Kabanata 17

8.2K 191 3
                                    

Kabanata 17
Mansyon

----------
Kanina pa ako hindi mapakali dito sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ko ang itsura ko. Suot ko ang isang bulaklaking bistida na hanggang tuhod ang haba, iniregalo sa akin ni inay 'to nung pasko pero hindi ko pa ito naisusuot ni minsan dahil hindi naman talaga ako sanay na magsuot ng ganitong damit, pero ngayon ay kailangan kong isuot ito dahil maya-maya lang ay susunduin na ako ni Philip para imbitahan sa mansyon nila, kailangan kong magmukhang kaaya-aya dahil siguradong makakaharap ko ang don at donya. Sinuhestyon din kanina ni inay na ito raw ang suotin ko, bago sila umalis ni itay papuntang palengke.

Pagkatapos kong maglagay ng pulbos sa mukha ko ay itinali ko naman ang buhok ko.

Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko ang mga 'to ngayon at maging ako ay naninibago sa itsura ko. Hindi ako mahilig magtali ng buhok pero ngayon, eto at nakatali ang buhok ko.


Ilang saglit lang ay narinig ko na ang pagkatok at pagtawag sa akin ni Philip.

This is it!


Muli kong pinasadahan ng tingin ang itsura ko at saka ko pinagbuksan ng pinto si Philip.


"Hi." bati sa akin ni Philip pagbukas ko ng pintuan.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka longsleeve siyang kulay asul na may maliliit na polka dots, nakabukas ang dalawang butones nito kaya sumisilip ang matipuno at makinis niyang dibdib, pati ang kanyang gintong kwintas na may kakapalan. Naka-tuck in ang longsleeve niya sa suot niyang gray shorts na sininturunan niya ng kulay brown, bumaba pa ang tingin ko sa itim na sneakers na suot niya. Magaling talaga siyang pumorma, hindi kataka-takang isa siyang manileño.

Nang muli akong mag-angat ng tingin sa kanya ay nahuli ko siyang pinapasadahan din ako ng tingin.

"Your dress looks good to you." aniya ng mag-angat na siya ng tingin at nginitian niya ako.

Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. "Thanks. Tara pasok ka muna."

"Hindi na. Hintayin nalang kita dito. Sinundo lang talaga kita."

"Ganun ba, Uhm...ready nako."

Tumango siya. "Let's go then."


Paglabas ko ng bahay namin ay napatingin ako sa bahay nila Code. For sure si Nakeisha at aling Narcisa lang ang naroon ngayon dahil naroon na si Code sa niyugan at nagbabanat ng buto. Sana okay lang sila, sana hindi sumpungin si aling Narcisa ng sakit niya ngayon dahil wala ako para saklolohan sila.





Sumakay na kami ni Philip sa motorbike niya.

"Hold on tight, we'll gonna own the road again." ani Philip na kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay nakasisigurado akong may pilyong ngiti na naman ang gumuguhit sa kanyang labi.

Mabilis akong humawak sa baywang ni Philip at kasunod non ay mabilis niyang pinaharurot ang kanyang motor.






"Talaga bang ganito ka magpatakbo ng motor mo?" tanong ko kay Philip habang tinatahak namin ngayon ang tila walang katapusang daan patungo sa hacienda nila.

"Not really, natutuwa lang ako sa daan dito. Hindi kasi katulad sa manila na masyadong traffic dahil sa dami ng sasakyan. Napaka-polluted pa ng hangin, masyadong mausok."

"Pero mas gusto mo don diba?"

"Well...I can't deny that. More civilize kasi ang manila and for me life in the city is easier than here."

"Siguro kung lumaki ka rito, mas gugustuhin mo dito. Kasi kahit na hindi ganoon ka civilize dito at kahit na mahirap ang buhay dito. Masaya parin ang mga tao."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now