Kabanata 26

7.8K 233 17
                                    

Kabanta 26
Confession at the roof

----------
"Philip, saluhin mo!"

Nakangiti kong sigaw ng sipain ko papunta sa direksyon niya ang tingga. Nasalo niya iyon pero hindi niya iyon napanatili sa ere at bumagsak agad iyon sa damuhan.

"Urgh! Nicodemus, paabot nga ng tubig." Pagod na naupo sa damuhan si Philip. "Ang hirap pala ng sipa. Mas mahirap pa'to sa basketball. Bakit ang galing mo dyan, Persis?" Humahangang tanong niya.

Nginitian ko naman siya. "Sanayan lang yan. Ikaw ba naman ang lumaking puro lalaki ang kaibigan. Ito ang paborito naming nilalaro dito."

Ngumiti lang sa akin si Philip at nilingon niya si Code na nakaupo sa ilalim ng puno at nakasandal doon habang pikit ang kanyang mga mata.

"Nicodemus, ano ba? sabi ko paabot ng tubig." Tila iritadong sabi ni Philip.

"Ako nalang." sabi ko naman.

"No, Persis. Siya ang inuutusan ko. Bayad ang oras niya para sundin ako." Malalim at matigas na anas ni Philip. "Nicodemus!"

Sa wakas ay dahan-dahang idinilat na ni Code ang mga mata niya at walang kaemo-emosyon niyang tinignan si Philip, pero nakita ko ang pag-igting ng kanyang mga panga. Kinuha niya ang bottled water sa tabi niya at saka siya tumayo at pinagpagan niya ang kanyang kupas na pantalon. Naglakad siya palapit sa amin ni Philip at tamad na inabot niya kay ang bote rito.

Salubong naman ang kilay ni Philip at pabalya niyang kinuha kay Code ang bote.

"Wag ka ngang papatay-patay, Nicodemus. Kapag inuutusan kita, bilisan mo naman ang kilos mo."

Ilang araw ng ginagawang alalay ni Philip si Code. Sa tuwing mag-aaya si Philip na samahan ko siya dito sa hacienda ay parati niyang pinatatawag si Code at ito ang ginagawa niyang alalay namin. Hindi naman matanggihan ni Code si Philip dahil nagtatrabaho siya sa mga Bergancia, kaya kahit napipilitan ay ginagawa parin ni Code ang inuutos ni Philip...kahit pa ramdam kong ayaw ni Code sa kanya.

"Patawad, senyorito." Pati panghihingi ng sorry ni Code kay Philip ay halatang pilit rin, wala kasi akong madamang sinseradad doon.

Simula ng mangyari ang tensyon sa pagitan nila noong nagpunta kami sa Dodiongan falls, nagsimula narin ang tila pagkasuklam ng dalawa sa isat-isa. Ramdam ko 'yon sa tuwing magkakasama kaming tatlo.

"M-Magaling maglaro ng sipa si Code, p-pakitaan mo nga si Philip."

Iyon nalang ang nasabi ko para alisin ang tensyon na namang namamagitan sa kanilang dalawa.

Hinagis ko kay Code ang tingga at nasalo naman niya ito.

"Kung sa basketball, kamay mo ang parati mong gamit. Sa sipa, kailangan matibay ang mga hita at binti mo." aniya.

Hinagis niya sa ere ang tingga at sinimulan niya itong sipa-sipain.

"Wag masyadong malakas ang sipa, mapapagod ka agad. Dapat yung tama lang." aniya.

Napapangiti ako habang pinanonood siya na tila relax na relax sa pagsipa ng tingga.

Bakit ba lahat ng gagawin niya, ang astig-astig sa paningin ko?

"Kapag sinisipa mo ang tingga, isipin mo nalang na...siya yung taong mahalaga sayo. Hindi mo dapat siya hayaang bumagsak, kasi masasaktan siya."

Nakagat ko ang isa kong labi para pigilan ang pagtawa sa sinabi ni Code. Wala sa tono ng boses niya na nagbibiro siya sa sinabi niya, pero para kasing ang corny niya doon, though lumikot ang puso ko sa sinabi niya.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora