Kabanata 21

8.3K 184 12
                                    

Kabanata 21
Piyesta

----------
Nagising ako ng marinig ko ang sabay-sabay na pagtilaok ng mga manok nila Code.

"Good Morning!" Bati ko sa aking sarili at saka ko dahan-dahang idilat ang mga mata ko.

Bumangon ako sa papag na tinutulugan namin at inunat ang mga braso ko, napapikit ako ng mapahikab ako ng malalim. Ilang saglit pa ay bumaba na ako sa papag, niligpit ko ang pinaghigaan ko at saka ko hinawi ang makapal at bulaklaking kurtina na tumatakip bilang pintuan ng silid namin.

"O, gising na ang reyna Elena. Kumain ka na ng almusal." ani inay na naghihiwa ng sibuyas at kung anu-ano pa.

"Ano pong almusal, inay?"

"May pandesal at latik dito, may suman din. Magtimpla ka nalang ng kape o gatas kung gusto mo, may mainit pang tubig sa thermos."

Inilibot ko ang paningin ko sa apat na sulok ng maliit naming tahanan.

"Nasaan si itay?" Tanong ko kay inay ng hindi ko makita ni anino ni itay Noel.

"Nasa likod ng bahay at nag-iihaw ng liyempo."

Umangat ang isang sulok ng labi ko sa narinig. Himala at may handa kami ngayong piyesta.

"Ano pong lulutuin niyo, inay?" Umupo ako sa upuang nasa harapan niya, kinuha ko yung kapirasong carrot na hihiwain niya pa lang at kinain ito.

"Magpapansit ako para kahit papaano naman ay may handa tayo ngayong piyesta. Siya nga pala, maraming palaro sa bayan mamaya, manonood ka ba?"

Nagkibit balikat ako. "Dipende po kung aayain ako ng mga kaibigan ko. Ayoko namang pumunta doon ng ako lang." Hindi talaga ako mahilig gumala ng ako lang, malungkot kasi ang gumala ng mag-isa.

Habang abala sa pagluluto si inay at itay. Naghilamos at nagsipilyo na ako at pagkatapos ay kinuha ko ang gitara ko at saka ako lumabas ng bahay namin.

Mamayang gabi na ang contest na sinalihan ko at nila Code. Haharap na naman ako sa maraming tao at hindi nalang basta pagkaway at pagngiti ang kailangan kong gawin mamaya. Kakanta ako sa harap nila, ilalabas ko ang talento ko.

Unti-unting sumibol ang kaba sa dibdib ko. Kabisadong-kabisado ko na ang chords ng tutugtugin ko, pati nga lyrics ng kanta, pero nakakakaba talaga. Kailangan kong manalo, kahit third place lang ayos na sa'kin basta ba makakatulong ako kanila Code.

"Magandang umaga."

Napatigil ako sa paggigitara at mabilis na nag-angat ng tingin dahil sa narinig kong pamilyar na boses. Napangiti ako ng makita ko si Code na may dala-dalang dalawang itim na timba. Lumapit siya sa poso at sinimulan niyang lagyan ang isa niyang dalang timba.

"Magandang umaga rin." Bati ko sa kanya habang pinanonood ko siya, pakiramdam ko'y unti-unting nawala ang kaba ko ng maalala ko ang mga sinabi niya kagabi.

Sa isang iglap ay napalitan ng kakaibang tuwa sa puso ko ang kaninang kaba na nararamdaman ko. Hanggang ngayon nga ay dama ko parin ang pagdiriwang ng puso ko.

Sayang at hindi kami nakapagkwentuhan pa ng matagal ni Code, kagabi. Pagkatapos niya kasing sabihin ang mga katagang nagpaligalig ng puso ko, hindi na kami nakapag-usap pa dahil tinawag na ako ni inay at pinagbibihis na, nagpaalam narin siyang papasok na sa bahay nila.

"Pupunta kami ni Keng mamaya sa bayan, manonood kami ng mga palaro doon. Sama ka?"

Hindi ako nagdalawang isip at sunud-sunod na tumango sa pang-aanyaya sa akin ni Code. Hinding-hindi ko yata matatanggihan na makasama ang isang Code Realonda.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα