base sa suot nilang uniform ay mga katulong ito ng mga Bergancia. May kanya-kanyang bayong pa nga na hawak ang mga ito.


Pagbalik naman ng tingin ko kay Leticia ay kunot ang noo nito sa akin, nagtataka niya pa akong pinupukol ng tingin.

"Do I know you, miss?" aniya.

"Oo nga anak, kilala mo siya?" Maging si inay ay nagtataka rin akong tinanong.

"Ma'am nagkakilala na po tayo noon sa birthday ni donya Alena. Isa po ko sa mga kaklase ni Philip na ininvite niya."

Saglit itong nag-isip, lalo pa ngang kumunot ang noo niya.

"I-I'm sorry but I can't remember you, but I'm glad that you still remember me." nginitian ako nito.

"Syempre naman po. Masyado po kayong maganda para kalimutan."

Marahan itong tumawa dahil sa sinabi ko.

"I like you. What's your name?"

"Persis po. Persis Neshamah Buenrostro."

"Nah, that's too long. Persis nalang ang itatawag ko sayo."

"Ah...okay po. Yun naman po talaga ang nickname ko."

"Oh, by the way, why don't you come to the mansion? We'll be having our welcome party for my nephew. You can take your mom and dad or some of your friends. The party's open for everyone at para narin makilala ng lahat ang tagapagmana ng mga Bergancia."

Hindi ko alam ang itutugon ko kay ma'am Leticia, kahit na sumisigaw ko na ayokong pumunta sa party. Para bang umuurong ang dila ko at hindi ako makatanggi.


Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now