Kabanata 14

7.7K 208 13
                                    



Kabanata 14
Senyorito


----------

Habang nasa likod ako ni Philip at nakahawak sa magkabila niyang balikat. Mabilis niya namang pinaandar ang kanyang motorsiklo.

"Philip, masyado kang  mabilis."

Hindi niya ako pinansin. Tuwang-tuwa lang siyang humihiyaw. Para bang pag-aari niya ang daan.

"Philip, ano ba! Ang bilis mo!"

"Just hold on tight, Persis."

Sa bilis niya ay napayakap na ako sa baywang niya at napatili. 

Kung ganito siya magpatakbo ng motorsiklo sa maynila, siguradong manganganib ang buhay mo habang nakaangkas ka sa kanya, para siyang nakikipagkarera kay kamatayan e.


Nang malapit na kami sa mga nagtatanim ng palay ay nagdahan-dahan na sa pagpapatakbo ng motor niya si Philip, makitid na kasi ang daan dito. Kasabay ng malakas na hanging sumasalubong sa amin, nasisinghot ko rin ang pabango ni Philip na lalaking-lalaki ang amoy, nanunuot iyon sa ilong ko. Ang bango niya. 


Huminto kami ni Philip sa palayan kung saan abala ang mga tao sa pagtatanim.

"Magandag hapon." Masiglang bati ni Philip sa mga magsasakang naroon.

Napatingin silang lahat sa amin at magalang na binati rin ng mga ito si Philip.


Nakapamaywang si Philip, habang pinanonood niya ang mga nagtatanim ng punla ng palay. Ako naman ay tahimik lang din na nanonood sa kanila. Ang bibilis nilang magbaon ng punla ng palay sa lupa. Nakakamangha. Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng mga nagtatanim kaya hindi na bago sa akin ang panoorin sila, pero hindi ko parin maiwasang mabilib.

Sa totoo lang ay gusto kong subukan ang ginagawa nila.


"I think I wanna try it." ani Philip habang nakatingin siya sa mga nagtatanim.

"Ako din, gusto ko din subukan."

Nakangiti siyang lumingon sa akin.

"Then, let's do it." Bakas ang excitement sa tono ng kanyang boses.


Nalaman kong hindi pala maarte itong si Philip. Wala akong nakitang pandidiri sa kanya ng magpaa kami.  Tumapak kami sa malambot na putik at nagtanim ng punla ng palay.


"Ang sakit po pala nito sa likod." aniya habang lumiliyad siya at kinakausap ang isa sa mga magsasaka.

"Senyorito, wag niyo pong masyadong pagurin ang sarili niyo." pag-aalala naman nito sa kanya.

"Ayos lang po 'to. Stretching and exercise narin." nakangiti niyang sabi at saka siya muling yumuko at ibinaon sa lupa ang punla ng palay. 


Pagkatapos naming magtanim ay naglakad-lakad naman kami. Sa paglalakad namin ni Philip sa palayan. Nakasama namin ang isa sa mga magsasaka.

Nalaman ko na napakalaki pala talaga ng palayan na'to, kung gaano karami ang magsasakang nagtatrabaho dito at kung anu-ano pa.


"God dammit! I can't imagine myself handling all of these. It's massive. Now, I admire my dad."

Tinapik ko ang balikat ni Philip. "Kaya mo yan. Mapapag-aralan naman lahat."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now