Kabanata 35

7.7K 191 6
                                    

Kabanata 35
Jealousy

-----------
Pagkatapos halikan ni Code ang noo ko ay pinagdikit niya ang noo naming dalawa, nagkadikit din pati ang tungki ng aming ilong.

"Date tayo sa next sunday."

Napadilat ako at bahagyang inilayo ang mukha ko kay Code ng marinig ko ang sinabi niya.

"Date?"

"Uh-huh."

"Saan naman tayo magdi-date?"

Ang dami kong naiisip na pwede naming puntahan ni Code, pero dahil siya ang nag-ayang makipag date ay siya dapat ang mag-isip kung saan kami mag di-date.

"Sa dagat. Maligo tayo." Nakangiti niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko. Sa dagat? Marami naman kaming pwedeng puntahan pero bakit naman sa dagat lang niya naisip na makipag date sa akin?

Ang akala ko pa naman ay may naisip siyang iba naming pwedeng puntahan.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay at ipinag-krus ang mga braso ko.

"O, bakit ganyan ka makatingin?" Ngingisi-ngisi niya pang tanong.

"Ang kuripot mo naman. Sa dagat mo lang ako dadalhin?"

Hindi naman sa gusto ko siyang gumastos, pero...unang beses niya akong inaya na makipag date sa kanya. First date namin 'yon, tapos doon niya lang ako dadalhin? Para namang walang kaeffort-effort diba?

Aaminin ko, nagtatampo ako. Naisip ko kasi na nung sila ni Olivia, mahilig maglabas ng pera si Code, gagastahin niya yon para kay Olivia, bibilhin niya ang gusto nito, dadalhin sa lugar na makapagpapasaya dito sa abot ng makakaya niya.

"Persis? Ayaw mo ba dun? Saan mo gusto, sabihin mo baby?" nanunuyo niyang sabi.

Okay lang naman talaga sa akin kung saan ako dadalhin ni Code, hindi ko lang talaga mapigilang isipin ang mga ginagawa niya noon kay Olivia na pakiramdam ko, may effort kaysa sa ginagawa niya sa'kin ngayon.

"Sige, maligo nalang tayo sa dagat."

Pinilit kong kalimutan ang mga nasa isip ko at pinilit ko rin na nginitian si Code.

"Okay lang naman sa'kin. Kahit saan mo'ko dalhin. Ang mahalaga, kasama kita."

Tikom ang bibig na sumilay din ang ngiti sa labi ni Code habang tila nangingislap ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Hindi mo'ko kilala pagdating sa pakikipagdate, baby." Puno ng kumpyansa ang pagkakasabi niya non. Para ngang sa tono ng pananalita niya nagmamalaki siya.

Kung sabagay ay hindi ko pa naman talaga siya nakakadate at wala akong ideya kung paano nga ba makipagdate ang isang Code Realonda. Siguro naman, gagawa siya ng paraan para maging memorable ang date namin.

"At sinisigurado ko sayo na hinding-hindi mo makakalimutan ang first date natin."

Sabi ko na nga ba, mukhang may binabalak ang isang 'to. Lihim na nananabik tuloy ang puso ko.

"Hmp! Patunayan mo po, mister Realonda." Kasunod ng pagpisil ko sa matangos niyang ilong.

"Ahh!"

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. Muli niyang ipinulupot sa baywang ko ang isa niyang braso habang ang isa niyang kamay ay hawak ang kamay kong pinampisil sa ilong niya kanina.

Balak ko pa sanang pisilin muli ang ilong niya ng isa kong kamay pero para akong naparalisa ng ilapit niya ang mukha niya sa akin habang nakaangat ang isang sulok ng kanyang labi at pinapakatitigan ako.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now