Kabanata 7

9.1K 218 21
                                    

Kabanata 7
Bakat

----------

Katatapos lang namin kumain ng hapunan at dahil wala naman akong assignment ngayon ay nagpasya nalang akong tumambay sa likod ng bahay namin.

"Inay, sa likod lang po ako ha." Paalam ko habang naghuhugas ng pinggan si inay.

"Wala ka bang assignment?"

"Wala po."

"Sigurado ka? Bakit hindi ka nalang magbasa ng libro mo hindi yung nakatambak lang dyan sa tabi at pinagpipiyestahan na ng alikabok. Daga ang makikinabang 'non, Persis...kung hindi mo gagamitin."

Napakamot ako ng ulo ko habang kinukuha ko ang gitara ko. Nagsisimula na namang manermon si inay. Ganyan yan kapag nag-aaway sila ni itay Noel e, hindi naman nagtatagal ang away nila. Maya-maya'y magbabati na ulit ang mga yan. Para bang away bata lang.

"Mamaya po magbabasa ako."

"Mamaya? Paborito mo talaga yang salitang yan, pag inuutusan kita puro ka mamaya. Inabot na ng ilang oras, mamaya parin. Hindi na natapos yang mamayang yan."

Nagkatinginan nalang kami ni itay Noel na nakaupo sa mahaba naming upuan na gawa sa kawayan at sinenyasan niya akong lumabas na. Nakangiti naman akong tumango sa kanya at patakbong lumabas na ng bahay namin.

Maliwanag ang likod ng bahay at may dalawang malaking puno ng mangga, kung saan nakatali ang isang puting duyan. Magkatapat lang din ang likod bahay namin at nila Code kaya mula rito ay dinig na dinig ko ang mga manok nilang nagtitilaukan, pati ang kanilang mga alagang baboy na nag-iingay din.

Nasa kanila na kaya ngayon si Code? Sumama kasi siya doon sa matandang babae kanina na lumapit sa kanya.

Humiga ako sa duyan at ipinatong ko ang gitara ko sa aking tiyan. Nagsimula akong mag strum.

"Nais kong malaman niya, nag mamahal ako
'Yan lang ang nag-iisang pangarap ko.. Gusto ko mang sabihin, di ko kayang simulan. Pag nagkita kayo...Paki sabi na lang"

Natigil ako sa pag ii-strum ko ng gitara at pagkanta ng may marinig akong ingay di kalayuan sa kinaroroonan ko. Galing iyon sa likod nila Code.

Ilang saglit lang ay nakakita ako ang isang bulto. Paglapit ng bultong iyon sa kwadrang nasa tapat ko lang ay nakita ko si Code na hila-hila si Bagwis.

Bagsak ang kanyang mga balikat at nasa mukha niya na tila may pinagdaraanan siyang kung ano. Sa sobrang lalim nga yata ng iniisip nito ay hindi niya man lamang ako napansin.

Ipinasok niya na sa maliit na kwadra si Bagwis at saka siya kumuha ng hagdan at umakyat sa bubungan ng kwadra.

Noon pa man ay madalas na siyang umaakyat doon at lagi naman akong sumusunod sa kanya. Kaya naman ay bumaba ako sa duyan at inilapag doon ang gitara ko.

Susundan ko siya. Alam kong may problema siya at bilang kaibigan niya at isang babaeng lihim na nagmamahal sa kanya, itinutulak ako ng damdamin ko para kausapin siya. Samahan siya sa lugar kung saan madalas kaming magkasama.

"Nicodemus!" Pagtawag ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtunog ng yero na bubungan ng kwadra at saglit lang ay sumilip si Code mula sa itaas.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin siya sa akin.

Sumampa ako sa bakod nilang hindi ganoon kataas at ng makapag-over the bakod na ako sa kanila ay muli ko siyang tiningala. "Aakyat din ako." Nakangiti kong sabi bago ako nagsimula ng sumampa sa hagdang kahoy na ginamit ni Code kanina.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon